Pagbubuntis sa Ika-34 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 4 minuto

Mga Dapat Malaman sa Pagbubuntis sa Ika-34 na Linggo

Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo! Alam mo ba na ang mausisa mong anak ay nakikinig sa boses mo at sa mga usap-usapan na nagaganap sa mundo? Sa katunayan, magugustuhan niya kung kakantahan mo siya ng mga lullaby songs.

Ayon sa ilang eksperto, may mga babies na pagkatapos ilabas sa mundo ay nakakakilala sa mga awitin na kinanta ng kanilang mga nanay habang nasa loob pa sila ng sinapupunan. Mas madali silang kumalma kapag ang mga awiting ito ang kinanta sa kanila.

Kaya, huwag mahiya. Ang Pagbubuntis sa Ika-tatlumpu’t apat na Linggo ay magandang panahon upang ipakilala mo sa iyong anak ang iyong mapagkalingang tinig.

Gaano kalaki ang 34 linggong baby?

Pagsapit ng ika-tatlumpu’t apat na linggo ng pagbubuntis, ang iyong baby ay kasinglaki ng isang butternut squash. Sa ngayon siya ay may sukat na 17.7 inches at bigat na 4.7 pounds.

Ang Pagbubuntis sa Ika-tatlumpu’t apat na Linggo ay katumbas ng pitong buwan at dalawang linggo. Anim na linggo na lamang ang iyong hihintayin at sa wakas ay makikita mo na ang iyong maliit na sanggol.

Ang iyong tiyan ay mas mababa kumpara sa mga nakalipas na linggo. Ito ay dahil bumaba ang iyong baby papunta sa iyong balakang.

May kagandahan dulot ito dahil mas makakahinga ka ng maayos sapagkat nagkaroon ng mas malaking espasyong nakalaan sa iyong baga. Ahh! (Ngunit, may ilang sanggol na hindi ito ginagawa hanggang sa mismong araw ng kanilang paglabas, kaya hindi ito garantiya na mangyayari sa ika-tatlumpu’t apat na linggo ng pagbubuntis.)

Sa kasamaang palad, mas lalong bumigat ang dinadala ng iyong pantog kaya, maghanda sa mas maraming paglalakbay papuntang palikuran.

Ngayong nasa ika-tatlumpu’t apat na linggo ka ng pagbubuntis, ang iyong tiyan ay dapat may sukat na 32 hanggang 36 na pulgada mula sa taas ng bahay-bata hanggang sa balakang.

Kung mas malaki o mas maliit ang iyong nasukat kumpara sa karaniwan, maaring naka-tagilid ang iyong anak o kaya’y may abnormal na dami ng amniotic fluid. Kung may kakaiba sa nasukat na fundal height mo, maaring magsagawa ang iyong doktor ng ultrasound upang malaman ang dahilan nito.

Nakakatuwang Kaalaman: Pinakamataas ang dami ng amniotic fluid sa pagitan ng talumpu’t apat at talumpu’t anim na linggo pagkatapos nito ay mapapansin mo na hindi na masyadong lalaki pa ang iyong tiyan.

Ito ay dahil kailangang bawasan ang amniotic fluid sa mga susunod na linggo upang magkaroon ng dagdag na silid ang lumalaking sanggol sa iyong tiyan. Huwag mag-alala dahil sapat pa rin ang ginhawa para sa iyong anak, ang siyang maiiba ay ang mararamdaman mo kapag siya ay gumalaw.

Ipagpatuloy mo pa rin ang kick counts ng iyong sanggol. Magtakda ka ng timer at alamin kung gaano katagal ang aabutin bago siya gumalaw ng sampung beses. (Dapat mas mababa sa isang oras.) Gawin ito araw-araw at dapat magkakatulad lamang ang tagal nito. Kung pabago-bago, sabihin ito sa iyong doktor.

Kung ikaw ay talumpu’t apat na linggong buntis ng kambal, maaring hindi ka mapakali. Ito ay isang psychological sign na malapit ng lumabas ang iyong mga anak. Para sa mga magiging nanay ng kambal, ang karaniwang haba ng twin pregnancy ay tumatagal lamang mula 35 hanggang 37 na linggo.

Kung hindi pa naman kinakailangan ilabas ang iyong mga anak ng maaga, maari ka pang maghintay hanggang ika-tatlumpu’t pitong linggo.

Ano-ano ang mga sintomas na mararamdaman ng 34 linggong buntis?

Ang mga sintomas ng Pagbubuntis sa Ika-tatlumpu’t apat na Linggo na iyong mararamdaman ay tulad ng mga tipikal na sintomas sa huling yugto ng pagbubuntis. Ngunit, mas pinatindi pa.

  • Malabong paningin. Ang kombinasyon ng hormones, fluid buildup, at kakulangan sa tulog ang madalas na dahilan kung bakit malabo ang iyong paningin. Minsan, ito ay karaniwan at panandaliang sintomas lamang ngunit, kung ang malabong paningin na nararamdaman mo ay may kasamang pamamaga, mabilis na pagbigat ng timbang, at pagmamanas, maaring ito ay senyales ng preeclampsia kaya tawagan agad ang iyong OB.
  • Matinding pagod. Walang duda na nakakapagod na may dala-dala kang mabigat sa iyong tiyan (kahit isa man yan o kambal!). Dagdag hirap pa na kulang ka ng tulog sa gabi!
  • Constipation. Mahirap na nga ang mga sintomas na nararamdaman mo ngayong nasa ika-talumpu’t apat na linggo ka ng pagbubuntis, ay nadagdagan pa ng hirap sa paglabas ng dumi. Laging alalahanin na maglakad-lakad, kumain ng mayaman sa fiber (madahon at kulay berde na mga gulay), at uminom ng maraming tubig para mabawasan ang constipation.
  • Almoranas. Ang namamagang almoranas ay dulot ng matinding bigat na nilalagay ng iyong baby sa iyong rectum. Upang mabawasan ang pamamaga nito, iwasan mong maging constipated at magpapalit-palit ng posisyon sa buong araw para mabawasan ang bigat sa ibabang bahagi ng iyong katawan.
  • Nagmamanas na bukong-bukong at paa. Umupo ka ng maayos at itaas mo ang iyong mga paa para mabawasan ang pamamaga.
  • Matinding bigat sa balakang. Habang bumababa ang iyong baby bilang paghahanda sa kaniyang paglabas, mararamdaman mo na mas bumibigat ang ibabang bahagi ng iyong katawan at mas lalong magiging madalas ang iyong pag-ihi.
  • Braxton Hicks contractions. Ang mga buntis ng tatlumpu’t apat na linggo ay normal lamang na makaramdam ng pamumulikat dahil tanda ito na naghahanda ang katawan para sa paglabas ng iyong anak. Ngunit, kung masyadong sumasakit ang iyong balakang, mayroong pagdurugo, at walang tigil ang pag-contract ng iyong tiyan sa loob ng isang oras, maaring ito ay senyales ng preterm labor. Tawagin agad ang iyong doktor.  

Pregnancy checklist para sa ika-34 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • I-schedule ang ika-tatlumpu’t anim na prenatal visit
  • Subukan ang perineal massage
  • Isulat ang thank-you notes ng iyong baby shower
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO