Pagbubuntis sa Ika-5 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Dapat Asahan Sa Pagbubuntis sa Ika-5 Linggo

Ang artikulong ito ay magtuturo saiyo ng mga mahahalagang impormasyon tungkol sa pagbubuntis sa ikalimang linggo ng isang ina. Isa ka bang buntis na hindi sapat ang kaalaman sa pagdadalang tao? Nakasulat dito lahat na sagot sa mga katanungan mo.

Bibigyan ka ng artikulong ito ng dagdag excitement habang naghihintay ka sa paglabas ng future baby mo, kasama ang partner mo. Excited ka na ba? Ipagpatuloy lang ang pagbabasa!

 

Pagbubuntis sa ika-5 linggo: Kumusta na ang paglaki ni baby?

Katulad ng sa ikaapat na linggo ng pagbubuntis, ang ikalimang linggo ay isang komon na oras rin para ma kompirma na talagang buntis ka. Pagkatapos nito, siguradong nakatoon na ang atensyon mo sa magiging anak ninyo ng partner mo.

Mayroon ka bang ideya kung ano ang kalagayan ng bata sa ikalimang linggo ng pagbubuntis mo?

Ayon sa mga eksperto, ang namumuong baby sa tiyan mo ay may haba ng 0.05in. at timbang na 0.04oz. ang bilog na binubuo ng maraming cells ay kasinglaki na ngayon ng peppercorn o ng buto ng mansanas.

Pagkatapos nito, susunod na ang creation ng brain, spinal cord, heart, at blood vessels. Sa ikalimang linggo rin magsisimula ang pagtibok ng puso ng baby, ngunit ang pagkakataong marinig ito ay mahirap ayon sa mga doktor. Maaari itong maobserbahan sa pamamagitan ng ultrasound.

Ang embryo ngayon ay nahahati na sa tatlong distinct layers. Ang outer ectoderm na siyang magbibigay ng porma sa nervous system, tainga, at ang iba pang connective tissues ng bata. Ang endoderm naman ang responsable sa pagbuo ng mga internal organs, katulad ng lungs, intestines, at bladder. At ang nasa gitna ay ang mesoderm na siyang magbibigay daan sa puso at circulatory system ng katawan ng baby. Pagkatapos nito, isusunod naman ng mesoderm ang bones, muscles, kidneys, at reproductive organs.

 

Alamin ang mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-5 linggo!

Katulad ng mga naunang artikulo patungkol sa mga unang linggo ng pagbubuntis, muli nating tatalakayin ang mga sintomas ng pagbubuntis sa ikalimang linggo nito. Mayroon bang mga nadagdag na sintomas? Ano-ano pa ba ang mga sintomas na ito? Ipagpatuloy lang ang pagbabasa mo!

  • Madalas na pagihi – Sa ikalimang linggo ng pagbubuntis, mapapansin mo na mas napapadalas ang pagihi mo. Dahil ito sa  pag expand ng kidney na karaniwang nagaganap sa ikalimang linggo ng pagdadalang tao.
  • Pahakahapo – Sa ikalimang linggo, normal lamang sa buntis ang madalas at madaling pagkapagod. Dahil ito sa pagkapagod ng buntis na katawan sanhi ng matinding pagtrabaho nito dahil sa baby.
  • Masamang pakiramdam tuwing umaga – Isa pang sintomas ng pagbubuntis sa ikalimang linggo. Karaniwan itong dinaranas ng mga mommy na maselan ang pagbubuntis. Isa ka ba sa kanila? Normal lamang ito ayon sa mga eksperto. Kabilang sa mga sintomas nito ay ang pagkahilo, pagsusuka, headache o pananakit ng ulo. Ang magandang balita ay hindi rin ito tumatagal at nawawala rin kaaagad
  • Pagiging antukin – Dahil nga pagod ang buntis na katawan, normal lamang na makaramdam ito ng pagka antok. Importante rin ang wastong tulog sa buntis para na rin sa kalusugan ng baby.

Ang mga sumusnod  ay ilan pa sa mga sintomas ng pagbubuntis sa ikalimang linggo:

  • Spotting o bahagyang pagdurugo
  • Pamamaga ng mga suso
  • Paghilab ng sikmura
  • Pananakit ng puson
  • Madalas na pagkakaroon ng kabag
  • Pananakit ng likod

Ang mga nabanggit na sintomas na nabanggit ay ayon sa mga karanasan at syempre sa pagaaral ng mga eksperto. Tandaan lamang na hindi pare-pareho ang sintomas na pwedeng mangyari sa mga buntis. Ngayong alam mo na ang mga ito, alamin naman natin ang mga dapat iwasan sa pagbubuntis.

 

Mga Dapat iwasan sa pagbubuntis sa ika-5 linggo

Dahil nga ang ikalimang linggo ng pagbubuntis ay nasa critical stage ng pagdadalang tao, kinakailangan ang matinding pagiingat dito. Kailangan rin ang matinding pag-aalaga. Upang makatulong sa katulad mong buntis, take note ang mga sumusunod na dapat mong iwasan:

  • Paggamit ng ipinagbabawal na droga
  • Paninigarilyo
  • Pagiinom ng alak
  • Pagkain ng maruming pagkain
  • Paginom ng maruming tubig
  • Maternal trauma sanhi ng aksidente
  • Pagbuhat ng mabigat
  • Impeksyon katulad ng lyme disease o fifth disease etc.

Tandaan na ang mga nabanggit sa itaas ay maaaring makasama sa baby mo. Iwasan itong mangyari saiyo upang maiwasan ang mga posibleng komplikasyon na maidudulot nito. Mag ehersisyo, kumain ng masustansyang pagkain katulad ng gulay at prutas. Laging isipin na ang kalusugan ng baby mo ay nakasalalay saiyo.

Checklist para sa ika-5 linggo ng pagbubuntis

Kailangan mong gawin ang sumusunod na payo para sa ika-limang linggo ng iyong pagbubuntis para maging malusog at masigla hindi lang ikaw kundi pati na rin si baby.

  • Kailangan mong sanayin ang sarili sa pagkain ng malulusog na pagkain
  • Simulan ang pagsusulat ng iyong journal para sa pagbubuntis
  • Magplano nang maayos sa pag-iipon para sa mga gastusin sa panganganak
Pagbubuntis sa Ika-5 Linggo
4 (80%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO