Pagbubuntis sa ika-38 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 4 minuto

Mga Palatandaan ng Panganganak sa Pagbubuntis sa ika-38 Linggo

Woah! Kapag nakaramdam ka ng tila kidlat na bumaba taas sa iyong mga binti (pati sa iyong ari!), huwag kang magulat. Ngayong nasa ika-tatlumpu’t walong linggo ka ng pagbubuntis, ang iyong anak ay maaring nasa ibabang bahagi na ng iyong balakang kaya maaring bumubungo-bungo siya sa mga ugat na nandoon – kabilang na ang mga sobrang sentibong ugat na hindi mo alam na meron ka.

Habang may panibagong hirap ka na iniinda, maging mapagmasid sa mga senyales ng tunay na panganganak. Ang Pagbubuntis sa ika-tatlumpu’t walong Linggo ay may kasamang mga contractions na mas malakas at mas madalas, dagdagan pa ng “bloody show.”

Ang araw ng iyong panganganak ay maaring mangyari alinmang oras ngayon o kaya’y sa mga susunod na linggo. Hangga’t hindi pa ito dumadating, subukan mo munang kumalma.

Gaano kabigat ang sanggol pagsapit ng 38 linggo ng pagbubuntis?

Ang sanggol sa kaniyang ika-tatlumpu’t pitong linggo ay kasinglaki ng winter melon. Siya’y may haba na 19.6 inches at ang kaniyang ulo ay kasing bilog ng kaniyang tiyan. Tumitimbang siya ng humigit kulang 6.8 pounds. Halos katulad na ng timbang kapag siya ay lumabas.

Ito ay katumbas ng walong buwan at dalawang linggo. Ilang linggo na lamang ang iyong hihintayin at makikita mo na iyong anak.

Ano-ano ang mga sintomas na maaring maramdaman ng 38 linggong buntis?

Ang mga karaniwang sintomas ng Pagbubuntis sa ika-tatlumpu’t walong Linggo ay dulot ng papalapit na papalapit na araw ng iyong panganganak. Malaki na ang iyong tiyan, halos handa na lumabas ang iyong anak, at ang iyong katawan ay naghahanda na rin para sa D-Day (delivery day). Ganito naapektuhan ang iyong katawan:

  • Braxton Hicks contractions. Pagsapit ng ika-tatlumpu’t walong linggo asahan na talaga ang madalas na contractions. Maaring ilang linggo ka ng nakakaranas nito o di kaya’y nagsisimula pa lamang. Kung ang contractions na nararamdaman mo ay hindi naman masyadong masakit at nawawala kapag nagpalit ka ng posisyon, Braxton Hicks pa lamang ito (o tinatawag din na “practice contractions).
  • Problema sa pagtulog. Maaring kinakabahan ka o dahil sadyang masakit lang ang iyong katawan kaya nahihirapan ka magkaroon ng masarap na matulog.
  • Mas maraming vaginal discharge. Maaring ngayong linggo ay magsimula na ang paglabas ng malapot at tila uhog na substance mula sa iyong vagina. Ang nakakadiring bagay na ito ay tinatawag na mucus plug, ito ay karaniwan lamang. Lumalabas ito dahil bumubuka ang iyong cervix bilang paghahanda sa paglabas ng iyong anak. Magpakatatag! Ang mas maraming mucus plug ay nangangahulugang mas malapit na araw ng panganganak!  
  • Nangangating tiyan. Ang iyong tatlumpu’t walong linggong tiyan ay nai-strech na sa pinakamataas na kapasidad nito kaya asahan na mas lalo pang naging sensitibo ito. Sa puntong ito ng pagbubuntis, inirerekomenda na ikaw ay lumipat sa mas heavy-duty na moisturizer gaya ng purong shea butter, at huwag kalimutang uminom ng maraming tubig. Ang hindi karaniwan ay ang magkaroon ng rashes kaya kapag nagkaroon nito ay agad sabihin sa iyong OB.
  • Nagmamanas na paa at bukong-bukong. Ikaw ay tatlumpu’t walong linggong buntis kaya tandaan na ikaw ay may karapatan na umupo at mag-taas ng paa. Palagian ding maglakad-lakad upang maging maayos ang daloy ng iyong dugo at maiwasan ang pamamaga.
  • Pagkabalisa. Normal lamang na maging balisa pagsapit ng Pagbubuntis sa ika-tatlumpu’t walong Linggo. Kapag malaki ang idinagdag sa iyong timbang, nagkaroon ng komplikasyon, o di kaya’y buntis ng kambal ay maaring mas hihilingin mo na sana ay lumabas na ang iyong anak.

Subukan na gumawa ng mga bagay-bagay na masaya. Manood ng sine, lumabas kasama ang iyong partner, at kumain kasama ang iyong mga kaibigan. Ang mga araw o linggong ito ay ang natitirang panahon para sa iyo kaya wagasin at i-enjoy ito.

 

Iba’t ibang senyales ng Panganganak sa Ika-38 Linggo

Ngayong nasa ika-tatlumpu’t walong linggo ka na ng pagbubuntis, ang mga senyales ng tunay na pangananak ay maari ng magsimula. Narito ang mga maagang sintomas ng panganganak:

Mucus plug at/o bloody show. Maaring magkaroon ka ng discharge na malapot na tila uhog (mucus plug) na may kasamang kaunting dugo (bloody show). Ito ang senyales na nagsisimula ng lumaki ang iyong cervix bilang paghahanda sa paglabas ng sanggol.

Diarrhea. Ang diarrhea na nararamdaman ng tatlumpu’t walong linggong buntis ay maaring hindi dahil sa maanghang na pagkain na kaniyang kinain. Maaring ito ay senyales na tumataas na ang level ng labor hormones sa iyong katawan at ilang oras na lamang ay manganganak ka na.

Pagkaduwal. Katulad din ng sa diarrhea. Bagama’t hindi ito siguradong senyales ng panganganak, may ilang kababaihan ang nagsabing sila ay nakaramdam ng matinding pagkaduwal bago sila manganak.

Contractions. Maaring naging karaniwan ng bahagi ng iyong araw ang contractions ngunit, pakiramdaman itong maigi dahil kapag ang paninikip ay tuloy-tuloy na may regular na pagitan, mataas ang posibilidad na nasa unang yugto ka na ng pagbubuntis. Kapag masakit ang contractions o di kaya ay mas mababa sa limang minuto ang pagitan ng bawat contractions, palatandaan ito na kailangan mo ng pumunta sa ospital.

Masakit na likod. Maaring ilang linggo ng namamaga ang iyong likod ngunit, kapag ikaw ay makakaramdam ng biglaan at matinding sakit, maari itong “back labor”. Sabihin ito agad sa iyong doktor kapag nakakaramdam ka ng ganito sintomas.

Pagputok na Palatubigan. Kung may lumalabas na tila tubig mula sa iyong vagina, nangangahulugan itong pumutok na ang iyong amniotic sac. Kapag nangyari ito, ilang oras na lamang at manganganak ka na kaya tawagan agad ang iyong OB.

Ang induced labor o mas maagang panganganak ay maaring kailangan kapag nagkaroon ka ng komplikasyon gaya ng preeclampsia, gestational diabetes, impeksiyon sa bahay-bata, at problema sa placenta. Maari ring mapaaga ang paglabas ng iyong anak kapag ikaw ay buntis ng kambal o kaya’y nagkaroon ng pagdurugo. Huwag kang matakot kapag nangyari ito dahil nandiyan ang iyong OB at pediatrician upang ikaw ay tulungan.

Tandaan, hindi inirerekomenda ang induced labor para sa mga buntis ng ika-tatlumpu’t walong linggo sapagkat ang iyong anak ay nangangailangan pa ng panahon upang lubusang ma-develop. May mga pamamaraan din ng induced labor na hindi ligtas. Kaya, kung nais mo talagang mapaaga ang iyong panganganak, tanungin muna ito sa iyong doktor at maghintay pa ng isang linggo upang umaabot sa “full term” ang iyong anak.

Pregnancy checklist para sa ika-38 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • I-schedule ang iyong ika-tatlumpu’t siyam na linggong prenatal visit
  • Paghandaan ang pagpapa-suso
  • Magluto ng pagkain

 

KATULAD NA MGA ARTIKULO