Pagbubuntis sa Ika-36 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Pag-Iingat sa Pagbubuntis sa Ika-36 na Linggo

Siyam na buwan na? Ang bilis lumipas ng oras! Anomang araw ay maari ng lumabas ang iyong anak kaya siguraduhing handa ka na sa kaniyang paglabas. Halimbawa, kung nag-enroll ka sa childbirth class noong nakaarang buwan, basahing muli ang mga libro ng ibinigay sa inyo at gawin ang breathing techniques na iyong natutunan kasama ang iyong partner.

Ihanda na rin ang inyong plano papunta sa hospital kung sakaling mapaaga ang paglabas ng iyong anak. Magsabi ka na rin sa iyong boss kung ano ang estado ng mga proyektong hawak mo para alam ng mga katrabaho mo ang gagawin nila kapag bigla kang nawala.

Ang Pagbubuntis sa ika-talumpu’t anim na linggo ay magandang panahon rin upang lumabas kayo ng iyong asawa — espesyal na dinner date?

Gaano kalaki ang 36 linggong sanggol?

Pagsapit ng tatlumpu’t anim na linggong pagbubuntis, ang iyong anak ay kasinglaki ng papaya. Siya ay may sukat na 18.7 inches mula putong hanggang talamapakan at may bigat na 5.8 pounds.

Ngayong nasa ika-tatlumpu’t anim na linggo ka na ng pagbubuntis, hindi na masyadong lalaki pa ng iyong tiyan. Maaring ikaw ay bumigat ng 25 hanggang 35 pounds sa kabuuan – ang recommended total amount ng weight gain para sa kababaihan na may normal na BMI.

Maaring dahil sa dagdag mong timbang ay nahihirapan ka gumalaw ngunit, konting tiis na lamang dahil kalahating pound na lamang ang kailangan mo idagdag bawat linggo hanggang sa paglabas ng iyong anak.

Kung ikaw ay buntis ng kambal, dapat mula 35 hanggang 45 pounds ang itinaas ng iyong timbang. Karamihan sa mga buntis ng kambal ay nanganganak na pagdating ng linggong ito ngunit, may tyansa rin na tumagal pa ito sa mga susunod na linggo. Tandaan, kapag tama ang panahon ng paglabas ni baby, mas mababa ang posibilidad na siya ay ilagay sa NICU (neonatal intensive care unit).

Kaya, bagama’t hindi kumportable, kapit lang dahil ang mas matagal na oras sa bahay-bata ay mas mabuti para sa kambal.

Ilang buwan ang kapantay ng Pagbubuntis sa Ika-36 Linggo?

Ang tatlumpu’t anim na linggo ay katumbas ng walong buwang buntis. Maligayang pagdating sa unang linggo ng ika-siyam na buwan! Apat na linggo na lamang ang natitira at manganganak ka na.

Mga sintomas ng 36 linggong buntis

Ngayong apat na linggo na lamang ang iyong hihintayin, halos lahat ng sintomas na iyong mararamdaman ay dahil paparating na ang iyong anak. Ang mga sintomas ng pagbubuntis sa Ika-tatlumpu’t anim na Linggo ay ang mga sumusunod:

  • Magaan ang paghinga. Unti-unting bumababa na ang iyong anak papuntang balakang kaya, mas lumalaki ang espasyo na nakalaan para sa iyong baga. Dahil dito, mas magiging madali ang paghinga.
  • Masakit na balakang. Pareho ang dahilan ng sintomas na ito at kung bakit mas madali ka ng nakakahinga. Mas mababa na ang posisyon ngayon ni baby kaya mas matindi ang bigat na dinadala sa bahagi ng iyong balakang. Maging maingat sa mga senyales ng panganganak tulad ng regular at paulit-ulit na contractions.
  • Hirap sa pagtulog. Nagising ka ba ng madaling-araw at nakita ang iyong sarili na nagsusulat ng mga liham o di kaya’y nag-aayos ng aparador? Nanggaling din kami diyan! Maghanap ka ng mga relaxing na gawain kung nahihirapan ka matulog.
  • Heartburn. Ang lumalaki mong sanggol ay umaabot na rin sa iyong digestive system. Ang pag-inom ng Antacids ay makakatulog (hangga’t pumayag ang iyong doktor dito) Mababawasan ang posibilidad ng heartburn sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga pagkaing maanghang, maasim, at mamantika. (Nakakalungkot pero, sulit iwasan huwag lang makaranas ng heartburn)
  • Nagmamanas na bukong-bukong at paa. Ang kaunting pagmamanas ay normal para sa mga buntis na nasa ika-tatlumpu’t anim na linggo, lalo na’t kung ikaw ay buntis ng kambal. Huwag mag-alala dahil mawawala din ito kapag lumabas na ang iyong anak. Ngunit, kung nakakaramdam ng biglaan at matinding pamamaga ay tawagin agad ang iyong doktor dahil maaring senyales ito ng delikadong kondisyon.
  • Mga pagbabago sa vaginal discharge. Sa pagsapit mo sa ika-tatlumpu’t anim na linggo ng pagbubuntis, makakaranas ka ng mas maraming discharge sapagkat hinahanda na ng iyong katawan ang sarili nito sa paglabas ng iyong anak. Ngunit, mag-ingat kung nagkaroon ka ng watery discharge (maari itong amniotic fluid – tawagin agad ang iyong doktor!), dugo (senyales ng preterm labor), o kaya’y mucus plug (malapot na parang uhog). Kapag lumabas ang mucus plug, senyales ito na malapit na malapit na ang iyong panganganak.
  • Braxton Hicks contractions. Patuloy mong mararamdaman na biglang humihigpit ang iyong tiyan, at maaring mas lalo itong lumala. Sa katunayan, may ilang buntis na pumupunta na sa ospital dahil akala nila ay manganganak na sila. Alalahanin na ang pagsakit ng puson na tila gaya ng sa regla ay hindi dulot ng Braxton Hicks. Kung nakakaranas nito ay agad na tawagin ang  iyong OB.

Ang mga karaniwang senyales ng Pagbubuntis sa ika-tatlumpu’t anim na linggo ay mahirap makilala mula sa tunay at totoong panganganak. Kaya kapag nakaranas ka ng kakaiba, sabihin ito agad sa iyong doktor. Huwag kang mahiya tumawag sa ospital sapagkat nauunawaan nila na normal ang false labor.

Pregnancy checklist para sa ika-36 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • I-schedule ang iyong 37-week prenatal visit
  • Tapusin ang mga papeles para sa maternity-leave
  • Alamin ang mga sagot sa iyong katanungan tungkol sa panganganak

 

Pagbubuntis sa Ika-36 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO