Pagbubuntis sa Ika-7 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Pagbubuntis sa Ika-7 Linggo: Sundin Ang Sumusunod na Mga Tips!

Ikaw ay nagtatago ng pinakamagandang sikreto sa mundo, hindi ba? Ngayon na ikaw ay nasa ika-pitong linggo ng buntis, nararamdaman mo na mayroon kang dinadalang bata sa iyong sinapupunan ngunit, marami pa rin ang hindi nakakapansin nito. Ito’y magbibigay sa iyo ng kakaibang pakiramdam.

Habang ikaw ay buntis sa ika-pitong linggo, maaring iniisip mo kung ano kaya ang posibleng mangyari kapag nalaman na ng lahat na mayroong bata na lumalaki sa iyong sinapupunan. Ngunit sa ngayon, maari mo munang sarilihin ang iyong maliit na sikreto.

Gaano na kalaki ang bata sa Pagbubuntis sa ika-7 linggo?

Pagsapit ng ika-pitong linggo ng pagbubuntis, ang bata ay kasinglaki ng isang blueberry. Ngayon, ang embryo ng bata ay humigit kumulang .51 inches, dumoble ang laki nito kumpara noong nakaraang linggo.

Hindi pa halata ang bata sa ganitong panahon ngunit, hindi ba’t kahanga-hanga na mayroong pitong linggong taong gulang na bata na lumalaki sa iyong tiyan?

Mga Sintomas ng Pagbubuntis sa ika-7 linggo

Ang pagiging buntis ng pitong linggo ay magbibigay sa iyo ng iba’t ibang sintomas. Ang ilan ay hindi malala ngunit, ang ilan ay magiging pahirap sa araw-araw. Narito ang ilan sa mga madalas na sintomas:

  • Pagduduwal – Ang pagkaduwal lalo na pagkagising ay normal na sintomas ng ika-pitong linggo ng pagbubuntis. Maging matatag, at humanap ng paraan upang makayanan ito.
    • Para sa ilan, epektibo sa kanila ang luya, Vitamin B-6, at acupressure wristband. Kapag naging normal na ang iyong hormones pagdating ng second trimester, ang pagkaduwal ay mababawasan at dapat unti-unting mawala.
    • Ang mga magiging nanay ng kambal ay makakaranas ng mas matinding pagkaduwal at pagsuka sapagkat higit na mas mataas pa ang kanilang hormones.
  • Paglilihi sa pagkain – Maaring magugulat ka na biglang magugustuhan mong kumain ng partikular o kakaibang pagkain. O hindi kaya’y kabaliktaran nito. Maaring ayawan mo bigla ang mga dati mong paboritong pagkain.
    • Ang pag-ayaw sa mga pagkain ay natural na mekanismo ng iyong katawan upang mailayo ka at ang bata sa iyong sinapupunan sa posibleng masamang epekto ng pagkain na ito sa katawan. Walang masama sa paglilihi ngunit, huwag maging sobra-sobra sa pagkain. Piliin ang mga pagkaing masusutansiya at mayaman sa bitamina.   
  • Madalas na pag-ihi – Mararamdaman mo na tila lagi kang naiihi, hindi ito imahinasyon lamang. Bagama’t hindi pa halata na ikaw ay buntis, ang iyong bahay-bata ay dumoble na ang laki. Kaya mas mataas ang daloy ng dugo sa ibabang bahagi ng iyong katawan.
  • Tigyawat – Ang pagkakaroon ng maraming tigyawat ay dahil sa mga pagbabago ng hormones sa iyong katawan. Ngunit, bago ka guimamit ng anomang produkto na panglaban sa tigyawat, siguraduhin muna na tanungin ang iyong doktor kung ito ba ay ligtas para sa buntis.
  • Paglalaway – Ito ang isang sintomas na hindi mo lubusang akalain. Ang labis ng paglalaway ay dahilan ng pagbabago sa hormones. Ito ay maaring may kaugnayan din sa pagkaduwal.
  • Pagbago-bagong emosyon – Hindi lamangng hormones ng iyong katawan ang pabago-bago. Ang simpleng pag-iisip na ikaw ay buntis ay maaring dagdag na dahilan upang ikaw ay maging emosyonal.
  • Pagsakit ng Puson at/o pagdurugo – Ang pagsakit ng puson habang nasa maagang panahon ng pagbubuntis ay normal sapagkat maraming mga pagbabago ang nangyayari sa iyong bahay-bata.
    • Aabutin pa ng ilang linggo bago mo maramdaman ang pagsipa ng bata ngunit, mauuna na rito ang pagsakit ng iyong puson. Ang iyong cervix din ay mas sensitibo kaya maaring magkaroon ka ng pagdurugo pagkatapos ng pakikipagtalik.
    • Ang dalawang sintomas na ito ay nakakabahala ngunit, madalas ay normal lamang at hindi senyales ng ectopic pregnancy at pagkalaglag. Kung nakakaramdam ka ng matinding pananakit ng puson at pagdurugo na higit pa sa normal na dalaw, kumunsulta agad sa iyong doktor.

 

Iba-iba ang maaring maging sintomas pagdating ng pagbubuntis sa ika-pitong linggo. Sa katunayan, maaring wala kang maranasang anumang sintomas. Kung ganoon ang kaso mo, ituring mo ang iyong sarili na mapalad.

Ang ilan sa mga magiging nanay sa hinaharap ay nangangamba na wala pa silang nararamdaman na sintomas sa ika-pitong linggo, ngunit normal lang ito.

Lagi naming ipinapaalala na ang bawat kababaihan ay may iba’t ibang karanasan sa kanilang panganganak. Kung may iba ka pang nararamdaman, sabihin agad ito sa iyong OB.  

Tiyan sa Ika-7 linggo ng Pagbubuntis

Madalas ka ba tumitingin sa salamin at naga-abang sa iyong baby bump? Pagsapit ng ika-pitong linggo ng pagbubuntis, hindi pa masyadong halata ang lumalaking bata sa iyong sinapupunan.

Iba-iba ang bawat kababaihan ngunit, marami ang nagsasabi na lumalabas ang kanilang baby bump sa kalagitnaan ng second trimester kung saan lalong lumalaki ang bahay-bata sa pelvic area. Ang mga magiging nanay ng kambal ay asahan na mas magiging maaga ang paglaki nito.

Checklist para sa ika-7 linggo ng pagbubuntis

Pitong linggo ka na bang buntis? Tandaan at sundin ang mga tips na ito:

  • Siguraduhing nakuha na ang mga kinakailangan test na dapat sa yugtong ito
  • Palitan mo na ang mga beauty products na ginagamit mo. Dapat ito ay safe sa pagbubuntis
  • Kung bibili ng gamot, siguraduhing ito ay safe sa buntis

 

Pagbubuntis sa Ika-7 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO