Ano Ang Gamot sa Rashes sa Mukha ng Baby

Tagal ng pagbabasa: 6 minuto

May rashes si bunso? Naghahanap ka ng gamot sa rashes sa mukha ng baby? Kailangan mong basahin ang artikulong ito. Paguusapan natin ang mga mahahalagang impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa rashes sa mukha ng anak mo.

Pangunahing sanhi ng rashes sa mukha ng baby

Ang pagkakaroon ng rashes sa mukha ng sanggol ay isang common na nangyayari sa halos lahat siguro ng bagong panganak na baby. Karamihan sa mga kababayan nating pinoy ay hinahayaan lamang ang ganitong kondisyon. Marahil, sa kadahilanang ang rashes ay kusang nawawala sa paglipas ng ilang araw. Ngunit mayroon ring mga kaso ng rashes na hindi dapat isa-walang bahala, dahil posible itong indikasyon ng isang delikadong sakit sa balat.

Para sa isang nagmamahal na ina o kamag-anak, kailangan malaman mo muna ang rason kung bakit nagkakaroon ng rashes sa mukha ang bata. Narito ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng rashes sa mukha ng baby:

  • Eksema sa baby – Hindi lang pang matanda ang sakit sa balat na ito. Ang eksema ay isang grupo ng kondisyon na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng rashes sa mukha ng baby. Ayon sa pag-aaral, ang baby eksema ay common sa mga batang may edad 6 na buwan hanggang isang taon.
  • Nappy rash – Isa pang sanhi ng rashes sa mukha ni baby. Kilala sa tawag na slapped cheek syndrome ang nappy rash dahil ang pantal na hatid nito ay para bang sinampal ang magkabilang pisngi. Ang nappy rash ay hindi nangangailangan ng gamot. Kaunting painit sa araw lamang ang ipinapayo ng mga doktor sa ganitong kondisyon.
  • Scabies o Kurikong – Isang uri ng sakit sa balat na dala ng maliliit na mites na lumulubog sa balat ng tao. Maging mga sanggol ay hindi ligtas sa sakit na ito. Ang scabies o kurikong ay may dalang hindi pang-karaniwang pangangati sa balat na may kasamang pantal o rashes. Nakakahawa rin ang sakit na ito at mabilis kumalat sa balat.
  • Bungang-araw – Isa ring common na sanhi ng pagkakaroon ng rashes ng baby. Natural lamang sa baby ang magkaroon ng bungang araw at kadalasang hindi ito nagangailangan ng gamot. Karaniwan lamang na nawawala ang sintomas nito paglipas ng ilang araw.
  • Cradle cap – Ito ang kondisyon na kung saan dumarami ang lebel ng oil na inilalabas ng glands ng balat ng bata. Ito ang rason kung bakit nagkakaroon ng rashes si baby na karaniwang lumilitaw sa noo, anit, at mga pisngi. Harmless ang cradle cap o hindi delikado. Mga sanggol na may edad 6 na buwan hanggang isang taon ang karaniwang nagkakaroon nito.
  • Baby milia – Ayon sa mga eksperto, mga 40-50 percent ng mga malusog na sanggol na ipinanganak ang nagkakaroon ng baby milia. Ang rashes na hatid nito ay maputi at manila-nilaw na mga pantal dahil sa pagbara ng pores sa balat na baby. Karaniwan itong lumilitaw sa palibot ng mga mata at ilong. Kapag ang pores nagbukas na, ang baby milia ay karaniwang gumagaling paglipas ng ilang linggo.
  • Newborn acne – Alam mo bang sa unang ika-2 hanggang ika-6 na linggo ng bagong panganak na sanggol ay maaaring magkaroon ng pimple? Opo! tinatawag ito ng mga doktor na infantile acne. Ayon sa American Academy of Dermatology, aabot ng 20 percent na newborn baby ang nagkakaroon ng infantile acne. Sa pangkalahatan, ang newborn acne ay hindi delikado at karaniwan ring nawawala ng kusa paglipas ng ilang linggo.
  • Meningitis – isang nakakamatay at nakakatakot na sakit. Ang sakit na ito ay nagbibigay ng rashes sa sanggol. Upang makatiyak na meningitis nga ito, komunsulta kaagad sa isang doktor at humingi ng payo.

Mga sintomas ng rashes sa mukha ng baby

Gamot sa rashes sa mukha ng baby? Alamin muna ang sintomas. Katulad ng ibang ordinaryong karamdaman, ang rashes sa baby ay mayroon ring mga sintomas na ipinapakita. Mahalagang malaman ito ng mga magulang sapagkat magbibigay ito ng mga ideya na maaaring magamit habang hindi pa nakakapagpa-check up si baby.

Upang makatulong saiyo, narito ang ilan sa mga pangunahing sintomas na kadalasang makikita kung may rashes si baby:

  • Mga sintomas ng baby eksema – Ang baby ay nagkakaroon ng rashes sa chin, pisngi, noo, at anit. Karaniwan na ang pantal na hatid ng baby eksema ay mapula-pula, makati, at may kasamang panunuyo ng balat ng bata.
  • Mga sintomas ng nappy rash – Ang sanggol na may nappy rash o slapped cheek syndrome ay karaniwang mayroong rashes sa magkabilang pisngi. Mapula ito at kadalasang may kasamang pangangati at iritasyon.
  • Mga sintomas ng kurikong o scabies – Hindi pangkaraniwan ang hatid na kati ng kurikong. Ang rashes na dala nito ay mapula na may kasamang butlig na mayroong tubig ang loob. Huwag itong titirisin dahil maaari itong maimpeksyon.
  • Mga sintomas ng bungang-araw – Pinong rashes ang dala ng bungang-araw. Sobrang kati nito lalo na kapag nababasa ng pawis. Karaniwan itong lumilitaw sa likod ngunit posible rin namang magkaroon nito sa mukha ni baby.
  • Mga sintomas ng cradle cap – Kadalasan lumilitaw ang rashes sa noo, anit at pisngi ng baby. Makati at medyo malangis ang balat ng baby na apektado ng rashes.
  • Mga sintomas ng baby milia – Ang sanggol na mayroong baby milia ay kadalasang may rashes sa palibot ng mga mata at ilong. Makati ang rashes na ito ngunit huwag na huwag itong kakamutin.
  • Mga sintomas ng newborn acne – Ang rashes na dulot ng newborn acne ay tila mala pimple na butlig. Mapula at malangis ang balat na apektado ng rashes. Huwag na huwag titirisin ang butlig ng rashes dahil maaaring ma infect ito.
  • Mga sintomas ng meningitis – Kakaiba ang sintomas na hatid nito. Bukod sa nagpapalitaw ito ng rashes sa balat, ang paglitaw ng mga ito ay may kasamang lagnat at kapag hindi naagapan ay maaaring ikapahamak ng baby.

Laging tatandaan na ang mga sintomas na nabanggit ay hindi magpapakita sa isang pagkakataon. Ibig sabihin, magkakaiba o hindi pare-pareho ang sintomas na maaaring ipakita ng rashes ng sanggol. Mahalaga ang payo ng doktor tungkol dito.

Mga gamot sa rashes sa mukha ng baby, alamin!

Marami ang gamot sa rashes kung tutuusin. Ngunit dahil sa balat ng sanggol ang pinag-uusapan, mahirap ang basta sumubok ng kung anong gamot sa rashes sa mukha ng baby. Lalo na sa mukha kung saan ito ang pinaka-sensitibong parte ng balat ng bata.

Kung pagbabasehan natin ang medisina, pinaka-importante ang magpacheck up sa isang doktor tungkol dito. Mabuti na ang makasiguro lalo’t kalusugan ng bata ang nakasalalay. Ang mga doktor ay maaaring mag reseta ng cream at ointment na siyang ipapahid sa rashes ng bata. Ang gamot sa rashes sa mukha ng baby ay karaniwang hindi mabibili sa botika, kung walang reseta ng doktor. Para sa mga nanay, puwede rin subukan ang pagamot sa rashes gamit ang maligamgam na tubig. Ipunas ito ng dahan-dahan gamit ang cotton sa balat na apektado ng rashes. Puwede rin gumamit ng baby soap ngunit huwag gumamit ng matapang na sabon upang makaiwas sa iritasyon.

Kailan ba dapat magpatingin sa doktor kung may rashes si baby? Ang mga sumusunod na ito ang mga dapat mong tandaan:

  • Mga rashes na may kasamang pamamaga
  • Kapag may lagnat si baby dahil sa rashes
  • Kawalan ng apetite ng sanggol o walang ganang mag dede
  • Kapag mayroong mapulang guhit o ekstensyon mula sa rashes
  • Kapag matamlay na ang bata at may kasamang pag-uubo
  • Kapag ang mapulang balat ay hindi nawawala kapag diniinan o binigyan ng pressure
  • Kapag mayroong namuong tubig sa palibot ng rashes
  • Kapag ang bata ay hindi mapakali at walang tigil sa pagiyak. Isa itong indikasyon na masakit ang tiyan at ulo ng bata

Kapag napansin mo ito saiyong baby ay huwag mag-atubili na pumunta sa doktor upang matingnan kaagad ang bata at maagapan.

Paano maiiwasan magkaroon si baby ng rashes?

Mapanganib ba ang rashes para sa sanggol? Marahil ito ang tanong ng karamihan. Ang rashes ay hindi mapanganib, ngunit posible rin itong indikasyon na mayroong impeksyon sa katawan ng bata. Paano ba maiiwasan ang rashes na ito? Ito ang mga dapat at hindi dapat gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng rashes ni baby:

  • Upang makaiwas si baby sa rashes, huwag gumamit ng matapang na sabon na pampaligo
  • Iwasan rin ang pabago-bago ng baby soap na gagamitin, mas makakabuti ang komunsulta sa doktor at humingi ng payo tungkol sa kung ano ang dapat na gamitin
  • Iwasan ang pagtuklap o pagkamot ng kung anong makikita sa balat ng bata
  • Panatilihin ang kalinisan ng baby. Gawing regular ang paligo at paghilamos sa baby
  • Huwag hahayaang matuyuan ng pawis ang sanggol. Nagiging rason ito upang magka rashes ang baby
  • Komunsulta sa doktor kung ano ang tamang pagbilad sa araw ng baby
  • Huwag hahayaang lamukin ang sanggol o kaya ay kagatin ng langgan o anumang insekto. Nagiging sanhi ito ng rashes
  • Gumamit ng pulbos na anti rash. Magkonsulta sa doktor ukol dito

Tandaan lamang ang lahat ng nabanggit. Gawin ito upang makaiwas si baby sa pagkakaroon ng rashes. Sa huli, ang pagiingat pa rin ng magulang ang pinaka-mahalaga sa lahat. Kapag may pag-iingat ng magulang, anumang sakit katulad ng rashes ay maiiwasan. Upang mas maging mabisa ang pagiingat na ito, mas mabuti ang magkaroon ng regular check up ang bata upang ma-monitor ang kalusugan ng mahal mong anak.

KATULAD NA MGA ARTIKULO