Search

Mga Bawal sa Bagong Panganak: Mga Hindi Dapat Gawin Para Makabawi Agad si Nanay

Mga Bawal sa Bagong Panganak: Mga Hindi Dapat Gawin Para Makabawi Agad si Nanay

Kahit na gaano karaming libro na sa pagmamagulang ang iyong nabasa, walang makapaghahanda saiyo sa bagyo ng emosyon na darating kasabay ng pagsilang ng iyong kauna-unahang sanggol. Alam naming na excited kang masyado bilang isang bagong nanay, pero aminin mo man o hindi, hindi mo talaga alam ang gagawin mo.

Ayon sa mga dalubhasa, ang postpartum period o ang panahon na ikaw ay nakapanganak na ang pinaka-hindi gaanong napag-uusapan na paksa. Ngunit ang totoo, ang postpartum period ang pinaka-kritikal na yugto kung ang hormones, pisikal at emosyonal ang pag-uusapan. Ito rin ang panahon kung saan napapabayaan ng isang nanay ang kanyang sarili, na hindi iniisip ang mga bawal sa buntis. Kailangan mong pangalagaan ang iyong sarili! Hindi lang sa gagawin ka nitong mas mahusay na nanay at asawa, kundi mas maeenjoy mo ang pag-aalaga saiyong bagong baby.

Narito ang ilan sa mga bawal sa bagong panganak na hindi mo dapat binabaliwala. Ang mga ito ay hindi pamahiin kaya dapat na ito ay estriktong sundin.

Mga bawal sa bagong panganak: Hindi pagkain ng sapat

Madali lang na malipasan ng gutom lalo na kung pinakikisamahan mo na ang mga pangangailangan ng iyong bagong silang na sanggol. Ang hindi pagkain ng sapat ay ang kauna-unahan sa mga bawal sa bagong panganak. Ang pagkakaroon ng bagong silang na sanggol, ang pagpapaling sa trauma ng panganganak at ang pagpapasuso sa bata ay talaga namang aagaw o hihigop ng iyong natitirang lakas. Ang isa sa pinakamabisang paraan para hindi ka maubusan ng lakas dahil sa nalipasan ka ng gutom ay ang pagkain sa bawat pagkakataon na didede ang bata. Magtabi ng simpleng meryenda na pwede mong kainin anumang oras. Kailangan mo ring uminom ng maraming fluid lalo na kung ikaw ay nagpapasuso. Ang hindi pagkain ng sapat ay siyang pangunahing sanhi ng binat sa bagong panganak.

Mga bawal sa bagong panganak: Pagtanggap ng maraming bisita

Ang iyong mga kapamilya at mga kaibigan ay excited na makita agad ang iyong bagong baby, pero hindi ibig sabihin nito ay papayagan mo silang lahat. Ang panganganak ay isang nakakapagod na proseso sa katawan mo. Sa panahong ito, kailangan mong tipirin ang iyong lakas at ang pagtanggap ng mga bisita sa bahay ay lalo lamang uubos nito. Subukang i-skedyul ang pagdalaw ng mga kamag-anak. Gawin itong batch by batch.

Kulang na tulog, bawal sa bagong panganak

Ang sapat na tulog ay mahalagang aspeto ng maaagang paggaling, subalit kung may bagong baby ka, ang tulog ay napakahirap sapatan. Ayon sa mga dalubhasa, ang mga sanggol ay natutulog ng 16 oras bawat araw, tatlo hanggang apat na oras bawat araw. Ito ay panahon na pwede ka ring matulog. Matulog ka kapag tulog si baby. Turuan mo siya ng tamang oras ng pagtulog as soon as possible para naman maubalik mo narin ang dati mong rutin sa pagpapahinga

Mga bawal sa bagong panganak na nagpapasuso

Bawal sa bagong panganak na nagpapasuso ang anumang uri ng alak dahil hindi ito ligtas para sa mga sanggol. Kung uminom ka ng alak, huwag ka munang magpasuso at hintaying na mawala at mailabas sa katawan mo ang alak na nainom mo.

Limitahan ang pag-inom ng kape sa 2 hanggang 3 tasa. Ang caffeine sa kape ay maaaring mapunta sa iyong gatas na maiinom ng iyong baby at makakasira ito sa kanyang tulog.

Iwasan ang mga isdang mayaman sa mercury tulad ng kingfish, mackerel at tilefish. Nakakasira sa utak ng bata ang sobrang dami na mercury mula sa isda.

Tandaan na wala namang special diet na kailangan ang mga nanay na nagpapasuso. Ang kailangan lamang ay kumain ng tama at masusustansyang pagkain upang lumaking malusog si baby at iwasan ang mga bawal sa bagong panganak.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Mga Bawal sa Bagong Panganak: Mga Hindi Dapat Gawin Para Makabawi Agad si Nanay
5 (100%) 1 vote