Pagbubuntis sa Ika-37 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 5 minuto

Mga Senyales ng Panganganak  sa Pagbubuntis sa Ika-37 Linggo

Oras na para maglinis? Maraming mga buntis na nasa kanilang ika-tatlumpu’t pitong linggo ay sinisipag magpunas-punas at magwalis ng sahig. Ang phenomenon na ito ay tinatawag na “nesting.”

Maaring nangyayari ito dahil nararamdaman na ng iyong katawan na paparating na ang iyong anak. Dahil pagkatapos ng lahat, ang Pagbubuntis sa ika-tatlumpu’t pitong Linggo 37 ay itinuturing ng nasa “early term,” nangangahulugang halos handa na ang iyong anak sa kaniyang paglabas. Ang “Nesting” ay paraan din ng iyong utak upang masigurado na ikaw ay handa na.   

Gaano kalaki 37 linggong sanggol?

Pagsapit ng ika-tatlumpu’t pitong linggo, ang iyong anak ay kasinglaki ng ulo ng romaine lettuce. Siya ay may sukat na 19.1 inches at tumitimbang ng 6.3 pounds. Patuloy pa siyang bumibigat ng kalahating ounce kada araw.

Ito ay katumbas ng walong buwan at isang linggo. Tatlong linggo na lamang at darating na ang iyong due date.

Mga Sintomas na mararamdaman ng 37 linggong buntis

Ngayong nasa ika-tatlumpu’t pitong linggo ka ng pagbubuntis, maaring malito ka sa mga sintomas na mararamdaman mo sa mga tunay na senyales ng panganganak. Narito ang mga posible mong maramdaman ngayong Linggo:

  • Heartburn. Patuloy na tumitindi ang bigat na nilalagay ng iyong baby sa iyong digestive system habang papalapit ng papalapit ang araw ng iyong panganganak.
  • Spotting. Ang kaunting spotting ay karaniwan para sa ika-tatlumpu’t pitong linggo ng pagbubuntis dahil tandaan, ang iyong cervix ay mas sensitibo kapag ikaw ay buntis kaya, maaring mairita ito kapag ikaw ay nakipagtalik dahilan upang ito’y magdugo. Ngunit, tawagin agad ang iyong doktor kung labis ang pagdurugong nararamdaman mo. Ang Vaginal bleeding ay maaring sintomas ng problema sa placenta (gaya ng placental abruption) kaya mahalagang makahingi agad ng tulong. Dagdag pa, huwag malito sa spotting at “bloody show.” Ang “bloody show” ay tumutukoy sa discharge na may kasamang kaunting dugo. Wala itong dulot na panganib sapagkat palatandaan lamang ito na naghahanda ang iyong cervix para sa iyong panganganak.
  • Stretch marks. Pasenya na ngunit, mas lalong dadami ang mga stretch marks mo ngayong linggo at sa mga susunod pa. Siguraduhing laging may body oil na dala, at pahiran ang iyong tiyan kung may tyansa. Uminom din ng maraming tubig kahit na palagi kang pumupunta sa palikuran.
  • Abdominal pressure. Kung bumaba na ang iyong anak papuntang balakang bilang paghahanda sa kaniyang paglabas magdudulot ito ng mas pinatinding bigat sa iyong tiyan at ibabang bahagi ng katawan. Makakaramdam ka ng matinding sakit, at mas madalas na pangangailangan umihi.
  • Problema sa pagtulog. Karaniwan para sa mga buntis na nasa mga huling yugto ng pagbubuntis ang magising ng madaling araw. Ang ilang estratehiya upang makatulog ay gaya ng sumusunod: Mag-ehersisyo sa umaga, uminom ng maraming tubig habang malayo pa sa oras ng pagtulog, at bawasan ang pag-inom ng kape.
  • Contractions. Asahan ang pananakit ng iba’t ibang bahagi ng katawan at mga contractions ngayong ika-tatlumpu’t pitong linggo ng pagbubuntis. Dahil matapos ang lahat, ilang linggo na lamang ay lalabas na ang iyong anak. Kung ang contractions na nararamdaman ay nawawala kapag umupo o humiga, ito ay Braxton Hicks at hindi tunay na contractions ng panganganak. Siguraduhing laging hydrated dahil ang dehydration ay maaring maging sanhi ng maagang paglabas ng iyong anak.
  • Pagkaduwal. Ang masakit na tiyan ay tipikal sa anumang bahagi ng pagbubuntis. Ngayon na malapit ka na sa iyong due date, ang pagkaduwal ay maaring senyales na tunay ng malapit ang iyong panganganak. Kung ikaw ay madalas na nahihilo na may kasamang pagsusuka, sabihin ito agad sa iyong OB upang malaman kung ikaw ba ay nakakaranas ng delikadong komplikasyon gaya ng HELLP (hemolysis, elevated liver enzyme levels, and low platelet levels) o preeclampsia.

Tatlumpu’t pitong linggong buntis ng kambal? 57% ng kambal ay isinisilang bago dumating ang linggong ito. Kaya, kapag ang iyong kambal ay hindi pa rin lumalabas, kabilang ka sa mga minorya ng mga nanay ng buntis ng kambal! At bagama’t hindi kumportable ang iyong nararamdaman, isipin mo na lang ang magandang nadudulot nito sa kanilang kalusugan.

Mga Senyales ng Panganganak sa ika-37 Linggo

Ang Pagbubuntis sa Ika-tatlumpu’t pitong Linggo ay magandang panahon upang malaman mo ang mga senyales ng tunay na panganganak., Bawat oras, ang posibilidad na ikaw ay manganak ay tumataas. Sino ba ang may nais na manganak sa sasakyan? Wala. (Hindi namin nais na ikaw ay takutin – mababa ang tyansa na ikaw ay abutan ng panganganak sa sasakyan. Ang nais lamang namin ay ikaw ay maging handa)

Ang iba’t ibang senyales ng panganganak ay mahahati sa dalawang kategorya. Una, mga senyales na nangangahulugang malapit ng lumabas ang iyong anak. Ikalawa, senyales na lalabas na siya sa oras na ito.

Malapit ka ng manganak kapag naranasan mo ang mga sintomas na ito:

(mahirap malaman kung kelan ang eksaktong petsa sapagkat ang bawat pagbubuntis ay iba-iba. Pasensya na!)

Mucus plug at/o bloody show. Maaring makakita ka ng malapot na tila uhog na lalabas sa iyong panloob, maaring malaki o maliit. Ito ay tinatawag na mucus plug, pinoprotektahan nito ang iyong cervix. Kapag biglang lumaki ang iyong cervix, nilalabas nito ang mucus plug upang bigyang daan ang iyong anak. Ang mucus plug ay maaring meron o walang kasamang dugo. Kapag ito ay may kasamang dugo, tinatawag itong “bloody show.”

Pagkaduwal. May ilang buntis na nagsisimulang sumakit ang tiyan bago sila manganak. Ngayong nasa ika-tatlumpu’t pitong linggo ka ng pagbubuntis, ang madalas na pagkaduwal ay maaring palatandaan na malapit ng lumabas ang iyong anak.

Diarrhea. Kapag ikaw ay nasa ika-tatlumpu’t pitong linggo ng pagbubuntis, ang diarrhea ay maaring simpleng diarrhea lamang o kaya’y senyales ng papalapit na panganganak. Ito ay dahil tumataas ang level ng iyong mga hormones bilang paghahanda sa panganganak na maaring maging sanhi ng pagdudumi.

Ang mga sumusunod ay senyales na ito na ang oras ng iyong panganganak – nangangahulugan ito na tawagin na agad ang iyong OB:

 

Pagputok ng Palatubigan. Kapag napansin mo na may tila tubig na lumalabas (pakonti-konti o buhos), maaring ito ay amniotic fluid. Karamihan sa mga buntis ay nanganganak sa loob ng 12 oras pagkatapos pumutok ang kanilang palatubigan.

Madalas na contractions. Palagi bang humihigpit ang iyong tiyan? Kapag ang contractions na ito ay paulit-ulit at mas lalo pang dumadalas – manganganak ka na! Ang iyong uterus ay hihigpit samantalang bubuka naman ang iyong cervix upang makadaan ang iyong anak. Kung ito ang unang beses ng iyong panganganak, maaring makaramdam ka na regular na contractions sa loob ng ilang oras bago ka pumasok sa yugto ng “active labor” – ito ang panahon kung kelan nagiging masyadong masakit na contractions at nangangailangan na talaga ng atensiyon. (at dapat ay nasa ospital ka na pagsapit nito!)

Masakit na likod. Ah, ang nakakapagod na “back labor!” Minsan ang iyong anak ay naka-posisyon sa paraang nagbibigay siya ng dagdag na bigat sa iyong spinal cord. Kung madalas sumasakit ang iyong likod na mas matindi kumpara sa mga naranasan mo noon o di kaya’y kapag ang sakit ay nagsisimula sa iyong tiyan papunta likod (o baliktad), maaring nangangahulugan itong manganganak ka na.

Sasabihan ka ng iyong doktor kung sa anong punto ng Pagbubuntis sa Ika-tatlumpu’t pitong Linggo ka dapat isugod sa ospital. Kapag pumutok ang iyong patubigan, papayuhan ka ng iyong doktor na isugod agad sa ospital dahil kailangan kang obserbahan para maiwasan ang impeksiyon.

Kung ikaw ay nakakaramdam ng contractions, dapat ito ay tuloy-tuloy na may pagitan ng limang munuto o mas mababa para tanggapin ka ng maraming ospital. Kung malayo ang iyong tahanan sa ospital, mas agahan na ang pagpunta sa ospital upang hindi abutan sa sasakyan.

Marami sa mga buntis ng ika-tatlumpu’t pitong linggo ay nais malaman kung paano mapapaaga ang panganganak. Ngunit, huwag pilitin ito! Ang tatlumpu’t pitong linggong taong gulang na fetus ay itinuturing pa na nasa “early term.” Nangangahulugang ito na hindi inirerekomenda ng doktor ang maagang panganganak at c-section. Ito’y dahil ang iyong anak ay nangangailangan pa ng ilang linggo para maging kumpleto ang kaniyang development. Kung totoong ito na talaga ang linggo ng iyong panganganak, ayos lang iyon.

Ngunit kung hindi pa ay huwag pilitin ito. Kapag umabot ka na sa ika-tatlumpu’t siyam na linggo ng pagbubuntis, ito na ang yugto kung saan itinuturing itong “full term,” maari ka ng maglakad-lakad, makipagtalik, o kaya ay magpa-acupuncture para lumabas na ang iyong anak.

Ang mga gawain na ito ay ligtas at maaring gumana (ngunit hindi pa rin lubos na napapatunayan). Pero seryoso, kapit lang sa mga susunod na linggo. Malaki ang magagawa ng paghihintay sa tamang petsa ng panganganak sa magiging kalusugan ng iyong anak. Isipin mo na ang lahat ng mga bagay na isinasaalang-alang mo ay para sa kaniyang ikabubuti.  

Pregnancy checklist para sa ika-37 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo

  • I-schedule ang iyong ika-tatlumpu’t walong linggong prenatal visit
  • Alamin ang mga senyales ng postpartum depression
  • Mag-aral tungkol sa basics ng baby grooming
Pagbubuntis sa Ika-37 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO