Pagbubuntis sa Ika-4 Buwan

Tagal ng pagbabasa: 6 minuto

Mga Bagay na Dapat Mong Malaman at Asahan sa Ika-4 Buwan ng Pagbubuntis

Ang ika-apat na buwan ng pagbubuntis ay isang exciting na yugti ng iyong pagiging nanay. Pag-uusapan natin sa artikulong ito ang mga dapat mong asahan sa ikaapat na buwan ng iyong pagbubuntis tulad ng paglaki ni baby, laki ng tiyan, mga sintomas ng pagbubuntis at unang ultrasound.

Pangkaraniwang mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-4 na buwan

Bagaman hindi mo naman lahat mararanasan, ang mga sintomas na babanggitin ko ay pangkaraniwan sa buwang ito ng iyong pagbubuntis.

  • Pagtaba
  • Pangangati ng balat sa tiyan at suso
  • Pagkakaroon ng stretch marks
  • Kahirapan sa paghinga
  • Matinding gutom
  • Heartburn at impatcho
  • Nadagdagang lakas
  • Paglitaw ng varicose veins
  • Pagbabago ng kulay ng balat

Sa ika-apat na buwan, baka mapansin mo na hindi masyadong mahirap ang mga sintomas na nararamdaman mo. Sa katunayan, ito ay tinatawag na honeymoon period ng pagbubuntis. Maaari mong gamitin ang panahong ito para makapaglinis ng bahay, makapamili, makabyahe, at iba pang mga gawin na nangangailangan ng lakas.

Unang ultrasound

Sa buwang ito maaaring hilingin ng doktor mo na sumailalim ka sa iyong kauna-unahang ultrasound check. Makikita ng doktor mo sa pagsusuring ito kung ang lahat ng bagay ay nasa ayos, kapwa sa nanay at sa baby.

Sa ultrasound na ito maaari mo nang malaman ang kasarian ng iyong baby. Kaya kung gusto mo nang malaman kung lalaki ba siya o babae, pwede mo na itong irequest sa doktor mo. Makakatulong ito saiyo para makapaghanda na nang maaga kung anong mga gamit ang bibilhin para sa baby mo. Panahon na rin para makapag-isip ng pangalan para kay baby.

Mga pagbabago sa loob at labas ng tiyan sa ika-4 buwan ng pagbubuntis

Bagaman maliit pa rin si baby, nabubuo na ang lahat ng kanyang mga features – kahit na ang kanyang kilay at pilik mata ay kita na sa panahon na ito. Sa ikaapat na buwan, kita na rin ang kanyang unique na fingertips. May buhok na rin siya sa ulo! Wow! Ang bilis!

Humihikab at dumidighay na rin si baby – nakakapagod rin kasi ang paglaki.

Sa ikaapat na buwan ng pagbubuntis, malamang na maramdaman mo na ang kauna-unahang paggalaw ng iyong baby. Parang may mga paruparong lumilipad lipad sa tiyan mo. Talaga naming nakaka-excite ang experience na ito!

Mapapansin mo ring medyo mahirap ang huminga sa buwan na ito. Ang sintomas na ito ay dahil sa patuloy na paglaki ni baby na nagbibigay ng pressure sa lungs. Ang pressure na ito ay mababawasan rin kapag bumaba na si baby, bago ang panganganak.

Mas mapapansin na ngayon ang paglaki ng iyong tiyan, parami nang paraming mga tao ang magtatanong saiyo kung buntis ka ba o hindi.

May mga buntis na nagkakaroon ng mas makapal na buhok sa ulo at mukha dahil sa mga pagbabago sa hormones ng nanay.

Paglaki ni baby sa ika-13 na linggo ng pagbubuntis

Ngayon na nabuo na ang lahat na importanteng mga bahagi ng katawan ni baby, ang kanyang mga organs ay nagsisimula na rin magtrabaho. Halimbawa, ang kanyang atay ay nagpapalabas nang bile, ang kanyang lapay ay nakapagpapalabas na ng insulin, at ang kidney ay nakapaglalabas na rin ng dumi sa kanyang katawan. Pumapasok na rin ng paunti-unti ang kanyang bituka na dati ay nakakabit sa kanyang pusod.

