Pagbubuntis sa Ika-31 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Dapat Paghandaan sa Pagbubuntis sa Ika-31 Linggo

Alam mo ba na pagsapit ng Pagbubuntis sa ika-tatlumpu’t isang linggo, lahat ng 5 senses ng iyong baby ay ganap ng buo? Mas nagiging matalino na rin siya! At ikaw sa kabilang palad ay maaring nakakaramdam ng kabaliktaran.

Karaniwan lamang para sa mga buntis na nasa kanilang ikatlong trimester ang pagiging makakalimutin dahil sadyang marami lamang silang iniisip.

Tinatawag din itong “pregnancy brain”. May ilan na hindi naniniwala rito pero sa totoo lang, may sapat na dahilan upang maging makakalimutin ang mga tatlumpu’t isang linggong buntis. Andiyan ang masakit na katawan na kanilang iniinda, at ang papalapit na papalapit na araw ng kanilang panganganak.

Gaano na kalaki si baby pagsapit ng 31 linggo?

Ang iyong anak ay kasinglaki na ng isang bugkos ng asparagus. Siya ay may haba na 16.2 inches, at may timbang na 3.3 pounds. Lalo pang lumalaki ang iyong anak, at mas malaki rin ang espasyo na sinasakop niya malapit sa iyong baga. Ito ang dahilan kung bakit napapansin mong mabilis kang hingalin pagkatapos mong umakyat sa hagdanan.

Ang tatlumpu’t isang linggong pagbubuntis ay katumbas ng anim na buwan, at tatlong linggo. Malapit ka ng magsimula sa ika-pitong buwan pagkatapos ng linggong ito.

Ngayon na nasa tatlumpu’t isang linggo ka na ng pagbubuntis, inirerekomenda na ikaw ay mas bumigat ng 21 hanggang 27 pounds. Kung kambal naman ang iyong dinadala, mula 27 hanggang 42 pounds ang dapat itaas ng iyong timbang.

Ang Pagbubuntis sa ika-tatlumpu’t isang linggo ay nagiging sagabal sa mga pangaraw-araw na gawain tulad ng pagtatali ng sintas ng sapatos o maging sa pakikipagtalik. At lalong lalo na sa pagkilos at paggalaw.   

Ano-ano ang mga sintomas na maaring maranasan ng 31 linggong buntis?

Mula ngayong tatlumpu’t isang linggo hanggang sa mga susunod pa, halos magkatulad na mga sintomas ang iyong mararanasan. Ang ilan ay mas lalong tumitindi, at ang iba naman ay mas gumaan. Narito ang mga tipikal na mga sintomas ng Pagbubuntis sa ika-tatlumpu’t isang linggo:

  • Hinahabol ng hininga. Mas mahihirapan ka gumalaw-galaw dahil lalo kang bumibigat, at mas madali kang hingalin. Laging tandaan na huwag mong masyadong pagurin ang iyong sarili. Maganda para sa iyo at sa iyong baby ang mag-ehersisyo ngunit, magpahinga rin agad kapag nakaramdam ng pagod.
  • Tuyo, at mabilis mabasag (brittle) na kuko. Mapapansin mo na mas mabilis tumubo ang mga kuko mo sa kamay at paa pero, ingatan itong mabuti dahil ito ay mas tuyo at mabilis mabasag kumpara sa karaniwan mong kuko. Makakatulong ang paglalagay ng moisturizing cuticle oil upang maalagaan ito. Sa kabilang banda, isa itong magandang palusot upang huwag muna magpa-manicure at pedicure.
  • Braxton Hicks contractions. Upang mabawasan ang pananakit na dulot ng Braxton Hicks, laging uminom ng maraming tubig, at magpapalit-palit ng posisyon. Ang ganitong gawain ay makakatulong upang maiwasan na itong mga “practice contractions” ay mauwi sa preterm labor. Kung ikaw ay nakakaramdam ng ganitong komplikasyon, lalo na’t kung ikaw ay may dinadalang kambal, mas mataas ang posibilidad na humantong ito sa preterm labor.
  • Leaky boobs. Ang kulay dilaw na likido na lumalabas sa iyong dibdib ay ang unang pagkain ni baby. Tinatawag itong “colostrum”. Ang paglabas nito ay paraan ng iyong katawan upang mapaghandaan ang pagdating ng iyong anak.
  • Madalas na pag-ihi. Katulad ng nangyayari sa iyong baga, kinakain din ng lumalaki mong tiyan ang espasyong nakalaan para sa iyong bladder. Walang maaring gawin upang mabawasan ang dalas nito maliban na lamang sa tanggapin ito, at idagdag ang madalas na pagpunta sa palikuran sa iyong daily routine.
  • Masakit na likod. Siguraduhing laging magunat-unat upang mabawasan ang sakit ng iyong likod. Ang pagsali rin sa prenatal yoga class ay makakatulong.
  • Hirap sa pagtulog. Walang duda na mahihirapan ka matulog kung sumasakit na nga ang iyong likod ay dagdagan pa ng sumasakit mo ring bahay-bata. Mahirap din makahanap ng kumportableng posisyon kung may malaking tiyan kang dala-dala. At hindi rin hihimbing ang iyong tulog dahil lagi mong kinakailangan tumayo para pumunta sa palikuran.  

Pregnancy checklist para sa ika-31 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • Ihanda ang iyong mga alagang hayop para sa pagdating ni baby
  • Alamin ang mga senyales ng preterm labor
  • Gawing ligtas para sa baby ang iyong tahanan
  • Bumili ng keepsake book para kay baby

Pagbubuntis sa Ika-31 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO