Pagbubuntis sa Ika-15 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Dapat Mong Gawin At Tandaan sa Iyong Pagbubuntis sa Ika-15 Linggo

Ano ang mga dapat mong asahan sa ika-15 linggo ng iyong pagbubuntis? Ang paglaki ni baby, ang mga sintomas ng pagbubuntis at kung ano ang mga dapat mong tandaan sa iyong pagbubuntis sa ika-15 linggo. Lahat ng iyan sa artikulong ito!

Pagbubuntis sa ika-15 linggo: Kumusta na si baby?

Gusto mo bang malaman ang hitsura ng sanggol sa tiyan mo ngunit kulang ang perang pampa-ultrasound? Huwag kang mag-alala, ang artikulong ito ang sagot sa problema mo.

Kung hindi masyadong pansin, nasa ikatlong buwan at dalawang linggo kana ng pagbubuntis mo. Alam mo bang kasing laki na ng mansanas ang baby mo?

Nakakagalaw na rin siya dahil nabuo na ang kanyang utak na siya namang naguutos sa kanyang katawan para gumalaw ito. Sa ika 15 linggo ng pagbubuntis mo, magsisimula na rin magkaroon ng reaksyon ng mukha ang baby. Tinatawag itong facial expressions sa ingles. Napakagandang balita nito! Nagpapahiwatig lamang ito ng malusog na paglaki ng baby, dahil rin ito syempre sa maingat na pagalaga mo.

Hindi ba’t napakasarap isipin na sa bawat linggong lumilipas ay may magandang development na nangyayari? Ngayong may ideya ka na tungkol sa kalagayan ng baby, muli tayong dumako sa mga dapat mong gawin sa linggong ito. Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa mo!

Mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-15 linggo

Sa pagpasok ng ika 15 linggo ng pagbubuntis mo, napakaliit na lang ng chance ng miscarriage o pagkalaglag ng bata ang pwedeng mangyari. Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay nakaligtas ka na sa mga sintomas ng pagdadalang tao.

Totoo, katulad ng mga nakaraang linggo, may mga sintomas ng pagbubuntis ang tuluyan ng namaalam. Ibig sabihin, hindi na ito muling babalik pa. Pero alam mo bang may panibagong sintomas naman sa pagbubuntis sa ika 15 linggo? Ano-ano ba ito?

  • Pagdurugo ng ilong – Nose bleeding sa pagbubuntis? Ano ba ang sanhi nito? Ayon sa mga eksperto, nangyayari ang pagdugo ng ilong kapag nagbubuntis dahil sa pagdagdag ng volume ng dugo sa katawan mo. Idagdag mo ang sensitibong nasal passages mo.
  • Namamahang gilagid – Dahil rin sa pagdadalang tao mo, mas naging sensitibo ang mga gilagid mo. Normal lamang ito ayong sa mga eksperto. Gayunpaman, ipinapayo pa rin ang doble ingat lalong lalo na sa mga kinakain. Dalasan rin ang pagsipilyo ngunit, gawin ito ng dahan-dahan upang maiwasan na masugatan ang gilagid mo.
  • Kinakapos sa paghinga – Bakit kaya? Ano ang sanhi nito? Marahil ay yan ang tanong mo. Alam mo bang dahil sa patuloy ng paglaki ng baby sa katawan mo ay nahihirapan rin sa pag expand ang lungs o baga mo? Iyan ang paliwanag ng mga doktor kung bakit kung minsan ay kakaposin ka ng paghinga sa simula ng pagbubuntis sa ika 15 linggo.
  • Indigestion o hindi pagkatunaw ng pagkain – Sanhi ang sintomas na ito ng pagbabago ng iyong hormones. Kapag nakaramdam ng ganitong kondisyon, magpatingin kaagad sa doktor at magtanong ng nauukol na gamot para dito. Mag search ng wastong diet para sa buntis at sabayan rin ng tamang ehersisyo.
  • Masidhing kagustuhang makipagsex – Ayon sa mga eksperto mayroong mga buntis na sa ika 15 linggo ng pagdadalang tao ay nakakaramdam ng ganitong sintomas. Normal naman ito ayon sa mga doktor. Dagdag pa nila, safe rin ang makipagtalik sa ika 15 linggo ng pagdadalang tao. Ang pagdugo habang nakikipagtalik ay normal rin dahil sa mas sensitibo ang cervix mo sa panahong ito.

Mahalaga para sa isang nanay na kagaya mo ang malaman ang mga sintomas na ito. Makakatulong ito saiyo upang makapaghanda sa mga posibleng pag-atake nito.

Ngayong alam mo na ito, alamin naman natin kung kumusta na ang sanggol sa ika 15 linggo ng pagbubuntis mo. Sabik ka na bang malaman? Ipagpatuloy lang ang pagbabasa mo!

Checklist sa ika-15 linggo ng pagbubuntis

Mga dapat tandaan sa linggong ito:

  • Magpa-schedule para saiyong multiple marker screening
  • Magpa-schedule para saiyong ambrio (kung mayroon ka)
  • Ihanda ang iyong sarili sa mas iigting pang mga pagbabago at sa nalalapit na panganganak

Pagbubuntis sa Ika-15 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO