Pagbubuntis sa Ika-4 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Pagbubuntis sa Ika-2 Linggo

Ang artikulong ito ang sagot sa katanungan mo hinggil sa pagbubuntis sa ikalawang linggo. Tatalakayin natin dito kung ano na ang development ni baby  at kung anong mga sintomas ang nararanasan ng nanay sa pagbubuntis sa ikalawang linggo.

Pagbubuntis sa Ika-2 linggo: Gaano na kalaki si baby?

Sa ikalawang linggo ng pagbubuntis, gaano na nga ba kalaki si baby? Ano ba ang hitsura niya? Marahil ay nagtatanong ka. Ang totoo ang due date mo ay calculated simula sa unang araw ng huling menstrual period mo o buwanang dalaw.

Halimbawa, nangyayari ang conception sa loob ng dalawang linggo simula ngayong araw, at diyan mo pa lamang masasabing buntis ka.

Ang sagot, wala pang size o timbang si baby sa ikalawang linggo ng pagbubuntis. Ngunit sa loob lamang ng maikling 40 linggo, ang baby ay lalaki magmula sa isang maliit na butil, hanggang sa maging kasinglaki ito ng watermelon o pakwan.

Pagbubuntis sa Ika-2 linggo: Kumusta ang development ni baby?

Kagaya nga ng nabanggit sa unang bahagi, hindi pa nag e-exist ang baby sa una at ikalawang linggo ng pagdadalang tao mo.

Sa ikalawang linggo nangyayari ang pag-ovulate mo. Ano ang nangyayari sa panahon ng ovulation? Ang obaryo mo ay maglalabas ng ripened egg o hinog na itlog papunta sa iyong fallopian tube, pagkatapos ay pasensyosang maghihintay ito sa 900 million sperm cells na galing naman sa lalki.

Ngunit sa huli, mula sa 900 million na bilang ng sperms, isa lamang mapalad na sperm cell ang makakapasok sa hinog na itlog ng babae sa panahon na ito na tinatawag na conception.

Ngayong alam mo na ang kalagayan ng baby mo sa ikalawang linggo ng pagbubuntis, alamin naman natin ang mga pagbabagong maaaring maranasan ng ina sa pagbubuntis sa ikalawang linggo. Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo!

Ano ang kalagayan ni nanay sa ikalawang linggo ng pagbubuntis?

Napag-usapan natin sa artikulong pagbubuntis sa unang linggo ang tungkol sa mga sintomas ng pagbubuntis. Ang mga sintomas na nabanggit ko ay dala-dala pa rin ni nanay sa ikalawang linggo nito. May mga dadagdag pa nga kung tutuusin. Alamin natin kung ano-ano pa ang mga ito!

  • Pananakit ng puson – Marami sa mga babae ang binibigyang kahulugan ang pananakit ng puson. Posible kasi itong sintomas na dadatnan ka na ng buwanang dalaw. Ngunit alam mo bang sintomas rin ito ng pagbubuntis sa ikalawang linggo?
  • Mga pagbabago sa matris – Kung papansinin mo ng madalas ang cervix mo, maraming mga babae ang kinaugalian ito. Marahil ay mapapansin mo ang pagbabago sa iyong cervix. Nagiging mas malambot ito, nakataas, at iba pang pag babago. Nangyayari ito dahil sa tinatawag na ovulation.
  • Masidhing kagustuhang makipagtalik  – Para sa kaalaman mo at ng iba pang mga babae, sa panahon rin ng ovulation na nangyayari sa ikalawang linggo ng pagbubuntis, isang natural na resulta ayon sa mga eksperto ang pagtaas ng sex drive ng isang babae.
  • Pagsusuka tuwing umaga – Isa ito sa mga dinaranas ng mga mommy na maselan ang pagbubuntis. Isa ka ba sa kanila? Normal lamang ito ayon sa mga eksperto. Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pagkahilo, pagsusuka, headache o pananakit ng ulo. Ang magandang balita ay hindi rin ito tumatagal at nawawala rin kaaagad.
  • Maselang pang-amoy –  Totoo ito ayon sa mga eksperto! Paliwanag nila, dahil sa mga hormonal changes ni mommy, pinapalakas nito ang abilidad mo na makaamoy sa hindi pangkaraniwang kakayahan. Isang katangian na hindi mo pa naranasan nung una.

Ilan pa sa mga pagbabagong nararanasan ni mommy sa ikalawang linggo ng pagbubuntis ay ang mga sumusunod:

  • Pananakit ng balakang
  • Bahagyang pagdurugo
  • Pagkakaroon ng kabag
  • Paglabas ng mucus o discharge sa pwerta

Ang mga nabanggit ay iilan sa mga posibleng maranasan ni mommy sa pagbubuntis sa ikalawang linggo. Tandaan lamang na hindi pare-pareho ang mga pagbabago na nangyayari sa pagbubuntis.

Para naman sa mga tatay na nakakabasa ng artikulong ito, intindihin na lamang ang babaeng buntis dahil hindi biro ang pinagdadaanan nila.

Checklist para sa Ika-2 linggo ng pagbubuntis

  • Maghinay-hinay na sa pag-inom ng kape
  • Makipag-usap sa doktor mo tungkol sa mga gamot na pwede at hindi pwedeng inumin kung ikaw ay buntis
  • Kumain ng sapat at malulusog na pagkain
  • Ipakipag-usap sa doktor ang mga ehersisyong pwede mong gawin. Alam mo ba na ang pageehersisyo ay hindi naman masama sa buntis? Bagkus ito ay kailangan pa nga para mas mapabuti ang iyong pagdadalang tao

Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO