Pagbubuntis sa ika-8 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Dapat Tandaan sa Pagbubuntis sa ika-8 Linggo

Ang pagbubuntis sa ika-walong linggo ay katumbas ng ikalawang buwan mo ng pagbubuntis. Maaring hindi pa lubusang lumalaki ang iyong tiyan ngunit, siguradong unti-unti mo ng nararamdaman ang paglaki ng bata sa iyong sinapupunan.

Tulad ng maraming kababaihan, maari ka ng pumunta sa iyong doktor at magkaroon ng kauna-unahang prenatal appointment.

Sa iyong pagbisita, maaring magsagawa ng ultrasound upang malaman ang progreso ng iyong anak. Maari mo na rin makita at marinig ang pagtibok ng puso ng iyong anak.

Gaano na kalaki si baby sa Pagbubuntis sa ika-8 linggo?

Sa panahon ng ika-walong linggo ng iyong pagbubuntis, ang bata ay kasinglaki ng raspberry, may timbang na 0.04 onsa at may laking 0.63 pulgada. Sa paglipas ng bawat araw, lumalaki ang iyong anak ng ilang milimetro.

Pagdating na walong linggo, maari o hindi pa mapansin ang paglaki ng iyong tiyan. Iyan ay dahil bawat kababaihan ay iba sa isa’t isa. Walang duda na mararamdaman mo na lumalaki ang iyong bahay-bata ngunit, kailangan mo pa maghintay ng ilang linggo bago tuluyan itong mapansin ng iba. Kung ikaw ay nagdadalang-tao ng kambal, mas madaling mapapansin na ikaw ay buntis pagdating ng ika-walong linggo.

Pagsapit ng ika-walong linggo, ikaw ay dalawang buwan ng buntis.

Mga Sintomas ng Pagbubuntis sa ika-8 linggo

Maraming matinding pagbabago sa iyong hormones pagsapit ng ika-walong linggo. Maaring maramdaman mo na ikaw ay may superhuman na pang-amoy na magiging sanhi upang sumakit ang iyong tiyan. Pagdating ng ika-walong linggo, maging handa sa mga sintomas ng pagbubuntis na maari mong maramdaman tulad ng:

  • Pamamaga ng dibdib – Mararamdaman mo na lumalaki at bumibigat ang iyong dibdib o sa madaling salita, namamaga. Ito ay dahil sa lumalaking mga milk-producing lobules na nasa iyong dibdib. Ngunit, lahat ng ito ay nangyayari dahil sa magandang rason: inihahanda na ang iyong katawan sa pagpapa-suso.
  • Pagod – Kahit ilang oras ng pagtulog ay mahirap para sa taong nasa ika-walong linggo ng kanilang pagbubuntis.  
  • Bakit? Pabago-bago ang level ng iyong hormones, ang iyong katawan ay gumagawa ng mas maraming blood supply para sa iyong anak, at ang iyong blood sugar levels ay mas mababa kumpara sa nakaraang mga linggo.
  • Ano ang pinakamagandang solusyon? Mas mahabang tulog. Alam namin na mas madali itong sabihin kesa gawin ngunit, ang pagtulog ang dapat maging pangunahing prayoridad mo. Matulog ng maaga at umidlip kapag nakaramdam ng antok.
  • Morning sickness – Ang pagkaduwal ay matindi pagdating ng ika-walong linggo. Muli, ito ay may kaugnayan sa pregnancy hormones. Laging uminom ng tubig, at kumain ng masustansiyang pagkain. Ayon sa ibang kababaihan, mabisa ang luya, Vitamin B-6, at acupressure wristbands para mawala ang morning sickness.
  • Malakas na pang-amoy – Maliban sa morning sickness, isa pa sa kakaibang sintomas ng pagbubuntis sa ika-walong linggo ay ang malakas na pang-amoy. Kapag naka-amoy ka ng bagay na mabaho o may malakas na amoy, maaring maging sanhi ito upang ikaw ay maduwal. Kaya maging maingat at lumayo sa mga ito.
  • Pagsakit ng Puson – Pagdating ng ika-walong linggo, normal na makaranas ng pananakit ng puson. Ito’y dahil lumalaki ang mga ligaments sa iyong abdomen habang lumalaki ang iyong bahay-bata. Kung masyadong malubha ang pananakit nito, sabihin agad ito sa iyong doktor.
  • Hirap sa Pagdumi o Constipation – Kung ikaw ay nahihirapan na magbawas, hindi ka nag-iisa. Kalahati ng mga buntis ay nakakaranas ng constipation. Para masolusyonan ito, uminom ng maraming tubig, kumain ng gulay at prutas na mayaman sa fiber, at maglakad-lakad. Kung patuloy ka pa ring nahihirapan sa pagdumi, tanungin ang iyong doktor para sa ibang posibleng gamot.
  • Kakaibang panaginip – Kung ikaw ay nagkakaroon ng makukulay at kakaibang panaginip, normal lamang ito. Hindi malinaw kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit nagkakaroon ng kakaibang panaginip ang mga buntis ngunit, maaring dahil ito sa kanilang pananabik o hindi kaya pagkabalisa.
  • Pagdurugo – Nakaka-alarma kung ikaw ay makakaranas ng pagdurugo pagsapit mo ng ika-walong linggong pagbubuntis dahil maaring senyales ito ng miscarriage o pagkalaglag ng bata. May iba pang dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagdurugo pagdating ng unang trimester, kabilang ang pakikipagtalik. Kapag nakaranas nito, sabihin agad sa iyong doktor upang malaman ang sanhi ng pagdurugo.

Kung ikaw ay nagdadalang-tao ng kambal, mas matinding pagod at pagkaduwal ang iyong mararamdaman dahil higit na mas mataas ang level ng pregnancy hormones na kailangan ng iyong katawan.

Laging tandaan: Kung ikaw ay nakakaramdam ng pagkaduwal, gutom, o kaya’y matinding pagod, ito ay dahil lumalaki ang bata sa iyong sinapupunan, at patuloy na umaangkop ang iyong katawan sa mga pagbabago nito. Maging positibo ka, at alalahanin na lahat ng iyong pagsasakriprisyo ay magiging sulit.

Dagdag pa, ang hindi pagkakaroon ng alinmang sintomas pagdating ng ika-walong linggo ng pagbubuntis ay normal lamang. Kaya, huwag mag-alala kung wala ka pang nararamdaman na mga pagbabago sa iyong katawan.

Checklist para sa ika-8 linggo ng pagbubuntis

  • Bumili ka na nang bagong bra! Malamang na masikip na ang mga dati mong gamit. Maaaring makabili ka ng maternity bra o basta maluwang, malambot at komportableng bra
  • Subukang aralin ang Kegel exercise, ito ay iriniekomenda ng mga doktor
  • Siguruhing may sapat na supply ng antacid bilang paghahanda sa pagkakaroon ng hurtburn dahil sa pagbubuntis
  • Bumisita sa dentista
  • Ipakipag-usap sa doktor ang mga test na kanyang hinihingi

Pagbubuntis sa ika-8 Linggo
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO