Pagbubuntis sa Unang Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pagbubuntis sa Unang Linggo

Magandang araw! Welcome sa aming serye kung saan tatalakayin natin ang mga impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa iyong pagbubuntis week-by-week! Opo, pag-uusapan natin ang lagay ng baby sa sinapupunan mo ang mga sintomas ng pagbubuntis at ang mga bagay na dapat mong pakatandaan at gawin linggo-linggo.

Ngayon dumako na tayo sa pagbubuntis sa unang linggo.

Linawin lang natin, wala pang baby sa tiyan mo, wala pang embryo. Kaya naman, ang unang mga sinyales ng pagbubuntis ay malamang na hindi mo pa mapapansin agad sa ngayon. Sa katunayan maraming mga babae ang hindi muna dadatnan ng regla ng apat na linggo bago nila maramdaman na may kakaiba sa kanila. Pero narito ang mga sumusunod na mga maagang  sintomas sa unang linggo ng pagbubuntis na maaari mong maobserbahan.

Mga sintomas sa unang linggo ng pagbubuntis

Ang mga sintomas ng pagbubuntis ng isang babae ay pinaniniwalaan ng mga eksperto na iba-ba. Ngunit kadalasang ang unang sintomas nito ay ang pagkakaroon ng delay sa menstrual period o buwanang dalaw. Nagtataka kung bakit delay ang period mo? Sexually active ka ba ng mga nakaraang linggo? maaaring buntis ka!

Ngunit, ang mga ganitong maselan at komplikadong sitwasyon ay nangangailangan ng sigurado at lihitimong source upang makasiguro. Katulad na lamang ng pag PT o pregnancy test, o kaya ay ang pagpatingin sa doktor. Upang magkaroon ka ng ideya, nakapaloob sa artikulong ito ang mga unang sintomas ng pagbubuntis sa unang linggo. Gusto mo na bang malaman? Tandaan ang mga sumusunod na ito:

  • Pamamaga ng mga suso – sa unang linggo ng pagbubuntis, mapapansin mo na ang bahagyang pagbabago sa breasts o dibdib mo. Namamaga at malambot ito na kahalintulad sa dalawang maliit na lobong may lamang tubig. Dahil ito sa pag produce ng maraming estrogen at progesterone, kaya lumalaki ang mga glandula sa mga suso na nagiging resulta ng pagbabago nito.
  • Cramps at pananakit ng likod – Maraming babae ang binibigyan ng ibang kahulugan ang pananakit ng likod at pulikat sa paa. Ngunit ang totoo, isa itong sintomas ng pagbubuntis sa unang linggo. Ang mga ito ay sanhi ng hormonal changes at ang paglaki ng uterus.
  • Pagdurugo – Kung napapansin mo na masyadong maiksi ang period mo o may kakaiba rito kaysa dati, marahil isa itong sintomas ng pagbubuntis. Nangyayari ito kapag ang fertilized egg ay nagumpisa ng matanim sa plush lining ng uterus. Huwag kang mag-alala, ang pagdurugo o spotting ay harmless o hindi dilikado.
  • Pagkapagod/pagkahapo – Sa unang linggo ng pagbubuntis, ang katawan mo ay nagtatrabaho behind the scenes para masuportahan ang pagbubuntis mo. Normal na response nito ang pagkapagod ng katawan mo.
  • Pangingitim ng utong – Kasabay ng paglaki ng dibdib mo ay ang pag itim ng mga nipple nito. Naaapektuhan rin ng pregnancy hormones ang melanocytes o cells na nagbibigay ng kulay sa mga nipples mo.
  • Matinding pagkagusto sa isang partikular na uri ng pagkain – Sa unang linggo ng pagbubuntis, makakaramdam ka na marahil ng madalas na pagkagutom o kaya ay ang paglakas sa pagkain.

 

Ang mga sumusunod sa ibaba ay ilan pa sa mga sintomas ng pagbubuntis sa unang linggo:

  • Pananakit ng ulo
  • Pagiging antukin
  • Pagsusuka
  • Pagiihi ng madalas
  • Constipation/kahirapan sa pagdumi
  • Pagbabago-bago ng mood

 

Checklist para sa unang linggo ng pagbubuntis

  • Ipaalam kaagad ito sa iyong partner – Ang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak ay hindi basta-basta, kinakailangan nito ang maingat na pagaalaga, hindi lang ng ina, kundi pati ng ama nito o ang partner mo.
  • Maghanap ng OB/GYN – Isa ito sa mga pinaka-importanteng dapat gawin sa mga unang araw ng pagbubuntis. Mahalaga ang magkaroon ng personal na doktor para sa magiging anak mo in the future.
  • Prenatal checkup – Dahil ang unang linggo ang pinakamaselang bahagi ng pagbubuntis, mahalagang malaman muna ang kondisyon ng ina o ang magdadala ng bata. Dito pumapasok ang responsabilidad ng OB/GYN.
  • Pagiingat sa sarili – Kasabay ng regular checkup, syempre napakahalaga rin na ingatan mo ang katawan mo. Dahil sa iyo nakasalalay ang kalusugan ng sanggol na dinadala mo at dadalhin mo sa loob ng siyam na buwan.
  • Magkaroon ng savings – Para saan ang savings? Kung tutuosin, marami ng mga libreng paanakan dito sa pinas gamit ang Philhealth, isang ahensya na nagbibigay ng tulong sa kanilang mga myembro pagdating sa kalusugan ng mga ito. Kaya lang, may mga hindi inaasahan pangyayari na dapat paghandaan sa pagbubuntis. Lalong-lalo na sa mga inang maselan ang pagdadalang tao.
Pagbubuntis sa Unang Linggo
1 (20%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO