Pagbubuntis sa Ika-40 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Senyales ng Panganganak sa Pagbubuntis sa Ika-40 Linggo

Maligayang pagsapit sa araw ng iyong panganganak! Dahil ang ika-apatnapung linggo ng pagbubuntis ang opisyal na deadline ng iyong panganganak, alam namin na naayos mo na ang magiging higaan ng iyong anak, nailagay na ang baby seat sa sasakyan, at naihanda na ang dadalhing ospital bag.

Ngayon, ihanda mo na rin ang ilan pang malilit na detalye gaya ng pag-full chage sa iyong mga cellphones, at pag-full tank ng iyong sasakyan. Ang ilang nanay na nasa kanilang Pagbubuntis sa ika-apatnapung linggo ay naglalagay ng waterproof na kutson kung sakaling pumutok ang kanilang bahay-bata ng madaling araw.

Hindi naman ito sapilitan ngunit, hindi naman masamang ideya na gawin ito. Sa katunayan, malaki rin ang maitutulong nito kapag lumabas na ang iyong anak dahil maiiwasan nito ang iba pang kalat gaya ng gatas, laway, at ihi.

Hindi madali ang maging buntis sa ika-apatnapung linggo dahil ang bawat kirot na nararamdaman mo ay inaakala mong senyales na ng panganganak. Huwag mong masyadong pagurin ang iyong sarili sa pag-iisip dahil magbibigay ng hudyat ang iyong katawan pag siyang oras na ng iyong panganganak.  

Gaano kalaki ang 40 linggong sanggol sa sinapupunan?

Ang iyong anak ay kasinglaki na ng pakwan. Ang average full-term na sanggol pagsapit ng ika-apatnapung linggo ay may haba na 20.2 inches mula putong hanggang talampakan at may bigat na 7.6 pounds.

Ang Pagbubuntis sa Ika-40 Linggo ay katumbas ng ilang buwan?

Ang apatnapung linggo ng pagbubuntis ay katumbas ng siyam na buwan. Ilang buwan ka ng buntis? Siyam na buwan! Ulit-uliting sabihin ito dahil tunay na napakasarap sa pakiramdam na umabot ka sa yugtong ito.

Iba’t ibang Sintomas ng Pagbubuntis sa Ika-40 Linggo

Ngayong nasa huling linggo ka na ng pagbubuntis, ang mga dating sintomas na nararamdaman ay magpapatuloy. Kapit lamang! Alam kong kayang-kaya mong malamapasan ang mga sumusunod na sintomas:

  • Pamumulikat ng mga binti. Ipagpatuloy ang calf at halmstring stretches upang maiwasan ang pamumulikat ng mga binti. Makakaranas din ng matinding bigat sa balakang sapagkat maaring mas lalo pang bumaba ang posisyon ng iyong anak.
  • Problema sa pagtulog. Kung hindi ka makatulog, ayos lamang na ikaw ay bumangon at gumawa ng mga relaxing at kumportableng mga gawain gaya ng pagbabasa at pagsusulat sa journal. Ngunit, huwag ka maglilinis ng inyong refrigerator o di kaya’y mag-Zumba. Magpahinga.
  • Matinding pagod. Marahil ito ay dahil hindi sapat ang tulog na nakukuha mo tuwing gabi. Ngunit, dahil wala ka namang masyadong gagawin, huwag mahiya na umidlip kapag nakaramdam ng antok.
  • Contractions. Ang Braxton Hicks contractions na nararamdaman mo ay unti-unti ng magiging tunay na mga contractions. Kaya, kung palagi ka ng nakakaranas nito, orasan mo ang pagitan nito. Kapag papalapit ng papalapit na ang pagitan nito, maaring nasa unang yugto ka na ng panganganak.
  • Pagkabalisa. Lalabas ang iyong anak kapag handa na siya. Huwag masyadong pagurin ang iyong sarili sa kakaisip!

Senyales ng Panganganak sa Ika-40 Linggo

Maaring kabilang ka sa mga buntis na nasa ika-apatnapung linggong ngunit, wala pang nararamdaman anomang sintomas ng panganganak. Ngunit, magandang malaman mo ang mga senyales ng panganganak dahil maari itong maganap anomang oras mula ngayon. Tawagan na agad ang iyong doctor kapag nagkaroon ka ng masasakit na contractions na may regular na pagitan.

Ang iba pang senyales ng panganganak na dapat mong obserbahan? Kapag nagkaroon ka ng marami at tila tubig na discharge, maaring palatandaan ito na pumutok na ang iyong amniotic sac. Maaring akalain mo na ihi lamang ito ngunit, hindi! Nasa labor ka na, tawagan ang iyong OB!

Paano Mapapaaga ang Panganganak sa Ika-40 Linggo ng Pagbubuntis?

Ngayong apatnapung linggo ka ng buntis, maaring naiinip ka na – dahil pagkatapos ng lahat, ito talaga ang takdang araw na dapat ka ng manganak! Maaring gusto mong malaman kung paano mapapalabas ang iyong anak sa pamamagitan ng natural na paraan. Aming inirerekomenda ang paglalakad-lakad at pakikipagtalik. (Parehong masaya itong gawin at maaring maging sanhi ito upang simulant na ng iyong katawan ang panganganak.)

Maari mo ring subukan ang acupuncture, ligtas din ito. Ngunit, huwag uminom ng anumang herbal supplements at castor oil dahil hindi ito ligtas at posibleng hindi rin naman gumana. Maaring narinig mo na ang paghawak-hawak sa iyong suso ay maaring mag-induce ng labor – oo ngunit, hindi ito inirerekomenda ng mga doctor. Sa katunayan, ang nipple stimulation ay maaring magdulot ng masyadong matinding contractions na maaring ikapahamak ng sanggol.

Dahil naabot mo na ang iyong due date, maaring tanungin ka ng iyong doctor tungkol sa pag-induce ng labor medically. Maaring mahalaga ito o hindi depende sa lagay ng anak mo sa iyong sinapupunan. (Maaring gawin na ito ng iyong doctor kung ikaw ay may komplikasyon o buntis ng kambal.)

Kung malusog naman ang iyong anak at wala kang nararamdamang anumang komplikasyon, maaring hindi na kailangan pang magkaroon ng induced labor. Huwag ng mainip dahil humigit kumulang dalawang linggo na lamang at siguradong manganganak ka na. Magiging sulit ang lahat ng paghihirap mo kapag lumabas na malusog at malakas ang iyong anak.

Pregnancy checklist para sa ika-40 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • I-schedule ang iyong ika-apatnapu’t isang linggong prenatal visit
  • Kausapin ang iyong doktor tungkol sa induced labor
  • Kung inutos ng iyong doctor, magkaroon ng non-stress test.
Pagbubuntis sa Ika-40 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO