Pagbubuntis sa Ika-25 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Sintomas ng Pagbubuntis sa Ika-25 Linggo

Ikaw ay nasa ika-dalawampu’t limang linggo ng pagbubuntis, at maaring unti-unti mo ng napagtanto na ilang linggo na lamang ay kailangan mo ng ilabas si baby. Maaring makaramdam ka ng kaunting takot ngunit, kasabay rin nito ang matinding pagkasabik at kasiyahan.

Ang magandang balita, maraming mga ospital ang pumapayag magpa-early register ng delivery. Sa ganitong paraan, hindi mo na kakailanganin pa magfill-out ng maraming forms kapag oras mo na talagang manganak.

Gaano na kalaki si Baby ng 25 linggo?

Ang iyong anak sa kaniyang ika-dalawampu’t limang linggo ay kasinglaki ng ulo ng isang repolyo. Siya ay may haba na 13.6 pulgada, at may bigat na humigit kumulang 1.5 libra/pounds.

Pagsapit ng 25 linggo, dapat 15 hanggang 18 pounds ang dinagdag ng iyong timbang. Ikaw ba ay buntis ng kambal? Kung oo, dapat 25 – 40 pounds na ang iyong binigat.

Ngayon na ikaw ay dalawampu’t limang linggong buntis, ang pagtaas ng iyong timbang ay maaring maging sanhi ng pagkabalisa. Ngunit, alalahanin mo na mahalaga lalo na ngayong panahon ng second trimester ang pagdaragdag ng timbang. Karaniwan lamang ang pagtaas ng timbang at ang tanging gusto lamang ng iyong doktor ay ikaw at ang iyong anak ay maging malusog at malakas.

Patuloy na magkaroon ng malusog na kaugalian sa pagkain, at laging mag-ehersisyo. Kung may tunay na problema sa iyong timbang, huwag mag-alala dahil sasabihin ito sa iyo ng doktor. Kaya imbes na mastress sa iyong timbang, mag-focus sa kamangha-manghang nangyayari sa loob ng iyong bahay bata.

Ang paggalaw ng iyong baby sa ika-25 linggo ay mas ramdam, at tila makakapansin ka rin ng iba’t ibang pattern. Kung ikaw ay nakakaramdam ng maraming pagsipa, palatandaan iyon na gising si baby. Kung hindi naman, ay maaring siya ay natutulog. Ang madalas na fetal movement ay tanda ng healthy at active na baby. Kung napapansin mo na bawas ang paggalaw ni baby at gusto mong masigurado na siya’y nasa mabuting kalagayan, uminom ka ng malamig na tubig, magpatugtog ng music, at dahan-dahang masahiin ang iyong tiyan. Sa ganitong paraan, maaring magising ang iyong little one at bigyan ka ng maliliit na sipa

Ang Pagbubuntis sa ika-dalawampu’t limang linggo ay katumbas ng limang buwan at dalawang linggo.

Ano-ano ang mga sintomas ng mga dalawampu’t limang linggong buntis?

Maaring hanggang ngayon ay masigla pa rin ang iyong pakiramdam ngunit, asahan na ang madaling pagkapagod sa mga susunod na linggo dahil patuloy pa na bibigat at lalaki ang iyong baby. Ang mga sintomas ng Pagbubuntis sa ika-dalawampu’t limang linggo ay ang mga sumusnod:

  • Problema sa pagtulog. Maaring hindi ka makatulog dahil masyado mong iniisip ang araw ng iyong delivery, o kaya’y dahil sa pabago-bagong level ng hormones sa iyong katawan – o maaring sadyang mahirap at hindi kumportableng matulog na may malaking tiyan na dinadala. Subukan mo ang iba’t ibang diskarte para madali kang makatulog. Isa sa magandang ideya ay ang pag-inom ng maraming tubig habang maaga pa, at unti-unti itong bawasan habang sumasapit ang gabi. Sa ganitong paraan, mababawasan ang pangangailangan mo na pumunta sa palikuran.
  • Madalas na pag-ihi. Ngayon na ang iyong baby ay umabot na rin sa bahagi ng iyong bladder, mas mapapadalas lalo ang iyong pag-ihi.
  • Constipation/kahirapan sa pagdumi. Ang page-ehersisyo tulad ng paglalakad-lakad, pag-inom ng maraming tubig, at pagkain ng mayaman sa fiber ay makakatulong upang hindi ka mahirapan magbawas.
  • Hemorrhoids o Almoranas. Mahirap at masakit magkaroon ng namamagang anal veins. Ang pagkakaroon ng almoranas ay karaniwan para sa mga buntis na nasa second half ng pregnancy. Ito ay dahil nagbibigay ng matinding pressure ang iyong baby sa iyong digestive tract. Lalong dagdag na sanhi ng almoranas ang constipation kaya kapag naramdaman mo na ang pangangailangan na magbawas ay agad ng pumunta sa palikuran upang maiwasan na mamaga.
  • Madalas na pag-utot. Pinapabagal ng mga hormones ang pag-digest ng iyong mga kinakain, sanhi upang magkaroon ng labis na hangin sa iyong tiyan.
  • Heartburn/pagiging acidic. Habang tuloy-tuloy na lumalaki ang iyong baby, umaabot na siya sa bahagi ng iyong digestive tract. Ito ay nagdudulot upang ang stomach acid ay umakyat sa iyong esophagus at maging sanhi ng Heartburn. Karamihan sa mga antacids ay ligtas para sa mga buntis ngunit, palagi pa rin tanungin ito sa iyong doktor bago uminom ng alinmang gamot. Uminom ng dagdag na Calcium at iwasan din ang mga sobrang anghang na pagkain lalo na bago matulog dahil maaring nitong mapalala ang Heartburn.
  • Braxton Hicks contractions. Madalas itong mga “practice contractions” ay nagpapakita pagsapit ng 28 weeks ngunit, maraming moms-to-be ang maaga pa lamang ay nakaramdam na nito. Kung magkakaroon ka ng Braxton Hicks contractions, mapapansin mo na ang iyong uterus ay biglang titigas at hihigpit, at pagkatapos ay babalik din sa normal.

Hindi ito regular na nangyayari at mabilis na nawawala kapag ikaw ay gumalaw at nagpalit ng posisyon. Ang real contractions sa kabilang banda ay mas matindi at madalas. Kung napapansin mo na real contractions ang iyong nararamdaman, sabihin ito agad sa iyong doktor dahil maaring mapaaga bigla ang iyong labor.

Mahalagang mabigyang lunas ito agad dahil ang preterm labor ay maaring maiwasan kapag binigyang pansin agad ang mga senyales nito.  

Checklist para sa ika-25 linggong buntis

Mga Paalala para sa linggo:

  • Bumili/Humiram ng nauusong mga damit pangbuntis
  • Planuhin ang iyong mga byahe
  • Tulungan ang host ng iyong baby shower
Pagbubuntis sa Ika-25 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO