Pagbubuntis sa Ika-23 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 4 minuto

Ano Ang Mga Dapat Ihanda sa Pagbubuntis sa Ika-23 Linggo

Ang iyong baby ay naghahanda na sa kaniyang malaking debut sa pamamagitan ng pakikinig sa mga bagay na nangyayari sa mundo.

At oo, alam namin na ikaw ay naghahanda na rin. Maaring nagpipintura ka na ng kaniyang magiging kuwarto o hindi kaya ay nagi-ipon na ng diapers. Bagama’t ang dalawang ito ay parehong mahalaga, isaalang-alang din ang isang bagay na mas mahalaga: pera.

Ang Pagbubuntis sa ika-dalawampu’t tatlong linggo ay magandang oras upang kausapin ang iyong health insurance company upang malaman kung ano ang covered sa iyong insurance premium, at kung may mga policies ba na kailangan baguhin dahil magkakaroon ng dagdag na miyembro ang iyong pamilya.

Siguraduhing nahulugan din ang iyong PhilHealth kung meron kayo nito.

Gaano kalaki ang baby pagsapit ng ika-23 linggo?

Ngayong dalawampu’t tatlong linggo ka ng buntis, ang iyong baby ay kasinglaki na ng isang orange!

Ang katamtamang 23-linggo na fetus ay may sukat na 11.4 pulgada mula ulo hanggang paa, at may timbang na 1.1 pounds. Oo, ang iyong baby ay malapit ng umabot ng isang talampakan, at maari na siyang sukatin gamit ang pounds! Ang iyong baby ay hindi lamang palaki ng palaki, mas nagiging cute din siya at mas nagiging ganap ng mukhang baby.

Ang tipikal na sukat ng tiyan ng 23 weeks na buntis ay mula 21 hanggang 25 centimeters mula sa pubic bone hanggang sa tuktok ng uterus. (Tinatawag itong “fundal height”.)

Dahil ikaw ay nasa ika-dalawampu’t tatlong linggo na, dapat 12 hanggang 15 pounds na ang nadagdag sa iyong timbang. Kung ikaw naman ay buntis ng kambal, dapat humigit kumulang 23 pounds na ang itinaas ng iyong timbang.  

Sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang timbang, mababawasan nito ang posibilidad ng preterm labor.

Ang mga hakbang ni baby ay damang-dama ng mga nanay na nasa kanilang ika-dalawampu’t tatlong linggong pagbubuntis.

Sobrang sarap sa pakiramdam ng mga nanay na nararamdaman nila na may baby sa kanilang tiyan na gumagalaw-galaw. Kung susubaybayan mo ang mga galaw ni baby, mararamdaman mo kung ano ang ginagawa niya sa loob ng iyong tiyan. Kung siya ay hindi masyadong gumagalaw, siya ay natutulog.

Tila isa naman siyang Kung Fu Master kapag siya ay gising. Ayon sa ilang mga nanay, may ilang mga baby na patuloy pa rin itong ginagawa kahit sila ay nasa labas na. Kaya, kung ang iyong baby ay madalas sumisipa kapag gabi, ibilang mo itong babala na maaring maging makukulit ang iyong anak.

Ang dalawampu’t tatlong linggong buntis ay katumbas ng limang buwan. Ang bilis lumipas ng panahon! Akalain mo, ikaw at ang iyong baby ay malapit na magsimula sa kanilang ika-anim na buwan?!

Mga Sintomas ng Pagbubuntis sa ika-23 linggo

Bagama’t patapos ka na sa nakakapagod na mga sintomas na dulot ng first trimester, may mga bagong sintomas ka na mararamdaman pagpasok mo sa ika-dalawampu’t tatlong linggo. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Nagmamanas na bukong-bukong at paa. Ang pagmamanas ay normal kapag ikaw ay buntis. Makakatulong ang pagtataas ng paa, paglalakad-lakad, at pag-inom ng maraming tubig para mabawasan ito. Tumawag sa iyong doktor kapag nakaranas ng matindi o biglaang pagmamamanas dahil maaring sintomas ito ng delikadong kondisyon na tinatawag na preeclampsia.
  • Braxton Hicks contraction. Kakaiba sa pakiramdam ang maramdaman mo na biglang sumisikip ang iyong bahay-bata. Ito ay dulot ng kibot ng iyong muscles upang unti-unting maghanda sa papalapit na araw ng iyong panganganak. Normal lang na maituturing ito hangga’t nawawala agad. Uminom ng maraming tubig at madalas na magpalit ng posisyon para maging komportable.
  • Masakit na likod. Sorry, pero asahan na ang madalas na backaches o pagsakit ng likod. Habang lalong lumalaki ang iyong baby, nabe-bend nito ang iyong spine na nagdudulot ng stress sa iyong back muscles. Ang masakit na likod ay normal lamang lalo na sa mga babaeng buntis ng kambal. Kung masyadong matindi ang sakit, sabihin ito agad sa iyong OB upang mabigyan ng kaukulang gamot.
  • Nagdurugo at/o namamagang gilagid. Maaring hindi mo inaasahan na ang pagbubuntis ay may epekto pala sa iyong bibig! Ang pregnancy hormones ay nagpapataas ng blood flow, sanhi upang mamaga at magdugo ang iyong mga galagid. Kung ang iyong bibig ay mas naging sensitibo, lumipat sa toothbrush na may soft bristle, at magdahan-dahan sa pagsisipilyo. Ipagpatuloy pa rin ang iyong dental exam routine kada anim na buwan at kung maari ay mas maging madalas pa ito. Ang iyong dentist ay magsasagawa ng dagdag na dental checks lalo’t ikaw ay buntis ngunit, iiwasan nito ang paggamit ng X-rays dahil hindi maganda ang epekto ng radiation sa buntis.

Ang iyong tiyan pagsapit ng ika-23 linggo

Ang tipikal na sukat ng tiyan ng 23 weeks na buntis ay mula 21 hanggang 25 centimeters mula sa pubic bone hanggang sa tuktok ng uterus. (Tinatawag itong “fundal height”.)

Dahil ikaw ay nasa ika-dalawampu’t tatlong linggo na, dapat 12 hanggang 15 pounds na ang nadagdag sa iyong timbang. Kung ikaw naman ay buntis ng kambal, dapat humigit kumulang 23 pounds na ang itinaas ng iyong timbang.  

Sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang timbang, mababawasan nito ang posibilidad ng preterm labor.

Ang mga hakbang ni baby ay damang-dama ng mga nanay na nasa kanilang ika-dalawampu’t tatlong linggong pagbubuntis.

Sobrang sarap sa pakiramdam ng mga nanay na nararamdaman nila na may baby sa kanilang tiyan na gumagalaw-galaw. Kung susubaybayan mo ang mga galaw ni baby, mararamdaman mo kung ano ang ginagawa niya sa loob ng iyong tiyan. Kung siya ay hindi masyadong gumagalaw, siya ay natutulog.

Tila isa naman siyang Kung Fu Master kapag siya ay gising. Ayon sa ilang mga nanay, may ilang mga baby na patuloy pa rin itong ginagawa kahit sila ay nasa labas na. Kaya, kung ang iyong baby ay madalas sumisipa kapag gabi, ibilang mo itong babala na maaring maging makukulit ang iyong anak.

Checklist para sa ika-23 linggong pagbubuntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • Naayos mo na ba ang iyong life insurance?
  • Nahuhulugan ba ang PhilHealth mo?
  • Oras na para ihanda ang baby nursery
  • Isulat o I-update ang iyong will and testament

Pagbubuntis sa Ika-23 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO