Alamin Kung Ilang Araw Tumatagal ang Spotting ng Buntis

Siguradog pamilyar ka na sa salitang ‘spotting.’ Kung nasa tamang edad ka na para magkaroong ng buwanang dalaw o menstruation, minsan nang nagbuntis, may asawa, o kasalukuhang nagdadalantao, alam mo tiyak kung ano ang ‘spotting’. Hindi mo naman kinakailangang maranasang mag-spotting, lalo na kung ikaw ay buntis. Subalit dapat malaman mo kung ano ang nagiging sanhi ng ganitong karamdaman at paano ito maiiwasan. Higit sa lahat, importanteng malaman mo kung ilang araw tumatagal ang spotting habang buntis.

Sa artikulong ito, mas maiintindihan mo kung ano ang kundisyong ito. Ang mga importanteng impormasyong matutuklasan mo rito ay ang mga sumusunod:

  • Dahilan ng spotting
  • Mga senyales ng maagang pagbubuntis
  • Ano ang spotting
  • Sanhi ng spotting
  • Ilang araw tumatagal ang spotting habang buntis
  • Mga paraan at kagamitang dapat gamitin ng buntis sa spotting at pagbubuntis
  • Mga iba pang sanhi ng spotting maliban sa maagang pagbubuntis
  • Mga panganib na dulot ng spotting

Senyales ng buntis at dahilan ng spotting

Kapag ang babae ay gustong-gusto nang magkaanak, ay lagi siyang naghihintay ng anumang senyales na siya ay buntis. Kaya lang kung minsan ang maagang pagbubuntis ay hindi kaagad napapansin. Kung minsan din, sa maagang pagbubuntis, nakakaramdam ng mga sintomas gaya tinatawag na PMS o pre-menstrual symptom. Ang pananakit ng puson, nakakaramdam ng pagod ay mga sintomas na nararamdaman ng babae bago datnan ng regla at ang mga ito ay sintomas din ng implantation (kapag ang fertilized na itlog ay dumidikit sa dingding ng matres).

Ang implantation o maagang pagbubunitis ay nagdudulot ng spotting. Kaya naman maraming mga babae ang nalilito sa ganitong situwasyon. Ang iba ay inaakalang sintomas lamang ito bago datnan ng regla, o spotting dahil sa maagang pagbubuntis. Kaya naman, makabubuting malaman kung ilang araw tumatagal ang spotting ng buntis. Ano nga ba ang dahilan ng spotting sa buntis?

Sanhi ng spotting habang buntis

Ang isa sa mga dahilan ng spotting ng buntis ay ang implantation o ang pagdikit ng fertilized na itlog sa dingding ng matres. Nangyayari ito sa pagitan ng ika-6 hanggang sa ika-12 araw matapos na ang embryo ay mabuo, o 2-7 araw bago pa dumating ang araw ng huling regla. Ito ang panahon na ang fertilized na itlog ay patungo sa matres upang dumikit sa dingding nito. Kaya ito ang dahilan kaya hindi kaagad nagkakaroon ng spotting pagka-fertilized ng itlog.

Kapag umabot na sa dingding ng matres ang fertilized na itlog, nagsisimula na ang spotting, o patak ng kulay na hindi matingkad na pula (pink) o kulay brown na dugo. Kung minsan parang kulay yellow at malagkit na discharge na mayroong dugo. Katulad ng nabanggit, hindi lahat ng babae ay nakararanas ng spotting habang sila ay buntis. Kung minsan naman ay may mga babaeng nagbuntis na ng ilang beses ngunit isang beses lang nangyari ang spotting sa kanila habang sila ay buntis. May mga babae ring tumatagal na nang ilang araw ang spotting habang sila ay buntis.

Para makasiguro, dapat lamang na bantayan ng mga babae ang araw ng cycle ng kanilang regla para malaman ang implantation spotting o spotting sa maagang panahon ng pagbubuntis. Alam mo na ngayon kung ano ang spotting at maaaring dahilan nito. Ngayon naman, alamin kung ilang araw tumatagal ang spotting habang buntis.

Ilang araw tumatagal ang spotting ang buntis

Ang tamang kaalaman sa kung ilang araw tumatagal ang spotting habang buntis ay mahalaga upang malaman kung nasa mabuting kalagayan ang sanggol na dinadala. Pero bago mag-alala, dapat na isaisip na ang spotting ng buntis ay normal lamang para sa ilang mga babaeng nasa ganitong kalagayan, at malusog naman ang sanggol sa kanilang sinapupunan. Ang spotting ay nararanasan sa maagang panahon ng pagbubuntis. Maaari itong maranasan sa pahahon ng implantation o sa pagdikit ng fertilized na itlog sa dingding ng matres, o pagkatapos na makipagtalik sa panahon ng maagang pagbubuntis.

Ang mga babae ay hindi pare-pareho ang spotting habang buntis. Hindi rin pare-pareho kung ilang araw tumatagal ang spotting habang buntis. Ang kadalasang panahon kung ilang araw tumatagal ang spotting ng buntis ay isang beses sa isang araw o kaya naman kung minsan ay dalawa. Kapag ang spotting ng buntis ay tumagal at mayroong iba pang sintomas, dapat nang kumonsulta kaagad sa doktor.

Mga maaaring gawin kapag may spotting ang buntis

Kung ikaw ay buntis, wag ipagbahala ang spotting lalo na kung first time mo ito. Kung sa tuwing pagbubuntis naman, ay sanay ka nang mag-spotting lalo na sa first-trimester ng pagdadalantao, mainam pa ring bantayan ang sintomas. At kung ang spotting ay kakaiba sa itsura at pakiramdam, narito ang ilang paraan at kagamitan na puwedeng gawin at gamitin:

  • Panty liners – sa panahon ng implantation, kailangang bantayan ang spotting para malaman kung hindi ito normal para maiwasan ang problema
  • Basal thermometers for menstrual cycle – para malaman ang eksaktong ovulation at fertilization
  • Intimate wash gel – para mapanatiling malinis at walang amoy ang vagina. Ang ganitong produkto ay mayroon balanseng pH para maproktektahan ang microflora
  • Feminine wipes – para manatiling maging malinis, kailangang alisin kagaad ang dugo o discharge para maiwasan ang anumang problema
  • Mga vitamins para sa buntis – ito ay para maging malusog ang pagbubuntis at ng sanggol
  • Mga supplement para maging fertile – ito ay para maging malusog ang reproductive health at maging regular ang cycle ng regla at ovulation
  • Sperm-friendly lubricant – ito ay idinisenyo para mapabilis ang paglangoy ng sperm patungo sa fertile na itlog. Maaari din itong gamitin bilang lubricant sa pagtatalik. Ito ay mayroong moisturizer kaya hindi ito nakakairita
  • Probiotic feminine supplement – ito ay kailangan upang mabalanse ang yeast at bacteria sa katawan. Sa panahon ng pagbubuntis ay puwedeng magkaroon ng ibat-ibang karamdaman kaya mahalaga na balanced ang yeast at bacteria bago pa ang pagbubuntis.
  • Mga remedyo upang mawala ang panghihina – sa panahon ng pagbubuntis, mahalaga kung maiiwasan ang panghihina para ma-enjoy ang pagbubuntis.

Ngayon, hindi ka na dapat mag-alala pa kapag ikaw ay nakaranas ng spotting habang buntis. Ngayon, alamin mo naman ang kung ilang araw tumatagal ang spotting habang buntis. Tuklasin kung talaga bang ang nararanasan ay spotting lamang ng buntis o kaya mayroon pang ibang dahilan.

Ito ba ay spotting lamang ng buntis o may iba pang dahilan?

Hindi lahat ng nagkakaroon ng spotting ay buntis. Kung ikaw ay nagdududa kung ilang araw tumatagal ang spotting ng buntis, mas makabubuting suriin ang sarili dahil baka naman ang iyong spotting ay hindi dahil buntis ka. Makatutulong na suriin ang cycle ng iyong regla at kung kalian ito nagsimula. Ang isang paraan para magawa ito ay ang paggamit ng Basal thermometer for menstrual cycle.

Ang regla ng babae ay magkakaiba, kaya naman kung hindi ka makasiguro kung ang iyong spotting ay simula ng regla o sanhi ng maagang pagbubuntis o implantation, makabubuting sumailalim sa pregnancy test, o kumonsulta sa doktor.

Mga posibleng problema

Kapag ang spotting ay hindi dahilan ng maagang pagbubuntis o implantation, o simula ng regla, posibleng mayroong problema. Ang isang kondisyong may sintomas na spotting ay ectopic pregnancy. Ang ganitong kondisyon ay delikado kaya nararapat lamang na magpatingin sa iyong doktor.

Isa pa, kapag ilang araw nang tumatagal ang spotting ng buntis at hindi ito tumitigil, malaki ang tsansang siya ay makunan, o malaglag ang sanggol sa kaniyng sinapupunan. Para maagapan, kailangang pumunta na kaagad sa pinakamalapit na ospital. Para sa malusog na pagbubuntis, alagaan ang katawan at ang iyong kalusugan. Ugaliin din ang palagiang pagpapatingin sa iyong doktor.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Alamin Kung Ilang Araw Tumatagal ang Spotting ng Buntis
1 (20%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO