Pagbubuntis sa Ika-11 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Pagbubuntis sa Ika-11 Linggo: Mga Sintomas at Dapat Tandaan

Ang artikulong ito ay magtuturo saiyo ng mga impormasyon na kailangan mo sa iyong pagbubuntis sa ika-labing isang linggo. Pag-uusapan natin ang development ni baby at mga sintomas na nararamdaman ng isang nanay sa linggong ito ng pagbubuntis.

Pagbubuntis sa Ika-11 linggo: Kumusta na ang sanggol?

Ayon sa imahe mula sa ultrasound, ang sanggol na dinadala mo ay sinlaki ng lime o lemon. Kung titingnan rin sa ultrasound, mas malaki ng husto ang ulo ng fetus kumpara sa katawan niya. Normal lamang ito ayong sa mga eksperto. Medyo malaki na ito at pansin na rin kung titingnan ang tiyan mo. Alam mo bang may kakayahan ang fetus na makahinga sa loob ng iyong tiyan? Opo! At magandang epekto ang paghingang ito dahil sa amniotic fluid, isa itong likido na tumutulong sa pagbuo at pagdevelop ng lungs o baga ng fetus. Sa ikalabing-isang linggo rin ng pagbubuntis nangyayari ang pagbuo ng genitals o ari ng fetus. At magsisimula na rin ang paglakas ng kanyang mga buto. Mga development na nagpapatunay sa malusog na paglaki ng fetus.

Ayon rin sa mga doktor, bumaba na sa 3% chance ang posibleng pagkalaglag ng bata sa pagbubuntis sa ikalabing-isang linggo. At mas bababa pa ang chance na ito sa mga susunod pang linggo. Magandang balita ito! Ngunit hindi ito nangangahulugan na papabayaan mo na ng ang pagbubuntis mo. Nalalapit ka na sa ikalawang trimistre ng iyong pagbubuntis, ibig sabihin, panibagong adjustment naman ang maaari mong harapin.

Ngayong alam mo na ang mga ito, ano-ano pa ba mga dapat mong gawin sa pagbubuntis sa ikalabing-isang linggo? Gusto mo bang malaman? Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo!

Mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-11 linggo

Habang tumatagal ang pagdadalang tao ng isang nanay na katulad mo, patuloy rin ang mga pagbabagong maaaring maranasan mo saiyong katawan. Ito ang tinatawag na mga sintomas ng pagbubuntis.

Normal ang mga sintomas na ito ayon sa mga eksperto, ngunit may mga kondisyon pa rin na dapat bantayan at ang mga sintomas na ito ay hindi dapat lumampas sa limitasyon na ibinigay ng doktor. Ibig sabihin, kapag masyadong malala ang sintomas at hindi na makaya ng buntis, kinakailangan ang agarang pagpatingin sa doktor.

  • Pamumulikat ng mga paa – Isa sa pinakamasakit na sintomas ng pagbubuntis ay ang pamumulikat at kadalasan itong umaatake habang nasa mahimbing ka ng pagtulog. Normal ito at panandalian lamang ang sakit. Ngunit sa sobrang sakit nito, mamimilipit ka ng husto at hindi ito maganda para sa batang nasa sinapupunan mo. Ipinapayo ng mga doktor ang paginom ng maraming tubig, at pagkain ng saging.
  • Paglabas ng maitim na guhit pahaba sa tiyan – Nagtataka ka ba kung ano itong maitim na guhit na ito? Tinatawag itong linea negra. Huwag kang magalala sapagkat normal lamang ito sa nanay na nagbubuntis. Ayon sa mga doktor, ang paglabas nito ay sanhi ng pagbabago ng hormones sa katawan mo.
  • Discharge sa pwerta – Pansin mo ba ang paglabas ng malapot na likido galing saiyong puwerta? Kung minsan ay kulay dilaw ito ngunit kadalasan ay puti na may mabahong amoy? Normal ba ito? Opo! Wala itong kaso ayon sa mga doktor. Ipinapayo ang pagamit ng pantiliners sa mga buntis kapag nakaranas ng ganitong sintomas.
  • Pagkapagod – Dahil sa pagtrabaho ng katawan mo dahil sa pagdadalang tao, nagiging sanhi ang madalas na pagkapagod. Kapag nakaramdam nito, ipinapayo ang pagpahinga kaagad hanggang sa manumbalik ang iyong lakas.
  • Mood swings o pabago bago ng mood – Dahil sa stressful na pagbubuntis sanhi ng pagbabago ng hormones sa katawan mo. Normal lamang ang sintomas na ito. Payo ng mga doktor ang pag ehersisyo at paglilibang sa sarili.

Checklist sa ika-11 linggo ng pagbubuntis

Dahil nasa dalawang buwan at magdadalawang linggo ka na ng pagbubuntis. Kailangan mong malaman ang mga tips na ito.

Mga dapat mong tandaan para sa linggong ito:

  • Simulan na ang pagbili ng maternity clothes o damit na gagamitin mo habang ikaw ay buntis.
  • Magplano para sa babymoon
  • Simulan na ang iyong baby registry

Pagbubuntis sa Ika-11 Linggo
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO