Search

Bakit Sumasakit ang Puson at Balakang ng isang Buntis?

Bakit Sumasakit ang Puson at Balakang ng isang Buntis?

Ang pananakit ng balakang sa panahon ng pagbubuntis ay karaniwang problema na mararanasan ng kababaihan. Ito ay mangyayari kadalasan lalo na kapag kabuwanan na ng kanilang panganganak dahil inihahanda na ng katawan ang sarili sa panganganak. Mas masakit ang maramdaman sa gilid kung saan nakasandal ang bata sa matris.

Normal na dahilan ng pananakit ng puson at balakang

Sa panahon ng pagbubuntis ang katawan ay maglalabas ng mga hormone na tinatawag na progesterone, nagpaparelaks at nagpapalambot ito sa nagkakaugnay-ugnay na mga tisyu. Ang resulta, ang mga kasukasuan at mga ligamento na nasa gitna o nakakabit sa mga buto ng balakang papunta sa gulugod ay lumuluwag. Ang pagbabaluktot ng mga butong ito ay kailangan para ang bata ay makakilos sa loob ng matris sa panahon ng panganganak. Pakiramdam ng buntis na hindi na gaanong matatag ang kanyang balakang at sumasakit ito sa mga panahon na naglalakad, tumayo, nakaupo ng matagal o iba pang mga gawain.

Habang dumadami ang hormone na progesterone, pahihinain nito ang buong tiyan at bituka, at humihina din ang pagdaloy ng mga pagkain na dumadaan dito. Dahil mahina ang katawan, ang mga hangin na pumapasok ay hirap niyang mapaglabanan kaya ang mangyari ay sumasakit ang puson at balakang ng buntis. At dahil may puwersang dumiriin sa kanyang mga ugat ng nerbiyo o nerve root ng sciatic nerve, maramdaman ng buntis ang pagsakit ng kanyang balakang. Ang dalawang sciatic nerve sa katawan ay mula sa balakang hanggang paa.

Ang isa pang posibleng dahilan na sumasakit ang puson at balakang ng buntis lalo na sa panahon ng ikaapat na buwan ng pagbubuntis, ay ang round ligament pain, ang matinding sakit sa puson, balakang, at singit. Ito ay normal sa isang buntis dahil sa maraming pagbabago na kanyang mararanasan habang lumalaki ang bata sa kanyang matris. Ang mga organo sa katawan ay patuloy sa kanyang kalagayan na pabagobago, ang matris ay lumalaki at ang mga litid nito ay umuunat.

Kapag ang lumalaking matris ay magdiriin sa mga nerbiyo, maramdaman niya ang sakit, pamamanhid, o pangingilig sa kanyang puwit, balakang, at hita. Habang papalapit na ang panganganak, magbabago ng posisyon ang bata sa matris, at sa panahong ito medyo mabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman. Kapag kambal o higit pa ang sanggol sa tiyan ay makadagdag din ng sakit sa balakang.

Ang pinaka-karaniwang dahilan kung bakit sumasakit ang puson at balakang ng buntis ay ang posterior pelvic pain, na mararamdaman sa likod ng balakang. Magsimula itong sumakit kapag lumalakad, o umakyat sa hagdan. Ang babaeng buntis na mayroong posterior pelvic pain ay malamang na makakaramdam din ng sakit sa puson.

Hindi pangkaraniwang dahilan ng pananakit ng puson at balakang

Kung ikaw ay nakakaranas ng ectopic pregnancy, kung saan ang bagong-pertilisadong itlog ay lumaki sa loob ng isang Fallopian tube, o maaaring maglakbay papunta sa bahay-bata. Mararanasan mo na sumasakit ang iyong puson at balakang at dapat ka talagang pumunta kaagad sa iyong ob-gyn dahil baka ito ay simtoma ng pagkalaglag ng bata na iyong dinadala.

Pagkatapos ng ikalimang buwan ng pagbubuntis maaaring magkaroon ka ng preeclampsia, isang malubhang komplikasyon na kasama sa mga sintomas ang biglang pagtaas ng presyon ng dugo, matinding pananakit ng ulo, at edema o pamamanas (sobrang likido sa mga tisyu ng katawan). Ito ang dahilan kung bakit palaging inaalam ng doctor ang iyong blood pressure. Kapag malala ang iyong preeclampsia, sasabayan ito ng pananakit sa ibabaw ng puson sa kanang bahagi. Kung pakiramdam mo na mayroon kang preeclampsia, komunsulta kaagad sa iyong ob-gyn.

Kung ang problema ay dahil sa Appendicitis, kadalasan ay mararamdaman mo ang sakit sa gawing ibaba ng puson sa kanang bahagi, pero kapag ikaw ay buntis, maramdaman mo ang sakit nito sa mas mataas na bahagi ng iyong puson.

Mga hakbang na dapat gawin

Alamin ang dahilan kung bakit sumasakit ang puson at balakang sa panahon ng pagbubuntis at alamin kung ang mga simtomas ay normal lang o kailangan na magpasuri kaagad sa doctor.

Ang ehersisyo na magpapalakas ng iyong kalamnan sa likod at puson ay makakatulong upang mabawasan ang pananakit ng iyong balakang. Ang isang ehersisyo na nakapagpaluwag ng sakit sa balakang ay ang pag-aangat ng iyong balakang na mas mataas sa iyong dibdib habang nakahiga ng ilang minuto. Ang pagkaligo ng mainit-init o mag-warm compress sa parte na masakit ay makakapawi rin ng sakit.

Kapag malapit na ang iyong panganganak, mas mabuti kung matutulog ka nang nakatagilid at ang iyong mga binti at mga tuhod ay nakabaluktot. Gumamit ng mga unan upang umalalay sa iyong puson at hita nang makakatulong na maayos ang iyong pakiramdam habang natutulog. Pero, kung nararamdaman mo ang sakit habang nakahiga na patagilid, maglagay ka ng unan o kaya kumot sa iyong likod at matutulog habang sinasandalan ito.

Kailangan mong kumain ng madalas ngunit paunti-unti lang, kailangan ang tamang ehersisyo at regular, piliin na kainin ang matataas sa fiber gaya ng prutas, gulay, at darak, uminom ng maraming tubig, huwag magpigil ng pag-ihi, at higit sa lahat ay ang tamang pahinga.

Ang Urinary Tract Infection (UTI) ay makapagdulot din ng sakit sa puson. Kaya ang buntis ay dapat na mag-ingat na maiwasan ang UTI, at isa sa mga dahilan na magka-UTI ay dahil sa paggamit ng CR, lalo na sa pampublikong palikuran dahil kadalasan ito ay hindi malinis, kahit na ito ay mukhang malinis tingnan hindi dapat umupo sa isang toilet bowl kapag umiihi dahil ang buntis ay sensitibo sa mga mikrobyo na maaaring magdulot ng Urinary Tract Infection (UTI).

Regular at patuluyang pagkilos

Kadalasan, kapag masakit ang iyong likod ay mas gugustohin mo pang magpahinga sa kama sa halip na mag-ehersisyo. Pero, huwag mong hayaang manatili ka sa iyong kama ng matagal dahil hindi ito makatutulong na mawala ang sakit ng iyong balakang at baka ang ehersisyo talaga ang kailangan mo. Pero bago mo simulan ang pag-ehersisyo dapat ka munang komunsulta sa iyong doctor dahil may mga buntis na ang kalagayan nila ay limitado lamang ang mga gawain na dapat nilang gawin o talagang hindi sila puwedeng mag-ehersisyo.

Kailangang gawin ang simpleng ehersisyo tulad ng pagbubuhat, pag-uunat, paglalangoy, at paglalakad. Bigyang pansin ang iyong pustura, tumayo ka nang matuwid at kahit kung ikaw ay nakaupo dapat na matuwid ang iyong katawan. Sumasakit ang puson at balakang ng buntis lalo na kapag wala siyang masyadong ginagawa o laging nakaupo at mahina ang kalamnan sa puson at balakang.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Bakit Sumasakit ang Puson at Balakang ng isang Buntis?
1 (20%) 1 vote