Pagbubuntis sa Ika-3 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Pagbubuntis sa Ika-3 Linggo: Kumpirmado na ba?

Nakapaloob sa artikulong ito ang iba’t-ibang impormasyon tungkol sa pagbubuntis sa ikatlong linggo. Tatalakyin natin ang kalagayan ni baby, ni nanay, at marami pang iba.

Pagbubuntis sa Ika-3 linggo: Ano ang kalagayan ni baby?

Buo na ba si baby sa ikatlong linggo ng pagbubuntis? Marahil ito ang katanungan ng marami. Pero ano nga ba ang kalagayan ni baby sa loob ng tiyan sa linggong nabanggit.

Ang katotohanan, nag meet ang sperm cell ng lalaki at ang hinog na itlog ng babae, isang linggo ang nakaraan. Kung kaya mayroon ng namuong baby sa ikatlong linggo ng pagbubuntis.

Ngunit, karamihan sa mga babe na katulad mo ay hindi pa pansin na posibleng buntis ka na ng tatlong linggo. Dahil ang tinatawag na conception ay nangyari pa lamang ilang araw ang nakararaan.

Posible rin na hindi mo mapansin na delay kana sa ikatlong linggo. Dahil ang pag calculate ng pregnancy ay naguumpisa sa unang araw ng huling menstrual period mo, o buwanang dalaw.

Mga pagbabago kay baby sa Ika-3 linggo ng pagbubuntis

Sa ikatlong linggo ni baby sa loob ng tiyan ni mommy ay marami na ang mga kahanga-hangang naganap. Ngunit alam mo bang wala pang length at timbang si baby sa puntong ito? Nakapagtataka ito dahil sa panahon pa lamang ng conception ay nabuo na ang kasarian ni baby, maging ang iba pang inherited genetic characteristics katulad ng kulay ng mata, buhok, balat, at body type.

Alam mo bang zygote ang tawag sa baby na nasa tiyan mo ngayon? Binubuo ito ng 46 chromosomes, 23 nito ay galing saiyo, at 23 naman galing sa partner mo. Ang chromosomes ay ang tumutulong na ma determine ang kasarian ni baby at ang iba pang characteristics nito.

Kung kaya’t ang pagbubuntis sa ikatlong linggo ay ang tinuturing ng mga eksperto na opisyal simula ng pagbubuntis ni mommy.

Mga sintomas sa Ika-3 linggo ng pagbubuntis ni nanay

Kaakibat ng pagbubuntis ay ang mga hatid nitong sintomas at komplikasyon, kaya naman nangangailangan ito ng matinding atensyon, lalong lalo na sa mga taong nakapalibot ditto. Ngunit, mayroon rin namang mga babae na hindi pa nakakaranas ng mga sintomas ng pagbubuntis sa ikatlong linggo nito. Gayunpaman, alamin natin ang ilan sa mga sintomas habang nagdadalang tao si mommy sa ikatlong linggo.

  • Bahagyang pagdurugo dahil sa implantation  – Nangyayari ang spotting o pagdurugo sa oras na ang fertilized egg ay nag umpisa ng bumaon sa wall ng uterus mo, na siya namang magsisilbing pansamantalang tirahan ng hinog na itlog.
  • Pag-positive sa pregnancy test – Alam mo bang sa ikatlong linggo ng pagdadalang tao ay ang karaniwang nababasa ng PT o pregnancy test. Kung kaya kapag hindi pa umabot ng tatlong linggo ang pagbubuntis ay posibleng negative ang test nito.
  • Pag-positive sa blood test – Katulad ng PT sa ikatlong linggo rin nagiging positibo ang test gamit ang dugo ni mommy. Blood pregnancy test and tawag dito, karaniwan itong isinasagawa sa mga rehistradong klinika.
  • Hindi ka na dinatnan – Sa ikatlong linggo lang ng pagbubuntis mapapansin mo na na miss mo na pala ang monthly period mo. Mas madali itong ma determine kapag ang menstrual cycle mo ay mas maikli sa 28 days.
  • Mga pagbabago sa suso – Dahil sa hormonal changes ng babae sanhi ng pagbubuntis, nagiging mas malaki at malambot ang dibdib o suso nito.
  • Pagkahilo– Habang ang pregnancy hormone ay unti-unting pumasok sa buntis mong katawan, makakaramdam ka ng iba’t ibang masamang pakiramdam. Magiging sanhi ito ng pagkahilo, pagsakit ng ulo, panghihina, at pagsusuka. Maaari rin itong mas lumalala pa habang tumatagal ang pagbubuntis. Ngunit normal lamang ito ayon sa mga eksperto.
  • Matinding pagkatakam sa partikular na mga uri ng pagkain – Isa sa pangunahing rason kung bakit tumataba ang babaeng nagbubuntis ay dahil sa paglakas nito sa pagkain, lalong lalo na sa mga pagkaing mataas sa carbohydrates. Kailangan ito ni mommy para magkaroon ng extra energy para sa baby na nasa loob ng tiyan.

Iilan lamang yan sa mga sintomas ng pagbubuntis ng tatlong linggo. Laging isaisip na iba-iba ang mga sintomas ng pagbubuntis sa kababaihan. Kung kaya’t mas mainam pa rin na mag patingin sa doktor o OB/GYN upang magsagawa ng opisyal na pagsusuri para dito.

Checklist para sa pagbubuntis sa Ika-3 linggo

  • Maaari mong kwentahin ang petsa ng iyong panganganak o due date
  • Bumili at magsagawa ng home pregnancy test, mura lang naman ito sa mga botika
  • Patuloy na uminom ng vitamins para sa buntis huwag kalimutan ang paginom ng folic acid
  • Magbasa ng higit pa sa mga bagay na kailangan mong malaman ukol sa unang trimester ng pagbubuntis
Pagbubuntis sa Ika-3 Linggo
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO