Pagbubuntis sa Ika-5 Buwan

Tagal ng pagbabasa: 6 minuto

Pagbubuntis sa Ika-5 Buwan: Ang Paglaki ni Baby at Mga Pagbabago Kay Nanay!

Bawat buntis ay may iba’t ibang paraan ng pagbabago sa kanilang mga katawan sa buong panahon ng kanilang pagbubuntis. Pero, malamang na halata na ang tiyan mo sa pagsapit ng iyong ikalimang buwan ng pagbubuntis. Sa buwang ito, pag-aralan mo na kung paano ka makakapag-adjust sa pisikal na mga pagbabago na dala ng iyong pagbubuntis.

Mga pangunahing mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-5 buwan

Baka may natitira ka pang extrang lakas na nagmula pa noong pagsisimula ng ikalawang trimester, at sinasabi ng ilang buntis na ito raw ang pinakamasayang yugto ng pagbubuntis. Pero posible ring makaranas ka ng nakakainis na mga sintomas sa ikalimang buwan ng iyong pagbubuntis, tulad ng mga sumusunod:

  • Pangangati ng balat
  • Pagkakaroon ng stretch marks
  • Paglitaw ng varicose veins
  • Kahirapan o kinakapos na paghinga
  • Pamamaga ng mga paa at kamay
  • Pananakit ng likod
  • Kabag
  • Madalas na pag-utot
  • Pagiging acidic
  • Kahirapan sa pagdumi
  • Pagiging matakaw
  • Kahirapan sa paghahanap ng komportableng posisyon sa pagtulog

Tandaan lamang na ang mga sintomas ng pagbubuntis ay normal, at malamang na hindi mo naman ito mararanasan ng sabay –sabay.

Mga pagbabago sa loob at labas ng tiyan  sa buwang ito

Unti-unti nang nagkakaroon ng bigat si baby at ang kanyang mukha ay unti-unti na ring nakokompleto. Medyo malawak pa rin naman ang espasyo na maari nyang galawan sa loob ng matris ni nanay, kaya mararamdaman mo ang pagsipa, pagsuntok at pagpagulong gulong  ni baby. Ang ganitong mga paggalaw ay patunay lamang na malusog si baby, pero kung minsan, baka maramdaman mong nakakainis at sagabal ito sa iyo lalo na kung gustong-gusto mo nang matulog sa gabi.

Para sa Nanay: Maraming bagay ang dapat na ipagsaya sa buwang ito ng iyong pagbubuntis. Sa katunayan,  may mga buntis na naniniwala na mas maganda sila ngayong buntis. Mas lalaki na ngayon ang tiyan mo, na siyang magiging dahilan ng hindi magandang mga sintomas at pakiramdam, pero hindi pa naman ito sobra kalaki na hindi ka na makakakilos ng maayos. Pero habang lumalaki ang tiyan mo, uusli rin ang iyong pusod. Magkakaroon  din ng mga pagbabago sa texture at kulay ng iyong kuko.

Mga pagbabago sa ika-17 linggo ng pagbubuntis

Sa linggong ito, magkakaroon na si baby ng kulay brown na layer ng taba sa ilalim ng kanyang balat. Dadami ang mga layer na ito ng taba habang tumatagal. Magbibigay ito sa kanya ng dagdag na lakas at init sa panahon na naipanganak na siya. Magsisismula na ring magpalabas ng oil glands ng vermix, isang puti at makagkit na likido na tumutulong sa katawan sa pagpapanatili ng tamang temperatura.

Sa puntong ito, ang iyong baby ay nagiging mas aktibo na sa kanyang amniotic sac. Baka hindi mo masyadong nararamdaman ang kanyang mga paggalaw, pero mararamdaman mo ang kanyang paggalaw at paggulong sa susunod na mga linggo.

Alam mo ba na ang baby ay tinutubuan na ng kuko sa linggong ito? Sa katapusan ng buwan, ang kuko niya ay mahaba na! Kung minsan, kailangan putulan agad ng kuko ang sanggol pagkatapos na maisilang.

Para sa Nanay. Baka napapansin mo na ang mga pagbabago sa dibdib mo. Mas maraming dugo ang dumadaloy sa mga ito bilang paghahanda ng katawan sa nalalapit nitong pagpapalabas ng gatas. Baka kailanganin mo nang bumili ng mas malaking bra para maging komportable ka sa pagbabagong ito.

Ang placenta o inunan ay mas lumalaki na ngayon para makapagbigay ng tamang dami ng oxygen at sustansya sa lumalaking baby, habang tumutulong na mapalabas ang mga dumi galing sa sanggol.

Posible rin na nararamdaman mo na ang ilan sa mga paggalaw ng baby mo sa mga panahong ito.

Napansin mo bang parang lumaki ng kaunti ang iyong mga paa at mga kamay? Dahil yan sa iyong pagtaba at pamamaga na kung tawagin ay edema na dahil sa sobrang tubig na naiipon sa katawan dahil sa iyong pagbubuntis. Maaari mong ibabad sa malamig na tubig ang mga paa mo o kaya ay itaas mo ang mga ito maging komportable ka.

 

Mga kaganapan sa ika-18 linggo ng pagbubuntis

Ilang linggo nang nabubuo na ang digestive system ni baby. Nakakalulunok na rin siya ng amniotic fluid na nakapapasok sa kanyang katawan sa pamamagitan ng kanyang sikmura at mga bituka. Ang amniotic fluid ay humahalo sa dead cells at secretions at nakabubuo ng maitim na bagay na kung tawagin ay meconium, na siyang makikita mo sa unang pagkakataon na magpapalit ka ng diaper ni baby.

Sa ika-18 linggo ay mas magiging halata na ang tenga ni baby. Dito rin sa yugtong ito magsisimula siyang makarinig ng mga tunog.

Para sa nanay. Kung ito ang kauna-unahang pagbubuntis mo, malamang na malapit mo nang maramdaman ang paggalaw ni baby. Habang lumalaki si baby, mapapansin mong mas lalong lumalakas ang kangyang sipa sa pagsapit ng ilang mga linggo. Dahil sa hindi naman parepareho ang mga nanay, baka maramdaman mo ng mas maaga ang kanyang paggalaw. Pero kung hindi mo ito maramdaman agad sa ika-18 linggo mo, huwag kang masyadong mag-alala. Hintay-hintayin mo lang!

Sa yugtong ito ng iyong pagbubuntis,  ang iyong katawan ay makakaranas ng napakaraming mga pagbabago sa serkulasyon ng iyong dugo, tulad ng pagdami ng dugo at mabilis na paglapad ng mga ugat mo. Ito ang dahilan ng pagiging low blood ng mga buntis. Makakaramdam ka ng magaang pakiramdam sa ulo dahil sa pagbagsak ng iyong presyon.

 

Mga pagbabago sa nanay at baby sa ika-19 buwan ng pagbubuntis

Kung babae ang ipinagbubuntis mo, ang kanyang munting reproductive system ay buo na rin sa ngayon. Ang kanyang vagina, matris, at fallopian tubes ay nakaayos na at ang kanyang ovary ay nagtataglay nan g anim na milyong mga egg cell. Kapag naipanganak mo na siya, ang mga itlog na ito ay magiging isang milyon na lamang.

Kung lalaki naman ang iyong ipagbubuntis, ang kanyang bayag ay buo na rin at ito ay nakapagpapalabas nan g testosterone mula pa noong ika-10 linggo ng iyong pagbubuntis. Ang kanyang ari ay patuloy na lumalaki sa yugtong ito.

Sa panahong ito, ang balat ni baby ay nagsisimula nang magpalabas ng malagkit na likido na kung tawagin ay vernix caseosa. Ang likidong ito ay gawa sa oil, dead cells at maliliit na buhok, pinoprotektahan ng vermix ang balat ng baby sa masamang epekto ng pagpalutang-lutang sa amniotic fluid. Karamihan sa mga ito ay nawawala bago ang pagsilang, ngunit ang ilan sa mga sanggol na premature ay nababalot parin ng vernix paglabas niya sa sinapupunan.

May sleeping pattern na rin ang baby mo. Matutulog na siya ng regular at magigising sa dahil sa mga kaluskos at ingay sa labas.

Tinutubuan na rin ng kuko ang iyong mumunting anghel sa yugtong ito ng kanyang paglaki.

Para sa Nanay. Kung naka 19 linggo ka na nang pagbubuntis, halos nasa kalagitnaan ka na ng iyong adventure bilang buntis. Sa linggong ito makakaramdam ka ng mas maraming mga pananakit at pagkirot dahil sa palaki na ng palaki ang tiyan mo, at namamaga na ang iyong mga paa dahil sa edema. Baka nahihilo ka pa nga, barado ang ilong at nahihirapan dahil sa pananakit ng iyong likod. Pero, ang lahat ng mga paghihirap na iyan ay napapalitan ng sobrang saya at excitement kapag nararamdaman mo ang malakas na pagsipa at pagpagulong-gulong ni baby.

Ika-20 linggo ng pagbubuntis: Ano ang mga dapat asahan?

Dahil sa ika-20 linggo ng iyong pagbubuntis, 20 linggo ka na ring nagsasakripisyo bilang nanay. Alam mo ba na marami kang dapat na i-celebrate sa yugtong ito ng iyong pagbubuntis? Narito ang ilan sa mga dapat mong ipagsaya ngayong linggong ito. Una, ang iyong baby ay mas nagiging mukhang tao na ngayon, dahil sa nabubuo na ang ilan sa mahahalagang sangkap tulad ng kanyang ilong.

Marunong na rin siyang sumipsip, malapit na niyang sipsipin ang kanyang hinlalaki sometime ngayong linggo. Mabilis na nadedevelop ang kanyang utak, lalong-lalo na ang bahagi nito na kumukontrol sa kanyang mga senses.

Sa linggo ding ito sinasabi ng mga dalubhasa na ang digestive sytem ng iyong baby ay nagsisimula nang makapag-produce ng malagkit na bagay na kung tawagin ay meconium, ang kanyang naipong dumi sa buong panahon na nasa sinapupunan siya. Kadalasan nang ilalabas ni baby ang meconium pagkalabas niya sa sinapupunan. Kaya mapapansin mong kulay itim ang dumi ni baby sa loob ng ilang araw.

Para sa Nanay. Nararamdaman mo na ba ang mga paggalaw at pagsipa ni baby? Ang tawag diyan ay quickening. Kung kalian ito mararamdaman  at ano mismo ang mararamdaman ay hindi pare-pareho sa nanay na buntis. Sa susunod na mga linggo, mararamdaman mo na sumisinok na si baby!

 

Checklist para sa ika-5 buwan ng pagbubuntis

Magpa-enrol sa prenatal classes: Pag-isipan ang pagpapa-lista sa prenatal classes na maaaring magsimula sa susunod na buwan para sa iyo. Sumali ka sa mga ito para makakuha ka ng mga impormasyong makatutulong sa iyong pagbubuntis at panganganak.

Kausapin si baby: Sa panahong ito natututo na si baby na kilalanin ang mga mga tunog at boses dahil mas nakakarinig na siya ngayon, ugaliin ang pakikipag-usap sa kanya. Mas maganda kung magbabasa ka ng kwento araw-araw.

Alamin ang mga palatandaan ng maagang pag-labor: Ngayon na ang panahon na kailangan mong bantayan ang mga senyales o palatandaan ng preterm labor o maaagang panganganak. Tumawag agad sa doktor o pumunta sa emergency room kung sa tingin mo ay naglalabor ka na nang hindi pa naman tama sa panahon.

Gamitin ang extrang lakas: Gamitin mong oportunidad ang pagkakaroon mo nang extrang kalakasan na malamang na sintomas pa rin ng ikalawang trimester ng iyong pagdadalang tao. Pwede kang mag-excersise, magbyahe, maglinis at prepare ng bahay pa sa nalalapit na paglabas ni baby o kahit na anong pwede mong pagbusyhan na hindi naman makakasama kay baby.

Kumain ng mabuti: Mabilis na lumalaki si baby sa yugtong ito kaya malamang na palagi mong nararamdaman na gutom na gutom ka. Hindi ito ang panahon na magdiet! Kumain ka nang mabuti! Piliin mo ang masusustansyang pagkain para mabusog ka, at maging malusog si baby!

 

Pagbubuntis sa Ika-5 Buwan
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO