Bakit Sumasakit ang Puson Kahit Walang Menstruation?

Bago ang menstruation ay karaniwan nang mararanasan ng kababaihan ang pagsakit ng puson, palatandaan ito na magsimula na ang pagreregla. Sa panahon ng pagreregla, ang kalamnan ng matris ay sisikip upang ilabas ang pinaka-sapin ng matris na nabubuo sa mga nakaraang linggo.

Ngunit, kapag nararamdaman na masakit ang puson kahit walang menstruation ay talagang nakabahala at nakakabigo. Palaging ikinalito ng kababaihan ang tungkol sa kanilang regla, habang inaasahan nila ang pagdating ng regla at naramdaman ang mga senyales nito ngunit hindi naman ito dumarating. Kaya anu-ano ang mga dahilan kung bakit sumasakit ang puson kahit walang menstruation?

Mga paliwanag tungkol sa pagsakit ng puson kahit walang menstruation

Kung masakit ang puson kahit walang menstruation, ay posibleng dahil ito sa dalawang simtoma na nagkatugma sa parehong panahon. Minsan naman, ito ay senyales ng iba pang mabigat na dahilan. Isa sa mga dahilan ay ang sakit na nauugnay sa pagkain o eating disorder, ang babae na may eating disorder ay makakaranas ng hindi regular na regla o talagang wala na. Ito ay magdudulot ng pagsakit ng puson sa panahong sana ay magreregla ngunit walang tumutulo.

Kung masakit ang puson kahit walang menstruation, ay maaaring nagpapahiwatig ito ng isang malubhang sakit. Kailangan mong obserbahan kung anu-ano ang kasabay na mga simtomas upang malaman kung ano ang tutuo mong kalagayan. Susuriin kung ano ang dahilan nito at kung ano ang makakatulong na mga panlunas na maaaring gawin sa bahay.

Ang pagsakit ng kalamnan sa matris ay dahil sa pagkadiin ng kanyang sapin ng dingding. Ang katawan ay magbigay ng mga sinyales na ito bago magkaroon ng buwanang regla. Ang iba naman ay maaaring simtoma ng pagbubuntis, mga bukol, hirap sa pagdumi, o kaya kanser.

Ang bukol sa obaryo ay may dalawang uri, maaaring may tumubo sa obaryo na nagdudulot ng pagsakit ng puson na walang menstruation. Ang isa ay kung saan ang itlog ay hindi makaalis mula sa follicle ng obaryo at habang lumalaki ito makakaramdam ka ng sakit sa puson. Ang iba pa ay ang bukol na nabubuo sa isang hugis-supot na sisidlang punô ng likido matapos ang itlog ay makaalis. Itong dalawang uri ng bukol kadalasan ay hindi na kailangang gagamotin pa dahil mawaala ito sa loob ng ilang araw.

Mararanasan minsan ng isang babae na masakit ang puson kahit walang menstruation, yun pala ay dahil nagdadalantao siya. Sumasakit ito kapag ang similya ay nakarating na sa matris ngunit ito ay sinasabayan ng konting pagtulo ng kulay pula o brown na likdo.

Sa panahon ng pag-menopause, ang mga babae ay makakaranas na ang menstruation nila ay hindi na regular o mangyayari pa na wala silang menstruation ng ilang buwan. Maramdaman nila na masakit ang puson kahit walang menstruation dahil sa pagbaba ng reproductive hormones sa kanilang katawan.

Masakit ang puson kahit walang menstruation sa panahon na ang bagong-pertilisadong itlog ay lumalaki sa loob ng isang Fallopian tube, tinatawag ito na ectopic pregnancy, kung saan ang pertilisadong itlog ay nananatili sa fallopian tube at patuloy sa kanyang paglaki.

Ang kanser sa obaryo ay mahirap kilalanin dahil sa maraming simtoma nito na katulad din sa ibang karamdaman. Ang pakiramdam na masakit ang puson kahit walang menstruation ay isa sa mga simtoma nito.

Ang endometriosis ay nararanasan ng ilang kababaihan kung saan ang tisyu na tutubo sa matris ay tumutubo sa labas ng matris sa loob ng tiyan. Ito ay masakit, mangyari ito isa o dalawang linggo bago magsisimula ang regla.

Ang Cervical Stenosis ay isang kalagayan kung saan ang ibabang bahagi ng matris o liig-liigan ay masyadong masikip kaya mahirap ang pagdaloy ng dugo sa panahon ng pagreregla. Ang mga babaing nakaranas nito ay makakaranas din ng pagsakit ng puson na walang menstruation.

Ang iba pang mga sakit na naging sanhi ng pagsakit ng puson na walang menstruation ay ang hindi napapanahong pagkawala ng kakayahan ng obaryo o Premature Ovarian Failure at ang Polycystic Ovarian Syndrome.

Mga dahilan na pwedeng iwasan

Maraming bagay ang mangyayari sa katawan ng babae kapag siya ay stress o sobrang pagod, kahit ang pagkahuli sa siklo ng menstruation. Ito ay magdudulot ng pagsakit ng puson pero walang menstruation. Kapag nadistressed dahil sa isang pinsala o karamdaman, ang ating kalamnan ay sumikip, at bigla itong sumakit. Kaya dapat talagang maglaan ng panahon para sarili at makapahinga.

Mangyayari din na sumasakit ang puson kahit walang menstruation kapag sobrang init ang panahon at walang sapat na tubig ang iyong katawan. Kapag hindi ka iinom ng sapat na dami ng tubig, maiipon ang maraming asido sa ihi at mangangati ang pinaka-dingding ng iyong pantog kaya sasakit ang iyong puson na parang nagka dysmenorrhea.

Kapag palaging kumakain ng mga maaasim na pagkain katulad ng hilaw na mangga, kamias, suka at iba pang maaasim na pagkain, mga maaalat na pagkain, at mga tsitsirya, ay maaring pagsimulan ito ng problema sa sakit sa puson. Habang sinasala ang tubig sa iyong katawan na maraming nakahalong asin, babara ang mga ito sa iyong bato. Ang sakit sa bato o kidney ay isa sa mga dahilan na sumasakit ang puson kahit walang menstruation, kaya dapat iingatan ang sarili at uminom ng maraming tubig upang mapanatili ang iyong kalusogan.

Mga tips upang maibsan ang sakit sa puson

Humiga upang makapahinga nang tahimik. maglagay ng bote na may mainit na tubig sa masakit na bahagi. Maligo ng mainit-init na tubig para marelaks ang kalamnan. Maglakad-lakad sa paraang nagrerelaks. Dahandahan mong imasahe ang iyong puson. At uminom ng tsaang gubat o mainit-init na tubig na may limon.

Kahit na malalaman naman ng kababaihan ang pagkakaiba ng pagsakit ng puson dahil sa regla o sa iba pang kadahilanan, pero may pagkakataon na hindi akma ang simtoma ng pananakit ng puson na iyong naramdaman lalo na kapag masakit ang puson kahit walang menstruation, dapat talagang malaman kung ano ang dahilan at kailangan mong magpapasuri sa doctor.

Magdudulot din ng pananakit ng puson ang kabag at ang hirap sa pagdumi na nakakalito ang mararamdaman na parang ang pagsakit ay dahil sa siklo ng pagreregla ngunit wala namang tumutulo. Kaya iwasan na malamigan ang iyong katawan at uminom palagi ng tubig o kumain ng papaya upang makatulong na maging maayos ang iyong pagdumi.

Minsan din ay mangyayari ito dahil sa inilapat na mga gamot sa iyong karamdaman na nakagambala sa karaniwang siklo ng pagreregla. Kaya sabihin sa iyong doctor kung ano ang epekto sa iyong katawan ang gamot na iniinom mo upang mapalitan niya ng iba pang gamot na hiyang sa iyo.

Bakit Masakit ang Puson Kahit Walang Menstruation?

Ang pananakit ng puson ay maaring maganap bago at habang nireregla. Para sa ilang babae na may matinding menstrual cramps, ito ay nangangailangan ng painkiller o hindi kaya’y hormonal treatment. Ang pananakit na puson ay resulta ng pag-contract ng matris.

Isa itong natural na proseso kung saan inilalabas ng matris ang dagdag na laman sa pader nito(endometrium) dahilan upang magkaroon ng pagdurugo.

Ngunit, paano kung masakit ang puson kahit walang menstruation? Sa ilang mga sitwasyon, may ibang babae ang nakakaranas ng “phantom” o “ghost” period kung saan sila ay nakakaranas ng mga senyales ng pagdurugo ngunit, wala namang aktwal na lumalabas na dugo.

Ang unang tanong na dapat mong sagutin ay kung buntis ka ba? Dahil sa mga unang bahagi ng pagbubuntis, karaniwan lamang ang makaramdam ng pananakit sa puson ngunit, walang kasamang anumang pagdurugo. Ang simpleng pregnancy test na mabibili over-the-counter ay makakatulong upang makumpirma ang pagbubuntis.

Ano ang sanhi kung bakit masakit ang puson kahit walang menstruation?

Ang pagbubuntis,delayed na regla, pagmemenopause, IBS at mga sakit na may kaugnayan sa matris ay mga dahilan kung bakit masakit ang puson mo kahit wala ka namang regla.

Pagbubuntis – Masakit ang puson ngunit, wala namang dugo? Buntis ba ko? Ito ang madalasan na dahilan kung bakit nade-delay ang buwanang dalaw ng babae. Ang pananakit ng puson ay isang paunang indikasyon ng pagbubuntis. Maari mo itong maramdaman kapag dumikit ang fertilized na itlog sa pader na iyong matris. Kapag nangyari iyon, makakaramdam ka ng bahagyang cramping o implantation pain na maaring tumagal ng tatlo hanggang apat na linggo.

Delayed na Regla – ang masakit ang puson kahit walang menstruation ay maaring dahil lamang sa delayed na regla. Ang pananakit ng puson ay maaring resulta ng ovulation (paglabas ng itlog mula sa obaryo). Ang ovulation ay madalas tumatagal ng 10 hanggang 15 araw bago ang mismong araw ng regla. Kapag mas mahaba ang itinagal ng ovulation, magiging delayed ang regla. Ang ilang babae naman ay sadyang nagkamali lamang sa pagkalkula ng kanilang dalaw dahilan upang sila ay mangamba ng walang dahilan.

Menopause – ang menopause ay tumutukoy sa pagtatapos ng regla ng babae. Madalas ito ay nagaganap pagtungtong ng edad na 50 taong gulang. Sa ilang pagkakataon, ang pananakit ng puson bago ang menopause ay pangkaraniwan lamang dahil sa mga pagbabago sa menstrual cycle.

Inflammatory Bowel Disease – Ang iba’t ibang Inflammatory Bowel Diseases (IBD) gaya ng Crohn’s disease at Ulcerative colitis ay maaring siyang dahilan kung bakit masakit ang puson kahit walang dalaw. Ang Ulcerative colitis ay isang uri ng sakit sa bituka samantalang ang Crohn’s disease naman ay nakakaapekto sa lining ng digestive tract. Ang IBD ay kadalasang may kasama pang ibang sintomas gaya ng pamamaga, pamumula, iritasyon, at pananakit sa iba pang bahagi ng digestive system tulad ng bibig, tiyan, esophagus, at mga bituka. Sa kaso ng Crohn’s disease, ang pananakit ay madalas na mararamdaman sa ibabang kanang bahagi ng sikmura. Samantalang nasa ibabang kaliwang bahagi naman ang para sa Ulcerative colitis.

Ovarian Cyst – Ang Ovarian cyst ay tumutukoy sa maliliit na tumor na may lamang tubig na tumutubo sa obaryo ng babae. Isa pa itong posibleng dahilan kung bakit masakit ang puso kahit walang menstruation. Madalas, hindi nakakabahala ang pagkakaroon ng ovarian cyst at wala itong pinapakitang anomang sintomas. Ngunit, paminsan-minsan ay makakaramdam ng pananakit lalo na kapag lumalaki ang cyst.

Masakit ang Puson Kahit Walang Menstruation: Buntis ba ako?

Ang pananakit ng puson ay madalas na pangunahing senyales ng pagbubuntis. Kapag dumikit and embrayo sa pader ng matris, mga 6 hanggang 12 araw pagkatapos ng conception, ang babae ay maaring makaramdam ng kaunting pagdurugo o spotting. Maari ring magkaroon ng bahagyang cramps.

Ang iba pang sensyales ng pagbubuntis ay ang mga sumusunod:

  • Pagkaduwal o Morning Sickness
  • Pamamaga ng dibdib
  • Mabilis na pagkapagod
  • Masakit na ulo
  • Mas madalas na pag-ihi
  • Pagtatakam sa pagkain
  • Mas malakas na pang-amoy
  • Mas maitim na utong
  • Pabago-bagong emosyon o mood swings

Ano ang gamot sa pananakit ng puson?

Ang pag-inom ng over the counter na mga gamot laban sa sakit ay ang siyang pangunahing paraan bilang gamot sa pananakit ng puson.

Pain relievers – Ang mga over-the-counter pain relievers, gaya as ibuprofen (Advil, Motrin IB) at naproxen sodium (Aleve) ay nakakatulong para makontrol at mabawasan ang pananakit ng puson. Maari rin uminom ng mga inireresetang gamot gaya ng nonsteroidal anti-inflammatory drugs.

Mga Hormonal birth control – ng pag-inom ng oral birth control pills at paggamit ng iba pang uri ng contraceptives ay pumipigil sa ovulation ng katawan at nagpapahina sa sakit na dulot ng menstrual cramps.

Operasyon – Kung ang pananakit ng puson ay sanhi ng isang kondisyon gaya ng endometriosis, nangangailangan sumailalim sa operasyon upang maayos ito.

Kailan dapat magpakonsulta sa doktor kapag masakit ang puson?

Magpatingin agad sa doktor o kaya’y pumunta sa emergency department ng pinakamalapit ng ospital kapag nakaranas ka ng mga abnormal na sintomas tulad ng:

  • Pananakit ng Puson na tumatagal ng ilang oras
  • Pagsusuka ng dugo
  • Naghahabol ng hininga
  • Dugo sa dumi o ihi
  • Pananakit na kumakalat sa dibdib, leeg, at braso
  • Lagnat at matinding pagpapawis