Pagbubuntis sa Ika-21 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Dapat Mong Malaman Sa Pagbubuntis sa Ika-21 Linggo

The Pressure is on! May naisip ka na ba na ipangangalan sa iyong baby? Madalas inaabot ng buwan-buwan ang nanay at tatay bago magkasundo sa ibibigay na pangalan sa kanilang anak ngunit, meron din naman na mabilis lamang makapag-desisyon sa gusto nilang pangalan.

Isa ang bagay na sigurado, mas magugustuhan mo ang pangalan na ibinigay mo sa iyong anak kapag nalaman mo na tugmang-tugma sa kaniyang ugali ang kaniyang pangalan.

Ang Pagbubuntis sa Ika-dalawampu’t isang linggo ay hindi lamang patungkol sa pagbibigay ng pangalan sa iyong anak, panahon na rin ito upang lalo kang magsipag upang maihanda mo ang inyong magiging tahanan sa hinaharap.

Gaano kalaki ang iyong baby pagsapit ng ika-21 linggo?

Sa ika-dalampu’t isang linggo ng iyong pagbubuntis, ang iyong baby ay kasinglaki ng ulo ng endive. Siya’y may sukat na 10.5 inches at tumitimbang ng 12.7 ounches. Sapat na ang laki ng iyong baby upang maramdaman mo ang kaniyang pag-galaw.

Ngayong linggo, maaring tumingin ka sa salamin at tinanong sa iyong sarili kung nasaan na ang dati mong katawan. Pagsapit mo ng ika-dalawampu’t isang linggo, ikaw ay bumigat ng 13 hanggang 14 pounds, o kaya’y 21 pounds kung ikaw ay dalawampu’t isang linggong buntis ng kambal.

Ang iyong bagong curves ay maaring magbigay sa iyo ng super sexy at confident feeling dahil matapos ang lahat, ikaw ang center of attention kahit saan ka pumunta! Ngunit, maari din na negatibo ang maisip mo tungkol dito, “ang taba ko na.” (Hindi ka mataba, buntis ka!) Lagi mo paalalahanan ang iyong sarili na dapat lang na ikaw ay magdagdag ng timbang! Ito ay mabuti sa iyo at para sa iyong magiging anak.

Sa katotohanan, ang pagdadagdag ng bigat habang buntis ay hindi lamang para sa padding ng iyong baby – marami pang importanteng dahilan. Ganito ang logical way para maintindihan mo ito: Humigit kumulang 30 pounds ang iyong idadag sa iyong timbang sa buong siyam na buwan, at higit lamang iyon sa taba.

Narito ang bumubuo sa timbang na iyon:

  • Katamtamang timbang ng isang fullterm na baby = 7.5 pounds
  • Inunan/Placenta = 1.5 pounds
  • Bahay-bata/Uterus = 2 pounds
  • Amniotic fluid = 2 pounds
  • Taba na dala ng pagbubuntis (kailangan para sa breastfeeding) = 7 pounds
  • Breast tissue (para sa breastfeeding) = 2 pounds
  • Pagdami ng tubig sa katawan = 4 pounds
  • Pagdami ng dugo = 4 pounds

Kita? Lahat ng dinagdag mong timbang ay may mabuting pinatunguhan. Nakakatulong ito upang mapanatiling malusog ang iyong anak, at upang mabigyan siya ng tamang nutrisyon kapag siya’y lumabas na.

Kapag nakakaramdam ka ng insecurities sa iyong katawan, lagi mong isipin ang kahanga-hangang ginagawa nito para maingatan ang iyong anak. Ngayon na ikaw ay nasa ika-dalawampu’t isang linggo na ng pagbubuntis, mas ramdam na ang paggalaw ng iyong baby. Ang mga baby ay may reflexes din. Subukan mong ipatong ang iyong palad sa tiyan at makakaramdam ka ng mahina na sipa. Ang galing!

Ang dalawampu’t isang linggo pagbubuntis ay katumbas ng apat na buwan at tatlong linggo. Ngayong malapit ka na sa ika-limang buwan, lampas kalahati na ang iyong pinagdaanan.

Mga Sintomas ng Pagbubuntis sa ika-21 linggo

Ang madalas na sensyales ng mga nasa ika-dalawampu’t isang linggo ng pagbubuntis ay mahahalintulad sa mga sintomas ng nasa third trimester. Narito ang mga sumusunod na sintomas na maari mong maramdaman sa ika-dalawampu’t isang linggo ng pagbubuntis:

  • Heartburn at/o indigestion. Iwasang kumain ng maanghang at mamantikang pagkain, o iba pang trigger foods. Kung hindi mo alam kung anong pagkain ang sanhi ng pagsakit ng iyong tiyan, ang pagsusulat sa isang food diary ay makakatulong.
  • Braxton Hicks contractions. Madalas mong mararamdaman na humihigpit ang iyong uterus bilang paghahanda sa nalalapit mong panganganak. Normal lamang ito hangga’t nawawala kapag ikaw ay gumagalaw o nag-iiba ng posisyon. Kung hindi nawawala ang sakit at pag-contract, ipaalam ito sa iyong doktor.
  • Leaky boobs. Ang milk ducts sa iyong dibdib ay fully developed na pagtapos ng trimester na ito – kung sakali na mapaaga ang iyong panganganak.
  • Dry, itchy skin. Patuloy na nai-istrech ang balat sa bahagi ng iyong tiyan sanhi upang ito ay mairita. Pahiran ito ng pregnancy-safe body oil o lotion para mapanatiling moisturized at mabawasan ang pangangati ng iyong balat. Kapag ikaw ay nagkaroon ng rashes, sabihin ito agad sa iyong doktor dahil maaring sintomas ito ng nakaka-iritang pregnancy condition na tinatawag na PUPPP (Pruritic urticarial papules and plaques of pregnancy.)   
  • Stretch marks. Ang iyong balat ay patuloy sa pagnipis habang lalong lumalaki ang iyong baby sanhi ito upang magkaroon ng maliliit na punit ang ilalim na layer ng iyong balat. Ang pagkakaroon ng stretch marks sa ibang kababaihan ay karaniwan lamang dahil sa kanilang family history o hindi kaya’y dahil sa biglaang paglaki ng timbang. Walang paraan upang lubusang mawala ang stretch marks ngunit, unti-unting mababawasan ito pagkatapos mo manganak.

Pregnancy checklist para sa ika-21 linggong buntis

Mga Paalala para sa linggo:

  • I-schedule ang iyong glucose challenge test
  • Simulan ng magplano para sa iyong baby shower
  • Pag-isipan na ang magiging pangalan ng iyong anak

Pagbubuntis sa Ika-21 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO