Pagbubuntis sa ika-39 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 4 minuto

Mga Senyales ng Labor sa Pagbubuntis sa ika-39 na Linggo

Yehey! Ang iyong sanggol ay umabot na sa kaniyang kabuwanan! Maaring nararamdaman mo na gusto mo ng palabasin ang iyong anak mula sa iyong sinapupunan sa lalong madaling panahon.

Hindi kami sigurado pero marahil ang pagka-inip at pagkabugnot ay natural na paraan ng iyong katawan upang maging mentally prepared ka sa araw ng iyong panganganak. Isipin mo dati kung gaano ka nataranta sa pag iisip kung paano ba manganak?

Kumusta si baby sa ika-39  linggong pagbubuntis

Ngayon na nasa Pagbubuntis sa ika-tatlumpu’t siyam na Linggo ka na, ikaw ay handa na at wala ng takot, gusto mo lang maisilang na ang iyong sanggol at matapos na ang iyong pagbubuntis!

Sa ika-tatlumpu’t siyam ng pagbubuntis, ang iyong anak ay singlaki na ng isang buong kalabasa. Siya ay may sukat na dalawampung pulgada at may timbang na halos 7.3 pounds.  Ang sanggol sa iyong sinapupunan ay patuloy pang lumalaki, sa kabila ng napaka sikip na nya sa loob ng iyong tatlumpu’t siyam na linggong tiyan.

Ito ay katumbas ng walong buwan at tatlong linggo. Sa sunod na linggo, ikaw ay ganap ng makaka kumpleto ng siyam na buwan ng pagdadalantao, at ikaw ay nasa tamang araw na upang magsilang (yan ay kung hindi ka mag labor ngayong linggong ito). Ito ay masayang abangan!

Mga Sintomas na mararamdaman ng 39  linggong buntis

Ang kadalasanag mga sintomas ng Pagbubuntis sa Ika-tatlumpu’t siyam na Linggo ay katulad ng mga nararamdaman mo noong nakaraang linggo. Madadagdag pa ito dahil karamihan sa mga palatandaan ng tunay na panganganak ay mangyayari na sa mga sususunod na linggo. Kabilang sa mga sintomas na mararamdaman mo ngayong linggo ay ang mga sumusunod:

Braxton Hicks Contractions. Ngayong tatlumpu’t siyam na linggo kang buntis, maaring karaniwan na sa iyo ang paninikip ng iyong bahay-bata. Madalas itong mga “false labor pains” ay nagsisimula sa harapang bahagi ng iyong katawan at nawawala kapag nagpalit ka ng posisyon. Malalaman mo na ito ay “real labor” kapag nagsimula ito sa taas ng bahay-bata at mas lalong naging madalas.

Matinding bigat sa balakang. Habang naghahanda ang iyong anak sa kaniyang paglabas, maaring siya ay bumaba na papunta sa ibabang bahagi ng iyong katawan. Ito ang dahilan kung bakit magiging mabigat at hindi kumportable ang pakiramdam mo sa bahagi ng iyong balakang.

Lightning crotch. Dahil masyadong mababa ang posisyon ng iyong anak, ang kaniyang paggalaw ay maaring tumatama sa mga sensitibong ugat sa iyong balakang – oo, parang mahinang kidlat ang pakiramdam nito. Aray!

Pagnanais na mag-nesting. May ilang buntis ang biglaang tumataas ang enerhiya kaya gustong-gusto nila maglinis ng tahanan bago dumating ang kanilang bagong anak. Huwag nga lang masobrahan. Hindi mabuti na masyado kang mapagod bago ang araw ng iyong panganganak.

Mucus plug at/o bloody show. Ang Pagbubuntis sa ika-tatlumpu’t siyam na linggo ay maaring samahan ng makapal at tila-uhog (mucus plug) na may kasamang kaunting dugo (bloody show). Maraming buntis ang nagsasabi na kapag lumabas na ito ay malapit ka ng manganak ngunit, walang patunay ang siyensiya tungkol dito kaya mahirap pa rin masabi kung kelan ang eksaktong araw ng panganganak.

Kung ikaw ay tatlumpu’t siyam na linggong buntis ng kambal, mabuhay ka! Bagama’t mahirap at hindi kumportable, napanatili mo sa iyong sinapupunan ang iyong kambal. Maganda ang maidudulot nito sa kanilang kalusugan kaya kapit lang! Huwag ng mag-alala dahil malapit mo na silang ilabas.

Ano-ano ang mga senyales ng labor sa ika-39  linggo ng pagbubuntis?

Ang ilan sa mga sintomas na iyong mararamdaman ay paraan ng iyong katawan upang ipaalala sa iyo na lalabas na ang iyong sanggol ASAP. Ngayong nasa ika-tatlumpu’t siyam na linggo ka ng pagbubuntis, ang mga senyales ng panganganak ang pangunahing bagay na pumapasok sa isip mo.

Maaring kinakabahan ka na baka nasa labor ka na ngunit, hindi mo pa ito napagtatanto. Huwag mag-alala dahil malabo itong mangyari. Halos lahat ng sintomas ng panganganak ay masakit at malayo sa mga sintomas na naramdaman mo dati kaya siguradong malalaman at malalaman mong nasa yugto ka na ng panganganak.

Tawagin agad ang iyong OB kapag naranasan mo ang alinman dito:

Pagputok na Palatubigan. Maaring malayo ito sa mga napapanood mo sa sine – maaring paunti-unti ang paglabas nito at hindi isang malaking buhos. Kung ikaw tatlumpu’t siyam na linggong buntis at napansin mo na ang lumalabas ay tila tubig, nangangahulugan itong pumutok na ang iyong amniotic sac at ilang oras na lamang ay manganganak ka na.

Regular na contractions. Kung ang iyong tiyan ay tuloy-tuloy na humihigpit sa parehong pagitan ng oras (magsimula ng timer para malaman ang pagitan sa bawat contractions). At kung mas lalo pang umiikli ang oras ng pagitan nito, nasa unang yugto ka na ng pagbubuntis! Iba-iba ang itinatagal ng yugtong ito ngunit, mahalagang ipaalam na ito agad sa iyong OB. Sundin maigi ang kaniyang mga payo upang pagdating niyo sa ospital ay maging maayos ang iyong “active labor”.

Kung ikaw ay tatlumpu’t siyam na linggong buntis ngunit, wala pang nararamdamang senyales ng panganganak, ayos lang iyon! Karaniwan para sa mga unang beses magiging ina ang manganak pagsapit pa ng ika-apatnapu’t isang linggo. Ang mga ikalawang beses naman ay madalas nanganganak sa kanilang ika-apatnapung linggo. May ilang buntis na unti-unti ng bumubuka ang cervix at nagkakaroon ng regular na contractions linggo bago pa ang tunay na araw ng kanilang panganganak. Ang iba naman ay bumubuka na ang cervix hanggang sampung centimetro sa loob lamang ng ilang oras.

Pinaagang panganganak (induced labor) sa ika-tatlumpu’t siyam na linggo ng pagbubuntis

Ngayon na ikaw ay nasa kabuwanan na at kating-kati na manganak, maaring iniisip mo kung paano ba natural na mapalabas ang iyong anak.  Ang pag-inom ng castor oil at iba pang herbal remedies ay hindi ligtas – ang pagkain ng maaanghang ay hindi rin tama. Ngunit, may ilan na madalas ay ligtas at maaring gumana:

Paglalakad-lakad. Isintas na ang sapatos at simulang maglakad-lakad. Bagama’t hindi ito lubusang napapatunayan na epektibo, may ilang eksperto ang naniniwala na dahil sa gravity ay maitutulak pababa ang iyong anak pababa ng  cervix at ang matinding pressure nito ay magiging sanhi upang bumuka ito.

Acupuncture. Muli, hindi lubos na napatutunayan ngunit, may ilang ebidensiya ang nagpapatunay sa sinaunang paniniwala na ito. Ayon sa kanila, ang acupuncture ay nakakatulong upang maging maayos ang daloy ng dugo dahilan upang bumuka ang iyong cervix. May ilan ding naniniwala na ang pakikipagtalik ay makakatulong upang magkaroon ng contractions. Wala namang mawawala kapag sinubukan, di ba?

Para sa ilang buntis na nasa ika-tatlumpu’t siyam na linggo, ang iyong doctor ay maaring magrekomenda ng medical induction kung ikaw ay nagkaroon ng mga komplikasyon gaya ng preeclampsia, gestational diabetes, sakit sa puso, problema sa placenta, o impeksiyon sa bahay-bata. Inirerekomenda rin ang induced labor para sa mga buntis ng kambal o kapag pumutok na ang iyong palatubigan ngunit, hindi pa nagsisimula ang iyong panganganak.

Pregnancy checklist para sa ika-39 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • I-schedule ang iyong ika-apatnapung linggong prenatal visit
  • Gumawa ng listahan ng mga taong sasabihan kapag dumating na ang iyong anak
  • Alamin ang nangyayari kapag delivery
  • Magbasa ng kwento ng panganganak ng ibang nanay

 

Pagbubuntis sa ika-39 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO