Pagbubuntis sa Ika-30 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Gawin Ang Mga Sumusunod sa Pagbubuntis sa Ika-tatlumpung Linggo

Naiisip mo ba na tila ikaw ay isang naglalakad na tiyan? Ang iyong malaking tiyan ay hindi lamang nakakapekto sa iyong pagtulog, lagi rin ito nagiging sentro ng usap-usapan. Kahit saan ka pumunta, marahil marami ang nagsasalita tungkol sa iyong itsura. At walang duda kung may nakasalamuha ka ng tao na nagsabi sa iyo ng mapanakit na salita. Pilitin mo na huwag dib-dibin ang kanilang mga sinasabi. Magtiwala ka sa iyong sarili na ikaw ay maganda, at isipin na may bata ka na pinapalaki sa iyong kahanga-hangang katawan. Isa pa, ang pagiging buntis ay bentahe sa mga pila at upuan sa bus at tren.

Gaano kalaki si Baby pagdating ng 30 linggo?

Ang iyong baby ay kasinglaki na ng isang zucchini. Ang iyong 15.7 pulgada, at 2.9-pound na 30-linggong fetus ay patuloy na lumalaki ng kalahating libra at kalahating pulgada kada linggo.

Ang 30 Weeks na buntis ay katumbas ng ilang buwan?

Ang Pagbubuntis sa Ika-tatlumpung Linggo ay katumbas ng anim na buwan, at dalawang linggo. Humigit kumulang sampung linggo na lang at mangangak ka na!

Ano-ano ang mga sintomas ng 30-linggong buntis?

Marahil na ngayong nasa ika-tatlumpung linggo ka na ng pagbubuntis, mas lalong magiging kakaiba ang iyong mga panaginip. Ito’y maaring dulot ng hormones o kaya ng malabis na pag-aalala. Subukan gumawa ng prep work para mabawasan ang iyong pagkabalisa. Isang magandang ideya ang pagte-test drive upang malaman kung ilang minuto ang aabutin bago ka makarating sa hospital. Sa ganitong paraan, mababawasan ang pangamba mo na abutan ng panganganak sa loob ng sasakyan. Narito pa ang ilang karaniwang sintomas ng Pagbubuntis sa Ika-tatlumpung Linggo:

  • Heartburn. Kung ikaw ay nakakaramdam ng heartburn, alamin kung anong pagkain ang sanhi nito. (Madalas, ito ay dulot ng mamantika, maanghang o acidic na pagkain). Iwasan mo ito lalo na kapag malapit ka ng matulog.
  • Problema sa pagtulog. Kung ikaw ay hindi mapakali, maaring ito’y dahil marami kang iniisip. Iwasan mo ito dahil magdudulot ito ng dagdag na problema: matinding pagod.
  • Pamamaga. Ang maliit na pamamaga ay asahan na at madalas ay nawawala din ito kapag tinaas mo na ang iyong paa. Kung makakaramdam ng biglaan at matinding pamamaga, maaring palatandaan ito ng isang komplikasyon. Sabihin ito agad sa iyong doktor.
  • Pagiging hindi komportable. Dahil sa iyong malaki at mabigat na tiyan. Sasakit ang iyong likod, balakang, paa, at halos buong katawan.
  • Hinahabol na Hininga. Ang iyong lungs ay patuloy na nasisiksik dahil ang iyong baby ay umaabot na malapit sa iyong rib cage pagsapit ng 30 weeks. Baba rin ito pagdating ng 33 o 34 weeks. Malalaman mo na bumababa na ang iyong baby dahil sa wakas! Makakahinga ka na ulit ng malalim. Ah!

Ilan ang rekomendadong dagdag timbang at fundal height para sa mga 30-linggong buntis?

Whoa! Minsan, mapapansin mo na biglang tumitigas at humihigpit ang iyong tiyan. Oo, dahil para sa mga 30 linggo na buntis, karaniwan ang makaramdam ng Braxton Hicks contractions. Ito’y dahil ang iyong katawan ay naghahanda na para sa paglabas ni baby. Ang Braxton Hicks ay madalas nangyayari pagkatapos mag-ehersisyo o makipagtalik, o kapag ikaw ay pagod at dehydrated. Kapag naramdaman mo ito, umupo, humiga patagilid, mag-relax, at uminom ng tubig. Kapag hindi tumitigil ang contractions, o kapag nakakaramdam ng apat na pag-contract at higit pa sa loob ng isang oras, tawagin agad ang iyong doktor dahil maaring ito ay preterm labor.

Ang dapat na 18 – 25 pounds ang timbang na nadagdag saiyo sa yugtong ito ng iyong pagbubuntis. Kung ikaw ay future mom ng kambal, 25 hanggang 40 pounds ang rekomendado na itinaas sa iyong timbang. Ang fundal height – distansiya mula sa iyong pubic bone hanggang sa taas ng iyong uterus – ay dapat 28 to 32 sentimetro.

Nalulungkot ka ba dahil iyong timbang? Huwag, sa halip, laging alalahanin na ito ay importante para sa iyo at sa iyong baby. Ang extra na timbang ay nagiging reserba upang magkaroon ng dagdag na gatas ang iyong anak. Huwag mag-alala sa iyong timbang dahil ito ay baba rin paglipas ng ilang buwan. Ngunit, patuloy na obserbahan ang iyong timbang dahil ang biglaang weight gain ay maaring senyales ng matinding komplikasyon na tinatawag na preeclampsia. Sabihin agad ito sa iyong doktor kapag biglang tumalon ang iyong timbang.

Habang nasa 30 linggo pa, ang ulo ng iyong baby ay naka-paitaas. Siya ay kumportableng lumulutang sa 1 ½ pint ng amniotic fluid. Medyo masikip pero, may sapat pa rin na puwang upang siya ay gumalaw-galaw. Pagdating ng mga susunod na linggo, lalo pang lalaki ang iyong tiyan hanggang sa umabot na ito sa iyong rib cage.

Checklist para sa ika-tatlumpung linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • I-schedule ang iyong 32-linggong prenatal checkup
  • Humingi ng tulong para sa papalapit na paglabas ni Baby
  • Paghandaan ang pagpunta sa hospital

 

Pagbubuntis sa Ika-30 Linggo
1 (20%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO