Pagbubuntis sa Ika-10 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Pagbubuntis sa Ika-10 Linggo: Hello Baby Bump!

Ngayon na ikaw ay sampung linggo nang buntis, maari ka ng huminto sa pagi-imagine kung ano ba ang iyong magiging itsura kapag malaki na ang iyong tiyan, dahil sa ngayon, ganap ng kita ang iyong baby bump!

Ang pagbubuntis sa ika-sampung linggo ay magandang panahon upang mamili ng bagong mga damit. Magikot-ikot at maghanap ng mga damit na maluwag at komportable para sa unang bahagi ng iyong pagbubuntis.

Alalahanin na magdahan-dahan lamang sa pamimili dahil patuloy pa na magbabago at lalaki ang iyong katawan. Tandaan, may pitong buwan pa bago ka manganak.  

Gaano na kalaki ang bata sa Pagbubuntis sa ika-10 linggo?

Pagsapit ng ika-sampung linggo ng pagbubuntis, ang bata ay kasinglaki na ng isang strawberry. Ito ay may haba na 1.2 inches, at may timbang na .14 ounces. Paglipas ng tatlong linggo, do-doble pa ang laki ng iyong munting anak. Wow!

Ang iyong tiyan ay unti-unti ng lumalaki. Ito ay dahil mabilis ng lumalaki ang bata sa loob ng iyong sinapupunan. Mapapansin mo rin na kumu-kurba o bumibilog na rin ang iyong tiyan. Laging magsuot ng pambaba na may maluwag na garter.

Magsuot din ng maluwag na pantaas upang hindi mahirapan sa paglalakad at upang maprotektahan ang iyong tiyan.

Maraming mga doktor ang nagrerekomenda na magdagdag ng tatlo hanggang limang pounds ng timbang sa panahon ng unang trimester para sa mga buntis na may average BMI. Kaya normal lamang kung mapapansin mo na bumibigat ang iyong timbang.

Kung ikaw ay magiging nanay ng kambal, irerekomenda ng iyong doktor na magdagdag ka ng 1 pound kada linggo sa loob ng anim na buwan.

Ito ay nangangahulugan na dapat nadagdagan na ng 10 pounds ang iyong timbang pagsapit ng ika-sampung linggo ng iyong pagbubuntis. Kung hindi naman masyadong bumigat ang iyong timbang, huwag mabahala.

Maaring bumababa ang iyong timbang dahil sa morning sickness. Pagsapit mo sa ikalawang trimester, mababawasan na ang mga morning sickness kaya sana’y madagdagan na ang iyong timbang.

Ang sampung linggong pagbubuntis ay katumbas ng dalawang buwan, at isang linggo.

Mga Sintomas ng Pagbubuntis sa ika-10 linggo

Nagmu-muni kung ano ang mga sintomas na maaring mong maranasan pagdating ng ika-sampung linggo?

Habang lumalaki ang iyong anak, ang mga ligaments at muscles sa ibabang bahagi ng iyong katawan ay unti-unting nababatak. Lumalaki rin ang iyong dibdib.

Marami pang mga pagbabago ang maari mong mapansin sa iyong katawan.

Narito pa ang ilan sa karaniwang sintomas ng pagbubuntis sa ika-sampung linggo:

  • Pananakit ng tiyan – Huwag mabigla kung unti-unting sumasakit ang ibabang bahagi ng iyong tiyan. Ito ay dahil binabatak ang mga muscles at ligaments na nandito upang maalalayan ang lumalaking fetus.
  • Round ligament pain. Bagama’t may ilang kababaihan na hindi ito napapansin, may ilan na nakakaramdam nito. Ito ay tinatawag na “round ligament pain”. Kung ikaw ay sampung linggong buntis sa kambal, mas mararamdaman mo ang kirot na dulot ng “round ligament pain”.
    • Sabihin agad sa iyong OB kung masyadong matindi ang sakit na iyong nararamdaman. Magsabi rin kung ikaw ay nakakaramdam na pagkabalisa ngayong nasa ika-sampung linggo ka na ng pagbubuntis.
  • Paglaki ng dibdib – Mapapansin mo na mas lumaki pa ang iyong dibdib pagdating ng ika-sampung linggo na pagbubuntis. Ito ay bilang paghahanda sa pagpapa-suso sa iyong anak.
  • Morning sickness – Pagkaduwal, pagkahilo, at pagsusuka ay mga karaniwang mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-sampung linggo. Narito ang good news, mababawasan ito kapag ikaw ay pumasok na sa ikalawang trimester.
  • Pabago-bagong emosyon – Ang pagbabago sa iyong hormones ang may kasalanan kung bakit tila ikaw ay nakakaramdam ng roller coaster na emosyon.
  • Pagod o pagkahapo – Lagi kang pagod. Bakit? Ang iyong katawan ay nagtratrabaho ng maigi upang lumaki ng maayos ang bata sa iyong sinapupunan. Idagdag pa rito ang hindi masarap na tulog sanhi ng mga kakaiba at hindi maipaliwanag na panaginip.
  • Mas maraming vaginal discharge – Ang mas mataas na blood flow sa iyong vagina, dagdagan pa ng mas mataas na estrogen production ay nagdudulot upang mas dumami ang malinaw at odorless na discharge ng iyong vagina.
    • Ito ay tinatawag na “leukorrhea”. Maaring nakakadiri ito makita ngunit, ito ay natural na panglaban ng iyong katawan sa mga bacteria. Kung ang iyong vaginal dischagred ay may kahalong dugo at masamang amoy, sabihin ito agad sa iyong doktor dahil maaring sintomas ito ng matinding problema.
  • Pagdami ng mga ugat – Mapapansin mo na may nagsisilabasang mga ugat na kulay bughaw sa iyong katawan. Ang mga ito ay may mahalagang trabaho sa iyong katawan: Nagdadala sila ng dagdag na dugo para sa iyong anak.

Checklist para sa ika-10 linggo ng pagbubuntis

Ngayong nasa ika-sampung linggo ka na ng iyong pagdadalang tao, kailangan mong sundin ang ating lingguhang checklist:

  • Regular na maghugas ng kamay para makaiwas sa pagkakaroon ng sipon o trangkaso
  • Sumubok ng natural na lunas kung ikaw ay nahihirapan sa pagdumi
  • Mamili ng mga damit para sa buntis
  • Pag-aralan mo na ang patakaran tungkol sa maternity leave ng iyong pinagtatrabahuhang kumpanya

Pagbubuntis sa Ika-10 Linggo
2 (40%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO