Pagbubuntis sa Ika-22 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Ano Ang Mga Dapat Gawin Sa Pagbubuntis sa Ika-22 Linggo?

Ngayon na nasa ikadalawampu’t dalawang linggo ka na ng pagbubuntis, mabilis at lalo pang lumalaki ang baby sa iyong tiyan.

May mga pagkakataon na hahabulin mo ang iyong hiningan, at sobrang sakit ng iyong likod. Pagsapit din ng dalawampu’t dalawang linggo, maari ka ng magsimulang magkaroon ng mga stretch marks. Maaring hindi mo magustuhan ang mga side effects na ito pero magandang panahon ang dalawampu’t dalawang linggo upang magpakuha ka ng professional maternity photoshoot.

Tamang-tama lang ang third trimester upang makita ang maganda at malaking bilog sa iyong tiyan. Mahirap magbakasakali na paabutin pa ito ng katapusan dahil maaring mapaaga ang iyong panganganak at hindi na matupad ang iyong pangarap na maternity photoshoot.

Gaano kalaki ang baby pagsapit ng ika-22 linggo?

Ang tipikal na laki ng tiyan pagdating ng dalawampu’t dalawang linggo ay 20 hanggang 24 centimeters mula pelvic bone hanggang sa tuktok ng uterus, tinatawag itong “fundal height”. Ang mga nanay na buntis ng kambal ay walang tipikal na fundal height dahil iba-iba ang laki ng tiyan kapag kambal ang dinadala.

Pagsapit ng dalawampu’t dalawang linggo, isa sa madalas mong iniisip ang tungkol sa pagdaragdag ng timbang. Maaring payuhan ka ng iyong OB na patuloy na sumunod sa mabagal ngunit, steady na weight gain na more or less isang pound kada linggo, depende sa iyong body type. Para magawa ito, inirerekomenda na kumain ng dagdag na 300 calories kada araw. Huwag maging obsess sa pagbilang ng calorie content ng bawat kinakain mo sa halip, isa lamang itong magandang guideline na iyong alalahanin.

Ang dagdag na 300 calories ay hindi nangangahulugan na ikaw ay kumain ng tatlong beses, at samahan ng isa o dalawang maliit snacks. Sa katotohanan, mas maganda na ipagpalit mo ito sa pagkain ng lima hanggang anim na small meals sa buong araw. Sa ganong paraan, mas magiging madali na sumunod sa iyong well-rounded diet. Dagdag pa, ang pagkain ng mas marami ngunit, mas maliliit na meals ay nakakatulong upang maiwasan ang biglaang energy drops, heartburn, indigestion, at iba pang mga sintomas ng Pagbubuntis sa Ikadalawampu’t dalawang linggo

Pagdating ng dalawampu’t dalawang linggo, ang iyong baby ay kasinglaki ng buko. Ang average baby size ay may haba na 10.9 inches (mula sa crown ng ulo hanggang sa talampakan) at may bigat na 15.2 ounces.

Ilang buwan ang katumbas ng pagbubuntis sa Ikadalawampu’t dalawang Linggo?

Hmm… Medyo mahirap bilangin ang eksaktong buwan na katumbas ng dalawampu’t dalawang linggo na pagbubuntis. Ang sagot ay.. ikaw ay apat na buwan at apat na linggong buntis. Kapag natapos mo ang linggong ito, opisyal ka ng limang buwang buntis.

 

Mga Sintomas ng pagbubuntis sa ika-22 Linggo

Ang mga karaniwang sintomas ng pagbubuntis sa ikadalawampu’t dalawang linggo dahil sa patuloy na paglaki ng kinakain na space ng iyong anak (mga anak kung ikaw ay dalawampu’t dalawang linggo buntis ng kambal) Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Stretch marks. Ang mga peklat na ito ay dahil sa mabilis na pag-stretch ng balat na nagdudulot upang magkaroon ng maliliit na punit ang ilalim na surface ng balat. Ang hindi magandang balita tungkol sa stretch marks ay hindi ito lubusang nawawala. Nagfa-fade lang ang kulay nito pagkatapos manganak kaya hindi na ito masyadong halata.
  • Pag-usli ng pusod. Ang iyong innie o papasok na pusod ay maaring lumabas at ngayon ay nagkaroon ka na ng outtie. Muli, ang lumalaking tiyan ang sanhi nito. Maaring napaka-weird nito sa pakiramdam ngunit, huwag mag-alala dahil babalik din sa innie ang iyong outtie pagkatapos mong manganak.  
  • Mas mataas na sex drive. May ilang moms-to-be na nakaramdam na mas mataas na libido pagdating ng dalawampu’t dalawang linggo ng pagbubuntis. Ito ay dahil sa mas mataas na level ng hormones sa iyong katawan.
  • Pagdami ng discharge. Ito ay dahil sa mas mataas na blood flow sa ibabang bahagi ng iyong katawan. Ang increased vaginal discharge ay dahilan para sa ilang mga nanay upang mabawasan ang kanilang sex drive. Ngunit, maari pa rin itong ma-enjoy dahil ito’y dagdag lubrication.
  • Pagmamanas ng kamay at/o paa. Ngayon na ikaw ay buntis, nagkaroon ng dagdag na fluids sa iyong katawan. Ang minor swelling ay normal lamang at mawawala kapag lumabas na ang iyong anak. Ang matindi o biglaang pagmamanas sa kabilang banda ay hindi normal. Maari itong senyales ng mapanganib na panganganak na tinatawag na preeclampsia kaya sabihin agad ito sa iyong OB kapag nakaramdam nito.
  • Pananakit ng likod. Ang iyong likod ay madalas sumakit dahil sa dagdag na pressure mula sa iyong anak, at dahil na rin sa mabigat na dinadala mo sa iyong tiyan. Makakatulong ang heating pad, prenatal massage, o pagtulog na may body pillow para mabawasan ang sakit.
  • Paglago ng buhok. Isa itong magandang sintomas. Mapapansin mo na mas lumalago ang iyong buhok sa ulo. Kung ang hair growth naman ay napansin sa ibang bahagi ng katawan, ihanda na ang tiyane upang alisin ito. Ang mataas na hormone levels ang dahilan kung bakit biglaang nagkakaroon ng hair growth ang buntis.
  • Hirap sa paghinga. Habang patuloy na lumalapit ang iyong baby sa iyong lungs, mas lalo kang mahihirapan huminga. Magdahan-dahan lamang sa iyong page-ehersisyo at kung makaramdam ng pagod ay agad magpahinga.

Checklist para sa ika-22 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • Mag-desisyon sa kukuning maternity photographer
  • Decision point: Ipapasok sa Day Care o kukuha ng Yaya?
  • Magtanong sa iyong doktor tungkol sa second trimester

Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO