Pagbubuntis sa Ika-42 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Ano Ang Dapat Mong Malaman sa Pagbubuntis sa Ika-42 Linggo

Maligayang pagdating sa yugto ng “post-term” pregnancy. Kung binabasa mo ito ngayon, kabilang ka sa minorya ng mga buntis na umaabot sa ika-apatnapu’t dalawang linggo. Huwag mong pakinggan ang mga pang-aasar na sinasabi ng iba kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang iyong anak. Iba-iba ang bawat buntis at ang kanilang anak.

Tandaan rin na ang due date ay pagtatantiya lamang at walang kasiguraduhan – malay mo ay nagkamali lang pala sa ibinigay na araw ng iyong panganganak. Isa pa, alam mo ba na 98 porsyento ng mga sanggol ay lumalabas pagsapit ng Pagbubuntis sa ika-apatnapu’t dalawang Linggo? Kaya, huwag ka ng mag-alala dahil siguradong malapit na malapit mo ng makita ang iyong anak . Pangako!

Gaano kalaki ang ika-42 linggong sanggol?

Pagsapit ng pagbubuntis sa ika-apatnapu’t dalawang linggo, ang sanggol ay kasinglaki na ng isang pakwan. Siya ay tumitimbang ng 8.1 pounds at may laking 20.3 na pulgada. Patuloy paring lumalaki ang iyong anak kaya malabong mailabas pa siya vaginally.

42 linggo na akong buntis, ilang buwan na ito? Ito ay katumbas ng siyam na buwan at dalawang linggong pagbubuntis. Oo, nangyayari ito!

Mga Sintomas ng Pagbubuntis sa ika-42 linggo

Ang mga sintomas na mararamdaman mo sa ika-apatnapu’t dalawang linggo ay katulad na rin ng mga sintomas na nararamdaman mo sa mga nakaraang linggo – pamumulikat, nahihirapang matulog, madalas na pag-ihi, masakit na likod at balakang, almoranas,  at mas matinding contractions.

Maaring nahihirapan ka na ngayong linggo sa sobrang tagal ng paglabas ng iyong anak ngunit, pilitin mo pa ring maging  kalmado at mapagpasensya.

Mahalagang malaman mo na ang Pagbubuntis sa ika-apanapu’t dalawang linggo ay may mataas na posibilidad na magkaroon ng komplikasyon gaya ng problema sa placenta, mababang amniotic fluid, at pulupot na pusod. Mataas ang posibilida na ilagay ang iyong anak sa NICU(neonatal intensive care unit). Ipagpatuloy mo lang ang pagbibilang sa kaniyang mga sipa at kapag may napansing kakaiba rito ay agad ipagalam sa iyong OB. Dagdag pa, sabihin din sa iyong doktor kung nakakaranas ka ng mga komplikasyon gaya ng pagdurugo, kakaibang vaginal discharge, at matinding pananakit ng tiyan.

Ano-ano ang mga palatandaan na manganganak ka na sa ika-42 linggo?

Ngayong lampas ka na sa due date mo, ito ang mga senyales ng panganganak na siguradong inaabangan mo.

Mucus plug at/o bloody show. Ito ang malapot na tila uhog na maaring may kasamang kaunting dugo na inilalabas ng iyong cervix. Palatandaan itong naghahanda na ang iyong katawan sa paglabas ng iyong anak. Siguradong malapit ka ng manganak ngunit, sadyang hindi pa alam ang tiyak na petsa nito.

Pagputok ng Palatubigan. Maaring pumutok ang amniotic sac ng dahan-dahan o ng isang malaking buhos. Kapag nangyari ito, tawagan agad ang iyong doktor dahil ilang oras na lamang ay manganganak ka na.

Regular na contractions. Sa wakas! Ito na ang palatandaang pinakahihintay mo. Ang totoong contractions ay masakit, tuloy-tuloy, at nangyayari sa magkakatulad na pagitan hanggang sa lumabas ang sanggol. Magkaiba ang sakit nito kumpara sa Braxton Hicks Contractions na naranasan mo noon.

Nais mo bang malaman kung paano natural na mapapalabas ang iyong anak?

Maari mong subukang maglakad-lakad, makipagtalik, o di kaya’y magpa-acupuncture. Ngunit, huwag na huwag mong susubukang uminom ng castor oil at herbal supplements dahil maaring malagay ka at ang iyong anak sa panganib. Huwag din subukan ang pag-stimulate ng iyong suso dahil ang contractions na dulot nito ay masyadong malakas at delikado para sa iyong anak.

Dahil tumataas ang posibilidad ng komplikasyon pagsapit ng ika-apatnapu’t dalawang lingo, maaring irekomenda na ng iyong doctor ang medical induction kapag nalaman sa mga pagsusulit na hindi na ligtas pang manatili ang sanggol sa iyong sinapupunan. Ang ilan sa paraan ng medical induction ay:

  • Stripping the membranes. Sa paraang ito, ipapasok ng doctor ang ilan sa kaniyang mga daliri sa bibig ng iyong bahay-bata upang maglabas ng hormones ang iyong katawan. Madalas, sa loob lamang ng 48 oras ay magsisimula ng mag-contract ang iyong bahay-bata.
  • Pagputok ng Palatubigan. Gamit ang isang instrument na kamukha ng isang plastic na kawit, papaputukin ng iyong doctor ang iyong amniotic sac. Ilang oras lamang ang aabutin at magsisimula ng mag-contract ang iyong bahay-bata.
  • Ripening of cervix. Ang gamot na tinatawag na “prostaglandin” ay ipapasok sa iyong vagina sa loob ng isang buong gabi upang bumuka ang iyong cervix.
  • Stimulating contractions. Ikaw ay tuturukan ng IV fluid na may kasamang synthetic na bersiyon ng hormone na Oxytocin. Ang gamot na ito ay may kakayahang simulan ang contractions ng iyong bahay-bata.

Pregnancy checklist para sa ika-42 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • Mas habaan ang paglalakad-lakad
  • Kausapin ang iyong OB tungkol sa mga komplikasyon ng pagbubuntis sa ika-apatnapu’t dalawang lingo
  • Makipagtalik (kung kaya mo!)
  • Subukang magpahinga at kumalma
Pagbubuntis sa Ika-42 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO