Pagbubuntis sa Ika-35 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Pagbubuntis sa Ika-35 Linggo: Mga Dapat Alamin at Tandaan!

Handang handa ka na ba? May ilang mga nanay ang nababalisa sa kanilang pagbubuntis sa Ika-tatlumpu’t limang linggo sapagkat pakiramdam nila ay marami pa silang nakalimutang gawin bago ang pagdating ng kanilang munting supling.

Ang iba naman ay hindi na maitago ang kanilang sobrang pananabik. Alinman sa dalawang ito ang nararamdaman mo, ang mahalaga ay huwag mong i-stress ang sarili mo. Lalabas at lalabas ang iyong anak kahit hindi mo pa natatapos lahat ng nakasulat sa listahan ng mga gagawin mo.

Hangga’t may kumportableng infant seat ang iyong anak sa sasakyan pauwi, at ligtas na higaan pagdating sa tahanan, huwag nang mag-alala dahil nagawa mo na ang mga pangunahing pangangailangan ng iyong anak.  

Gaano na kalaki ang fetus pagsapit ng 35 linggo?

Ang iyong anak ay kasinglaki na ng isang pinya. Siya ay may habang 18.2 inches mula ulo hanggang talampakan. Mula sa linggong ito, hindi na siya masyadong lalaki pa pero, patuloy ang pagbigat niya. Ang iyong tatlumpu’t limang linggong taong gulang na fetus ay may bigat na 5.3 pounds at mas bibigat pa ng ilang pounds bago ang araw na makita mo siya.

Ang Pagbubuntis sa Ika-tatlumpu’t limang Linggo ay katulad ng pagbubuntis sa ika-pitong buwan at tatlong linggo. Ito na ang huling linggo ng ika-walong buwan. Humigit kumulang limang linggo na lamang at makikita mo na ang iyong anak!

Lumalaki, Lumalaki, Lumalaki. Oo, ikaw yan at ang iyong anak. Ngayong ikaw ay nasa ika-tatlumpu’t linggo, ang iyong uterus ay lumaki ng 1000 beses kumpara sa orihinal nitong laki. Marahil aakalain ng iba na pinagrabe lamang ang bilang na ito ngunit, kung ikaw ang tatanungin,  maaring pakiramdam mo ay milyong beses pa ang nilaki nito. Ikaw ay inaasahan na bumigat pa ng kalahating pound kada linggo hanggang sa ikaw ay manganak.

Iba’t ibang sintomas ng Pagbubuntis sa Ika-35 Linggo

Habang papatapos ka na sa ika-walong buwan, maari mong maramdaman ang sumusunod na sintomas:

  • Madalas na pangangailangan umihi. Oo, dahil ang iyong pantog ay dinadaganan ng iyong anak (o mga anak kung ikaw ay buntis ng kambal) na nasa ibaba ng bahagi ng iyong balakang at naghahanda na para sa kaniyang paglabas. Bagama’t nakaka-abala ang madalas na pagpunta sa palikuran, huwag mo itong idahilan para bawasan ang iniinom mong tubig. Ang dehydration ay nagpapataas sa posibilidad ng preterm labor kaya, uminom ng maraming tubig.
  • Constipation. Sinabi na namin ito dati pero uulit-ulitin kong muli. Siguraduhin na kumakain ng mga pagkaing mayaman sa fiber. Kapag ginawa mo na ang lahat at nahihirapan ka pa ring magbawas, sabihin na ito sa iyong doktor upang bigyan ka niya ng fiber supplement o kaya’y pampalambot ng dumi (stool softener.)
  • Masakit na likod at balakang. Patuloy na sasakit itong mga bahagi ng iyong katawan – o kaya’y baka madagdagan pa. Bagama’t masakit, tumingin ka sa positibong dulot nito: palatandaan ito na naghahanda na ang iyong baby sa kaniyang paglabas! Oo, lahat ng sakit na nararamdaman mo ay may dahilan. Lumalambot din ang iyong mga litid (ligaments) upang maging madali at mabilis ang paglabas ng iyong anak sa mundo. Yehey!
  • Braxton Hicks Contractions. Ngayong nasa ika-tatlumpu’t limang linggo ka ng pagbubuntis, mapapansin mo na mas dumagdag ang dami ng contractions na iyong nararamdaman. Nakakamanghang malaman na kaya palang tumigas ng iyong tiyan ng ganito katindi! Pagmasdang maigi ang uri ng contractions na iyong nararamdaman. Magpahinga at uminom ka ng tubig kapag naramdaman mo ito.

Ano-ano ang mga senyales ng maagang panganganak?

Ang Pagbubuntis sa Ika-tatlumpu’t limang Linggo ay magandang panahon upang siyasatin mo ang mga senyales ng pagbubuntis. Marahil isipin mo na masyado pang maaga ang panahon nito ngunit, 11% ng mga buntis ay nanganganak prematurely samantalang ang mga buntis ng kambal na nasa ika-tatlumpu’t limang linggo ay tinuturing ng nasa full term labor. Sa pangkahalatan, narito ang mga senyales ng tunay, totoo, tawagin-si-OB-dalhin-ang-ospital-bag na pananganak:

  • Pumutok ang panubigan. Malalaman mo na pumutok ang iyong panubigan kapag nakaranas ka ng tila tubig na vaginal discharge. Maari itong lumabas ng dahan-dahan o kaya’y isang malaking buhos (gaya ng makikita sa mga pelikula.)
  • Masakit na contractions. Ang Braxton Hicks ay malayo sa tunay na contractions. Kapag nakaramdam ka ng matinding pananakit sa iyong tiyan at likod sa halip na mahinang paninikip, marahil oras na ng iyong panganganak.
  • Madalas na contractions. Ang tunay na contractions ay regular na nagaganap, at hindi tumitigil – mas lalo itong dumadalas at sumasakit. Marahil tuturuan ka ng iyong doktor kung sa anong punto mo siya dapat tawagan. Ang pamantayan dito ay: kung ito ang unang beses mong manganganak, tawagan ang iyong OB kung limang minuto ang pagitan ng contractions. Kung hindi naman ito ang unang beses, madalas 10 hangagang 15 minuto ang pagitan ng contractions sapagkat ang ikalawa (o mas marami pa) na labor ay mas maiksi.

Kung hindi ka sigurado sa sintomas na nararamdaman mo, tumawag sa iyong doktor upang makasigurado.

Pregnancy checklist para sa ika-35 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo

  • Maghanda ng ibalita ang pagdating ng iyong baby
  • Alamin ang mga senyales ng labor
  • I-save ang mga importanteng numero sa iyong cellphone

 

Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO