Pagbubuntis sa Ika-24 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Ano Ang Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Pagbubuntis sa Ika-24 na Linggo?

Ituring mo ang Pagbubuntis sa ika-dalawampu’t apat na Linggo bilang preview ng iyong pagiging nanay: Ang iyong baby ay masigla at malusog – samantalang ikaw ay hirap na hirap at mukhang pagod.

Ang iyong baby sa ika-24 na linggo ay naghahanda na upang mag-survive sa mundo. Samantalang ikaw ay nakakaramdam ng late-pregnancy discomfort tulad ng pulikat, pananakit ng likod, at namamagang paa. Kapit lang future nanay! Kaya mo yan!

Gaano na kalaki si baby pagsapit ng 24 linggo?

Ngayong 24 linggo na ang iyong baby, siya ay kasinglaki na ng isang melon. Siya ay may sukat na 11.8 pulgada at may bigat na 1.3 libra/pounds.

Ngayong ikaw ay 24 linggo ng pagbubuntis, mas nararamdaman mo na ang pagsipa ng iyong baby, at mas lalakas pa ito paglipas ng mga susunod na linggo. Sa katunayan, maaring maging ang iyong ka-partner o iba pa ay maramdaman din ang pagsipa ni baby kapag nilagay nila ang kanilang palad sa iyong tiyan.

Ang tamang bigat ng katawan para sa mga buntis na nasa ika-dalawampu’t apat na linggo ay 14 hanggang 16 pounds. Kung ikaw ay tumimbang ng mas mabigat ng kaunti kumpara sa recommended weight gain, huwag mag-alala dahil normal lamang iyon. Ang nakakabahala ay yung biglaang at mabilis na pagbigat ng timbang. Upang masigurado na maging healthy ang iyong panganganak, mahalaga na bantayan ang iyong timbang.

Alam mo ba na ang 24 ay magic number para sa mga nanay na may kambal? Inirerekomenda na ang mga buntis na may dinadalang kambal sa kanilang sinapupunan ay dapat bumigat din ng 24 pounds pagsapit nila ng 24 weeks. Ang pagsunod sa tamang weight gain ay mahalaga dahil nakakatulong ito upang mabawasan ang risk ng preterm labor.

Ilang buwan ang katumbas ng Pagbubuntis sa ika-24 linggo?

Ito ay katumbas ng limang buwan, at isang linggo. (Kung gagawin mo ang simple multiplication, maaring akalain mo na ang 24 weeks ay katumbas ng anim na buwan ngunit, alalahanin mo na may ilang buwan liban sa Pebrero na mas mahaba sa apat na linggo.)

Ano ang mga sintomas na posibleng maramdaman ng 24 linggo ng pabubuntis?

Ang mga nakakairitang sintomas ng ika-dalawampu’t apat na linggong pagbubuntis ay ang mga sumusunod:

  • Pamamaga ng bukong-bukong at paa. Kung namamaga ang iyong paa at mga binti, ipatong ito sa lamesa kapag ikaw ay nakaupo. Ang paglalakad-lakad ay makakatulong din. Ang pamamaga ay pangkaraniwan lamang ngunit, kung biglang magkaroon ng pamamaga sa ibang bahagi ng iyong katawan gaya ng sa mukha, kamay, o di kaya’y hindi pantay na pamamaga (mas maga ang kabilang binti kaysa sa isa), sabihin ito agad sa iyong OB dahil maaring senyales ito ng preeclampsia – isang delikadong komplikasyon sa mga buntis.
  • Pulikat sa paa. Ang masakit na binti ay maaring tanda ng dehydration. Kaya siguraduhin na umiinom ng maraming tubig. Palagian din na mag-stretch ng binti, at maglakad-lakad. Kung ikaw ay nakakaramdam ng leg cramps, ipaalam ito sa iyong doktor. Maaring hindi naman ito malaking problema ngunit, ang madalas na cramps ay maaring sintomas ng ibang problema gaya ng nutrional deficiency, kaya mahalagang mabantayan ito.
  • Pananakit ng likod. Oo, patuloy ka pa rin makakaranas ng pananakit ng likod at mas titindi pa ang sakit nito. Ito’y dahil ang iyong baby, at maging ang iyong uterus ay patuloy na lumalaki. Habang lumalaki ang iyong uterus, umaabot ito hanggang sa iyong spine na nagiging sanhi upang mabaluktot ito. Dagdag pa, mas matindi rin ang bigat na dinadala ng iyong back muscles kaya asahan na ang madalas na pagsakit ng iyong likod. Kung makakaramdam ng matinding pananakit, sabihin ito agad sa iyong doktor dahil maaring senyales ito ng sciatica.
  • Linea nigra. Ito ay tumutukoy sa maitim na linya na dumadaan sa gitna ng iyong tiyan. Ito ay dulot ng pregnancy hormones. Karaniwan lamang para sa mga buntis ang magkaroon ng linea nigra, at unti-unti rin itong mawawala paglipas ng ilang linggo o buwan pagkatapos manganak.
  • Stretch marks. Ito’y tinatawag din na “tiger stripes.” Ang stretch marks ay patuloy pa na dadami at lalabas habang tuloy-tuloy na nai-istretch ang iyong balat. Kung ikaw ay dalawampu’t apat na linggong buntis ng kambal, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ka nito.

Pregnancy checklist para sa ika-24 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • Magpakuha ng blood sugar test
  • Ipa-schedule ang iyong ika-28-linggong prenatal checkup
  • Paghandaan ang mga regalo sa Baby Shower
  • Ihanda na ang iyong tahanan sa pagdating ni Baby
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO