Search

Paano Malalaman Kung Ikaw ay Baog? Mga Sintomas, Lunas at Sanhi

Paano Malalaman Kung Ikaw ay Baog? Mga Sintomas, Lunas at Sanhi

Ang pagka-baog ay labis na nagbibigay kalungkutan sa mga mag-asawang gustong magka-anak at bumuo ng pamilya. Tinatayang isa sa limang lalaki o babae ay baog. Ang nakakabahala pa ay ang mga sintomas ng baog, minsan, ay hindi napapansin.

Kung ikaw ay nagnanais na makabuo ng bata at sa iyong palagay ay hindi ka makabuo dahil mayroong problema sa iyo o sa iyong asawa, narito na ang mga sintomas ng baog para sa mga kababaihan at kalalakihan na dapat mong bigyang-pansin. Tatalakayin din natin ang sanhi ng pagkabaog at mga lunas.

Paano malalaman kung baog ang isang babae?

Hindi normal ang menstrual cycle

Para sa mga kababaihan, ang pagkakaroon ng irregular na menstrual cycle ay isang sintomas ng pagkabaog. Ang normal na cycle para sa isang babae ay pagkakaroon ng dalaw sa loob ng 28 na araw. Mayroon namang mga kababaihan na nakakaranas ng 35-day cycle. Hangga’t ang babae ay nagkakaroon ng dalaw buwan-buwan sa loob ng cycle na ito, ito ay normal na cycle.

Subalit kapag ang babae ay hindi dinadalaw buwan-buwan at nahihirapang hulaan kung anong linggo siya dadalawin, maaring sintomas na ito ng polycycstic ovarian syndrome na nagdudulot ng pagkabaog.

Lubhang pagsakit ng puson

Normal na sa mga babae ang bahagyang pagsakit ng pusod kapag sila ay may dalaw. Ngunit ang lubang pagsakit ng puson, pagkahilo, at pagsusuka na nakakabaala na sa araw-araw na gawain ng isang babae ay maaring isang sintomas ng baog na babae. Sa ganitong sitwasyon, maaaring bisitahin ang iyong doktor upang malaman kaagad ang problema.

Hindi na dinadalaw

Normal na sa mga babae ang hindi dinadalaw ng kanilang regla kapag sila ay nakakaranas ng sobrang stress sa trabaho o paaralan. Kung napapansin mong ilang buwan ka nang hindi dinadalaw ng iyong regla kahit na wala kang problemang kinakaharap, bisitahin kaagad ang iyong doktor upang ma-check dahil ito ay isang sintomas ng baog na babae.

Hormone fluctuations

Ang hormone fluctuations ay isa sa mga sanhi ng pagkabaog. Upang malaman kung ikaw ay nakakaranas ng hormone fluctuations, maaaring basehan ang sumusunod na sintomas:

  • Isyu sa balat.
  • Kawalang gana sa pagtatalik.
  • Pagtubo ng mga balahibo sa mukha.
  • Pagkalagas ng buhok.
  • Pagbigat ng timbang.

Sakit kapag nakikipagtalik

May mga babaeng nakakaranas ng sakit kapag sila ay nakikipagtalik. Ang nararamdamang sakit kapag nakakapagtalik ay hindi normal. Ito ay maaaring dulot ng isyu sa iyong hormones o di kaya’y endometriosis na maaring sanhi ng iyong pagkabaog.

Ang mga sintomas na ito ay iyong magiging gabay kung paano malalaman kung baog ang isag babae. Hangga’t maaari, huwag balewalain ang mga sintomas at bisitahin kaagad ang iyong doktor upang malaman kung ano ang sanhi nito.

sintomas ng baog na babae

Paano malalaman kung baog ang lalaki?

Pamamaga ng bayag

Ang pagsakit at pamamaga ng bayag ay dulot ng pagkabaog. Huwag balewalain kung ang iyong bayag ay namamaga o sumasakit dahil maaari itong magdulot ng isang mas komplikadong sakit maliban sa pagkabaog.

Problema sa pagpapatigas ng titi

Sa pakikipagtalik, ang mataas na level ng iyong hormone ang labis na nakakapagtigas ng iyong ari. Kung ikaw ay nagkakaroon ng problema sa pagpapatigas ng iyong ari, maaaring mababa ang level ng iyong hormone. Ito ay tinatawag ng erectile dysfunction na madalas ay sintomas ng baog na lalaki.

Isyu sa paglalabas ng tamod

Kung nahihirapan kang labasan kahit na ilang oras ka nang nakikipagtalik o nagmamasturbate, isa itong sintomas na ikaw ay nakakaranas ng pagkabaog. Habang maagad pa, ikonsulta kaagad ito sa iyong doktor upang masuri at malaman ang iyong kalagayan.

Maliliit na bayag

Ang tamod ay matatagpuan sa bayag kaya naman kailangang ito ay palaging malusog at malinis. Kung napapansin mong labis ang pagkaliit ng iyong bayag, maari itong sintomas ng pagkabaog dahil hindi kaya ng iyong katawan na maglabas ng sapat na tamod upang makabuntis ng isang babae.

Kaunting tamod na inilalabas

Subukan mong mag-masturbate at tingnan kung gaano karami ang tamod na iyong inilalabas. May mga lalaking halos talsik na lamang ang inilalabas na tamod dahil sa kanilang pagka-baog. Kung sa tingin mo ay masyadong kaunti ang iyong inilalabas na tamod, ikonsulta kaagad sa iyong doktor.

Walang pang-amoy

Isa din sa mga sintomas ng pagkabaog ay kawalan ng kakayahan upang umamoy. Kung ikaw ay nakakaranas ng ganitong kalagayan, maaaring wala ka ring kakayahan upang makabuo ng bata.

Pagkakaroon ng genycomastia

Hindi normal sa mga lalaki ang pagkakaroon ng malalaking suso. Kaya naman kung sa tingin mo ang iyong mga utong ay masyadong malaki para sa isang normal na lalaki, maaaring ikaw ay nakakaranas ng genycomastia. Ang gynecomastia ay isang dahilan ng pagkabaog ng isang lalaki kaya naman hangga’t maaga pa ay magpa-konsulta ka na.

Hindi pagtubo ng balahibo sa mukha at katawan

Isa sa mga paraan kung paano malalaman kung baog ang isang lalaki ay ang pagsusuri sa mga balahibo sa katawan. Normal na sa mga lalaki ang tubuan ng mga balahibo sa mukha subalit kung napapansin mong halos hindi ka tinutubuan ng balahibo, maaaring dulot ito ng abnormal na lebel ng hormones sa iyong katawan. Ang mababang level ng hormone ay isa sa mga dahilan ng pagkabaog ng isang lalaki.

Impeksiyon sa ari

Ang pagkakaroon ng mga komplikasyon sa iyong ari ay maaaring sanhi ng iyong pagkabaog. Mahalagang malusog ang iyong ari upang makabuo ng bata at makapaglabas ng sapat na tamod na makakabuntis sa babae. Kaya naman kung sa tingin mo ay hindi na normal ang kalusugan ng iyong ari ay magpa-konsulta kaagad sa doktor.

Iba’t-ibang paraan ang isinasagawa ngayong ng medikal na teknolohiya upang suriin kung baog ang isang babae o lalaki. Huwag mangamba dahil 50 percent ng mga mag-asawa na baog ay nakakabuo pa rin ng bata gamit ang iba’t ibang pang-lunas.

Ang mga sintomas na aming nabanggit ay hindi dapat balewalain, lalong-lalo na kung balak mo nang bumuo ng pamilya. Mahalagang panatilihin ang kalusugan at humingi ng payo sa iyong doktor kung ikaw at iyong asawa ay gustong magka-anak, kahit na ang isa sa inyo ay may deperensiya. Nakakalungkot isipin ngunit ang pagkabaog ay isa nang normal na suliranin sa mga mag-asawa, kaya ano pang hinihintay mo? Magpa-konsulta na!

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Paano Malalaman Kung Ikaw ay Baog? Mga Sintomas, Lunas at Sanhi
3.9 (77.5%) 8 votes