Sa ngayon, ang kanyang ulo ay kasing laki mismo ng kanyang katawan. Sa pagdaan ng panahon, ang kanyang katawan ay mabilis na lalaki para naman makahabol sa laki ng ulo. Magiging ¼ na lang ng laki ng katawan ang ulo pagdating ng araw ng panganganak.

Para sa Nanay. Welcome sa ikalawang trimester ng iyong pagbubuntis! Sinasabi ng ilang mga buntis na ang yugtong ito ay honeymoon period, ang mga mahihirap na mga sintomas tulad ng pagkapagod, pagkahilo at pagduduwal kasama na ang mas madalas na pag-ihi ay titigil na sa buwang ito. May ilan nga na nakakaramdam na sila ay may ekstang lakas sa mga panahong ito.

Isang dahilan kung bakit napapansin na buntis ka ay ang paglaki ng iyong waistline. Baka kailangan mo nang magsuot ng maternity dress sa panahong ito. Makakatulong ito saiyo na maging komportable habang ikaw ay buntis.

Mahahalagang pangyayari sa ika-14 linggo ng pagbubuntis

Sa linggong ito nagsisimula nang bumuka at sumara. Nagsisimula na ring lumunok at sumipsip si baby. Dahil yan sa mabilis na development ng facial muscles ng baby!

Nabubuo na rin ang mahahalagang bahagi ng katawan ni baby na kailangan upang makapagsalita tulad ng esophagus, windpipe, larynx at vocal cords na kailangan para sa unang pag-iyak ni baby after birth.

Sa yugtong ito nasa tamang lugar na ang mga mata ni baby. Ang tainga niya ay wala na rin sa leeg at nasa tagiliran na ng kanyang ulo. Kumpleto na rin ang kanyang  panga, at ang kanyang ngala-ngala ay nagsisimula na ring mag-function.

Para sa Nanay. Oobserbahan ng doktor mo ang laki ng matris mo sa bawat pagkakataon na magbibisita ka sa kanya para sa checkup. Kadalasan, ang laki ng matris mo ay depende sa kung nakakailang linggo ka na.

Barado ba ang ilong mo? Ang hormone na progesterone ang dapat na sisihin sa tinatawag na pregnancy rhinitis. Ang pagdami ng sirkulasyon ng dugo sa mucus membranes ng ilong ay siyang dahilan ng pamamaga nito.

Walang gamot sa ganitong pagbabara, pero pwede kang gumamit ng humidifier o ibang over the counter na gamot. Pero tandaan na dapat kang umiwas sa mga gamot na hindi pwede sa mga buntis. Itanong sa pharmacist kung ano ang pwede at hindi pwede.

Development ni baby sa ika-15 linggo ng pagbubuntis

Ang hair pattern ni baby ay establisado na ngayong linggo, pero hindi sigurado kung lalabas ba siyang may buhok o kalbo. Tinutubuan na rin ng pinong buhok sa buong katawan si baby, na kung tawagin ay lanugo. Proteksyon ito para hindi mairita ng amniotic fluid ang sensitibong balat ni baby at mawawala ito bago o pagkatapos siyang maipanganak.

Sa ilalim ng lanugo ay ang manipis na layer ng balat. Sa sobrang nipis nito ay makikita ang mga ugat na nagtatrabaho sa pag-deliver ng dugo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ang bibig ni baby ay patuloy sa pag-develop at ang mukha ni baby ay mas nakakagalaw na sa ngayon.

Para sa Nanay. Maraming mga nanay ang nakararamdam na parang mayroon silang ekstrang lakas sa yugtong ito ng pagbubuntis. Kaya kung is aka sa mga buntis na nabiyayaan ng ekstrang lakas, maswerte ka! Eenjoy mo ito! Maglakad-lakad, magtanim ng bulaklak at magsimula nang magsaayos ng kwarto ni baby.

Ang pamamaga ng mga kamay at paa, na tinatawag ding edema ay dahil sa pagdami ng dugo sa katawan at sa pressure ng lumalaking matris. Ang banayad na ehersisyo ay isang mabisang paraan para mapakalma ang pamamaga. Kung ang pamamaga ay magkataon na tumubo sa mukha, kumunsulta ka agad sa iyong doktor.

Pagbabago sa baby mo pagsapit ng ika-16 linggo ng pagbubuntis

Naigagalaw na ni baby ang kanyang leeg at ulo dahil sa paglakas ng kanyang mga kalamnan.

Tulad nang mapapansin mo, ang paghiga o pagtulog nang nakadapa ay mukhang imposible na sa ngayon. May mga nagsasabi rin na ang pagtulog na nakadapa kung ikaw ay buntis ay nagdaragdag ng pressure sa puso na magiging sagabal sa maayos na pagbomba nito. Kaya, mas makabubuting matulog ka nalang ng nakatagilid.  Ang pagtulog sa ganitong posisyon ay nakatutulong saiyo na mapaganda ang sirkulasyon ay makaiwas sa pagkaroon ng edema o pamamanas at varicose veins.

Kinakapos ka ba ng paghinga kahit naglakad ka lamang naman papuntang kabilang kwarto? Ang mga hormones sa pagbubuntis ay siyang dahilan kung bakit naiipon ang tubig sa baga na siyang dahilan ng kahirapan sa paghinga. Hindi magtatagal, ang iyong lumalaking matris ay magdaragdag ng pressure na siyang magpapasikip sa espayong ginagalawan ng iyong baga.

Ngayon na rin ang tamang panahon para magpatingin sa iyong doktor at makipag-usap tungkol sa mga benepisyo side effects ng pagpapasuri sa AFP o alpha-fetoprotein. Ang test na ito ay simpleng pagsusuri sa dugo para matukoy ang ilang birth defects tulad ng Down syndrome at spina bifida, at dapat na isagawa sa ika-16 at 18 linggo.

Dapat gawin: Ito na ang panahong ma-eenjoy mo ang iyong pagbubuntis! Ang pangit na mga sintomas na dala ng unang mga linggo ng pagbubuntis ay mapapalitan ng karagdagang lakas. Maglakad-lakad, magswimming at magpa-enrol sa yoga class. Ngayon mas mukha ka nang buntis, regaluhan mo ang sarili mo ng bagong mga damit na pambuntis!

Pregnancy checklist para ika-4 buwan ng pagbubuntis

Magpa-ultrasound – Sa buwang ito maaari ka nang magpa-ultrasound, makikita ng doktor mo ang kalagayan ng iyong dinadala sa pamamagitan ng pagsusuring ito. Magbasa tungkol sa 3D at 4D ultrasound at kung anong opsyon ang available para saiyo.

Alamin ang kasarian ni baby: Kung gusto mo nang malaman ang kasarian ni baby, pwede na ito! Pag-isipan kung sasabihin mo na ba sa mga kaibigan at mga kapamilya ang balita o gagawin ninyong surprize hanggang sa ikaw ay makapanganak.

Maghanap ng mga damit na pambuntis:  Bagaman hindi mo pa naman kailangan na magsuot ng maternity dress para sa buo mong outfit, baka masikip na ang mga pantalon mo. Kaya ito na ang tamang panahon para makapamili ka na ng damit pambuntis. Pwede kang mamili sa pamilihan malapit sa inyo o mag-order online.

Makaka-experience  ka rin ng matinding gutom, mas matindi sa dati mong nararamdaman. Pero tandaan, bagaman normal lang na makaramdam ka ng matinding gutom at uhaw, mahalagang i-maintain mo pa rin ang iyong balance diet. Makipag-usap sa doktor mo kung anong uri ng diet ang nararapat sa katulad mong buntis

Magbakasyon! Gamitin ang ikalawang trimester sa pagliliwaliw. Total, hindi pa naman masyadong malaki ang iyong tiyan at may extrang lakas ka buwang ito, wala na rin ang pagsusuka tuwing umaga. Kung ito ang kauna-unahang baby ninyo, ito na ang panahon para maenjoy ninyo ang pagsasamahan sa isa’t isa bago pa man dumating ang inyong anak.

Pagbubuntis sa Ika-4 Buwan
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO