Pagbubuntis sa ika-9 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 4 minuto

Pagbubuntis sa ika-9 Linggo: Mga Paghahandang Dapat Nang Gawin Ngayon

Ngayon na siyam na linggo ka ng buntis, maaring nagsisimula ka ng mag-isip kung paano magbabago ang buhay mo kapag nagkaroon ka na ng anak.

Simulan mo na at ng iyong kasama ang pagbu-budget upang maging handa kayo sa pagdating ng maliit na supling sa inyong buhay. Simulan mo na rin ayusin ang mga papeles na kakailanganin upang makakuha ka ng maternity leave sa iyong trabaho.

Sa ganitong paraan, hindi ka mahihirapan magpaalam sa iyong boss kapag malapit na talaga ang araw iyong panganganak.

Gaano na kalaki ang bata sa Pagbubuntis sa ika-9 linggo?

Pagdating ng siyam na linggo, ang bata ay kasinglaki ng isang pirasong kape. Ang iyong siyam na linggong taong gulang na fetus ay mabilis na lumalaki. Sa kalakuyan, humigit kumulang na 0.9 pulgada ang kaniyang sukat at tumitimbang ng 0.07 pulgada.

Maraming future nanay ang mahihirapan ng i-botones ang kanilang pantalon pagsapit ng ika-siyam na linggo ng pagbubuntis.

Ang iyong bahay-bata ay patuloy na lumalaki upang maalalayan nito ang lumalaking fetus. Sa katunayan, dumoble na ang laki nito.

Kung hahawakan mo ang iyong tiyan, mapapansin mo na ang ibabang bahagi nito ay mas matigas, iyan ang iyong bahay-bata o uterus.

Pagkatapos lamang ng ilang araw, mapapansin mo na unti-unti ng bumababa ang iyong bahay-bata.

Ang pagdadagdag ng timbang pagsapit ng ika-siyam na linggo ng pagbubuntis ay maganda at irenerekomenda ng mga doktor. Tanungin ang iyong doktor kung ilang kilo ang kaniyang irerekomendang idagdag sa iyong timbang. Nakadepende ito sa iyong pre-pregnancy body mass index (BMI).

Halimbawa, kung ikaw ay may average na BMI, maaring madagdagan ng 25 hanggang 35 pounds pa ang iyong timbang sa kabuuan ng siyam na buwan.

Ang tatlo hanggang limang pounds mula dito ay dapat madagdag na agad habang ikaw ay nasa unang trimester pa lamang.

Kung ikaw ay nagdadalang-tao sa kambal, simulan mo na ngayong magdagdag ng isang pound kada linggo.

Ang Pagbubuntis sa ika-9 linggo ay katumbas ng ilang buwan?

Pagsapit ng siyam na linggo, ikaw ay 2 buwan ng buntis. Ngayong linggo, ikaw at ang iyong anak ay nakagawa ng dalawang malaking pagdiriwang.

Una, Ikaw ay magsisimula na sa ikatlong buwan, at ang iyong anak ay hindi na embryo – isa na siyang fetus. Nangangahulugan ito na unti-unti ng nabubuo ang bahagi ng kaniyang katawan.

Pangalawa, pareho kayong papalapit na sa pagtatapos ng unang trimester, isang buwan na lang at sasalubungin niyo na ang ikalawang trimester.

Mga Sintomas ng Pagbubuntis sa ika-9 linggo

Ngayon, ang epekto ng pregnancy hormone na hCG sa iyong katawan ay nasa pinakamataas na level. Nangangahulugan na pagsapit ng ika-siyam na linggo, ang ilang sintomas ng pagbubuntis ay magiging malubha.

Ngunit, kapit lang dahil makalipas ang ilang linggo, baba na ang level ng hormones na ito at makakaramdam ka na ng ginhawa. Narito ang madalas na sintomas ng mga kababaihan sa kanilang ika-siyam na linggo ng pagbubuntis.

  • Pabago-bagong emosyon –  Ito ay maaring dahil sa maligalig na hormones sa iyong katawan o hindi kaya’y sanhi ng iba pang sintomas ng pagbubuntis tulad ng pagkaduwal, at matinding pagod. Kung nakakaramdam ka ng ganito, itigil muna ang iyong ginagawa at mag-relax.
  • Morning sickness – Higit sa 80 porsyento ng buntis ang nakakaramdam ng morning sickness. Mas malala ang sintomas nito lalo na kapag kambal ang iyong magiging anak.
  • Sa ika-siyam na linggo ng pagbubuntis, maging handa dahil kadalasan na pinakamalubha ang sintomas ng morning sickness sa panahong ito. Ayon sa mga kababaihan, epektibong lunas sa morning sickness ang luya, madalas na pagkain ng meryenda, at vitamin B6. Maaring ikaw ay nagdudusa sa ngayon pero, alalahanin na lilipas din ito. Kaya mo yan!
  • Madalas na pag-ihi – Ito ay dahil patuloy na lumalaki ang iyong bahay-bata kaya tumataas din ang blood flow sa bahagi ng iyong pelvic area dahilan upang mas mapadalas ang pagpunta mo sa palikuran. Gayunpaman, uminom pa rin ng maraming tubig dahil mahalaga ito upang maayos na magproseso ang iyong katawan.
  • Pagod – Dahil matindi ang ginagawang pagtratrabaho ng iyong katawan upang mabuo ng maayos ang munting bata sa iyong tiyan, madali kang makakaramdam ng pagod. Matulog ka ng mas mahaba, at panatilihing balanse ang iyong blood sugar levels sa pamamagitan ng pagkain ng masustansiyang prutas at gulay. Pagsapit mo ng ikalawang trimester, mapapansin mo na unti-unti ng bumabalik ang dati mong enerhiya.
  • Baradong ilong – Surprise! Ang pagbubuntis ay magdulot ng mas maraming mucus production ng katawan. Isa itong hindi inaasahang sintomas ng pagbubuntis kaya siguraduhing laging may dalang panyo o tissue paper.
  • Masakit na ulo – Ang pabago-bagong hormones ng katawan ay maaring magdulot sa iyo ng sakit ng ulo. Ang dehydration, caffeine withdrawal, gutom, kulang sa tulog, at stress ay maari ring makadagdag sa problemang ito.

Masosolusyunan mo ito sa pamamagitan ng madalas na pagkain bawat dalawang oras, mahabang tulog, at pag-inom ng maraming tubig. Ang warm o cold compress ay makakatulong din upang mabawasan ang sakit ng iyong ulo para makatulog ka ng mahimbing.

Bago uminom ng alimang gamot, linawin ito sa iyong doktor.

Marami ang nagsasabi na maaring uminom ng acetaminophen (Tylenol) ngunit, bawal ang aspirin at ibuprofen (Advil).

Checklist para sa ika-9 linggo ng pagbubuntis

  • Magsimula ka nang gumawa ng listahan ng mga posibleng gastusin para sa baby
  • Gumawa ka na nang listahan ng lahat ng masasayang mga gawain na kailangan mong gawin bago lumabas si baby
  • Kumain ng maraming prutas at gulay
  • Maglakad-lakad, 30 minuto bawat araw. Siguraduhing maing bahagi ito ng iyong pang-araw araw na rutin
Pagbubuntis sa ika-9 Linggo
2 (40%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO