Search

Sintomas ng Nakunan: Ano ang Gamot sa Nakunan?

Sintomas ng Nakunan: Ano ang Gamot sa Nakunan?
loading...

Nakunan sa pagbubuntis; Ito ang tema na ayaw mong isipin o pag-usapan lalong lalo na kung ikaw ay buntis. Nakalulungkot, ito ay pangkaraniwan nang nangyayari hindi lang dito sa atin kundi sa buong mundo. Ayon sa mga dalubhasa, mga 15 hanggang 20 porsyento ng mga pagbubuntis ay nauuwi sa pagkalaglag. Ano nga ba ang pagkalaglag, ano ang dahilan ng pagkalaglag, ano ang mga sintomas ng nakunan sa pagbubuntis at posible ang gamot sa nakunan.

Ano ang nakunan sa pagbubuntis?

Ang nakunan sa pagbubuntis o pagkalaglag ng dinadala sa sinapupunan ay ang pagkamatay ng dinadalang sanggol sa unang 20 linggo ng pagbubuntis. Ayon sa mga dalubhasa, ang dami ng mga nakukunan ay aabot ng 30-40 porsiyento kung isasama pa ang mga kaso ng hindi kumpirmadong pagkalaglag. Karamihan sa mga kababaihan ay nakukunan bago pa man nila malaman na sila ay nagdadalang tao, o kaya ay bago pa makumpirma ng doktor sa sila ay buntis.

Dahilan ng nakunan sa pagbubuntis

Bagaman natural lamang sa babae ang mag isip na siya ay nakunan dahil sa kanyang ginawa o hindi ginawa, mahalaga na huwag sisihin ang sarili sa mga nangyari. Ang pagkalaglag ay maaaring sanhi ng ehersisyo o ng simpleng pag-inom ng kape. Ang pinaka karaniwang dahilan, ayon sa mga dalubhasa ay ang abnormalidad sa genes ng embryo.

Narito pa ang ilan sa mga risk factors ng nakunan sa pagbubuntis:

  • Paggamit ng droga
  • Paninigarilyo
  • Sobrang pag-inom ng alak
  • Pagkakaroon ng listeria, isang uri ng bacteria na matatagpuan sa hindi gaanong nalutong karne, itlog at produktong gatas
  • Trauma sa pagbubuntis, tulad ng aksidente sa sasakyan
  • 35 ang edad pataas
  • Pagkakaroon ng sakit tulad ng diabetes, lupus at sakit sa thyroid

Mga sintomas ng nakunan

Ang pagkakaroon ng spotting sa unang mga buwan ng pagbubuntis ay pangkaraniwan lamang, ngunit hindi ito maituturing na normal. Kapag ikaw ay may spotting, mangyaring ipagbigay alam agad ito sa iyong doktor. Bagaman ang pagkakaroon ng spotting ay hindi palaging nangangahulugan na ikaw ay nakunan, sintomas ito na mayroong abnormal na nangyayari sa pagbubuntis mo. Kahit pa ang lahat ay parang normal lang, ang pagkakaroon ng spotting ay isang palatandaan ng hindi normal na pagbubuntis.

Ang ilang mga babae ay hindi nakakaranas ng alin mang sintomas ng nakunan sa pagbubuntis, ngunit narito ang ilan sa mga sintomas ng nakunan na buntis maliban sa pagdurugo

  • Marahan hanggang sa matinding paghilab ng tiyan
  • Pagkawala ng mga sintomas ng paglilihi tulad ng pagkahilo at pagsusuka
  • White-pink na mucus
  • Paglabas ng tissues at namumuong dugo sa pwerta

Gamot sa nakunan

Posible bang mahinto ang pagkalaglag ng bata kung maaagang napansin at nagamot ang mga sintomas ng nakunan? Mayroon bang gamot sa nakunan? Nakalulungkot, walang paraan para mapigilan ang pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan kapag ito ay nagsimula na. Subalit kahit ganun pa man, kailangan mo paring magpatingin sa doktor para maiwasan ang mas malalang mga kumplikasyon ng nakunan na buntis tulad ng impeksyon at pagdurugo o hemorrhage. Ang mga nakunan na buntis ay kadalasang sumasailalim sa raspa o dilation and curettage para maalis ang mga labi ng sanggol sa sinapupunan na maaaring magdala ng seryosong mga kumplikasyon.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Sintomas ng Nakunan: Ano ang Gamot sa Nakunan?
1 (20%) 1 vote

loading...