Pagbubuntis sa Ika-29 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Dapat Ihanda sa Pagbubuntis sa Ika-29 na Linggo

Tapos ka nang iyong ika-28 na linggo! Marahil nagkakaroon ka na ng preview kung ano ang magiging ugali ng iyong baby sa pamamagitan ng pakikinig sa kaniyang mga paggalaw. Maaring ang mga maliit na pagsipa at pagsuntok ay palatandaan na magiging isang magaling na dancer ang iyong anak.

Ang Pagbubuntis sa Ika-dalawampu’t siyam na linggo ay magandang panahon upang tapusin ang mga huling detalye ng iyong panganganak tulad ng pag-aayos ng kaniyang magiging kuwarto, at pagi-ipon ng mga baby care essentials. Maganda ring simulan mo na ang pag-aayos ng bag na dadalhin sa ospital kapag ikaw ay nanganak. Ilagay mo ito malapit sa pinto para madali mong madagdagan ang laman nito kapag may bigla ka pang naisip idagdag at para madali rin itong kunin kapag naging biglaan ang iyong panganganak.

 

Gaano na kalaki si baby sa ika-29 linggo?

Pagsapit ng ikadalawampu’t siyam na linggo, si baby ay kasinglaki ng isang katamtamang kalabasa. Ang iyong 29 na linggong sanggol ay may haba na 15.2 pulgada, at siya tumitimbang ng 2.5 pounds. Pero alam mo ba na tri-triple pa ang kaniyang bigat bago siya ipanganak?

Ang 29 linggo na buntis ay may rekomendadong weight gain na 19 hanggang 25 pounds. Para sa kababaihan na buntis ng kambal, ang weight gain ay dapat 23 hanggang 38 pounds. Kung hahawakan mo ang iyong tiyan, mapapansin mo na ang tuktok ng iyong uterus ay 3.5 – 4 pulgada ang taas mula sa iyong pusod.

Makakaramdam ka rin ng mas maraming pagsipa sa iyong tiyan. Mas nagiging masigla si baby dahil sa tumataas na energy levels. Ipagpatuloy ang ginagawang pagbilang sa sipa at siguraduhin na consistent ang bilang nito. Dapat gumagalaw ang iyong baby ng 10 beses sa loob ng dalawang oras o mas mababa pa.

Kung hindi mo nararamdaman ang paggalaw ni baby at ikaw ay nagsisimula ng mangamba, uminom ng malamig na tubig, magpatugtog ng relaxing na music, at magpa-masahe (magpatulong sa iyong asawa). Ang mga gawaing ito ay makakatulong upang gisingin si baby. Kapag ikaw ay nakapansin ng problema sa activity ng iyong anak, sabihin ito agad sa iyong doktor.

Ang Pagbubuntis sa Ika-dalawampu’t siyam na Linggo ay katumbas ng anim na buwan, at isang linggo.

 

Mga sintomas na mararamdaman ng 29 na linggong buntis

Ngayong dalawampu’t siyam na linggo ka ng buntis, ang iyong baby ay hindi lang basta basta gumagalaw, patuloy din siyang bumibilog. At habang siya ay lumalaki, lalong tumataas ang pressure sa iyong digestive system, kaya asahan na ang mga sumusunod na sintomas: hemorrhoids, heartburn, pelvic pain, at madalas na pag-ihi.

  • Pananakit ng ulo. Madalas kang makakaramdam ng pagsakit ng ulo, marahil ito ay dahil sa kulang ka sa tulog o kaya’y dahil mababa ang iyong blood sugar. Pilitin na magkaroon ng sapat na tulog, at kumain ng ilang beses kada oras.
  • Pangangati ng tiyan. Ang iyong balat ay lalong nagiging manipis, dahilan upang ito’y mas maging sensitibo. Pahiran ito ng lotion, at uminom ng maraming tubig. Ipagalam ito sa iyong doktor kung ikaw ay nakakaranas ng matinding pangangati o rashes.
  • Pananakit ng likod at baywang. Siguradong matinding pananakit sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang nararamdaman ng mga buntis na nasa kanilang ika-dalawampu’t siyam na linggo. Ang iyong katawan ay may dinadalang malaking pressure na nakakaapekto sa lahat ng bahagi nito. (Lalo na kung ikaw ay may dinadalang kambal!) Dagdagan pa na ang iyong mga kasukasuan ay mas malambot kaysa karaniwan dahil ito’y naghahanda na para sa iyong panganganak.
  • Almoranas o Hemorrhoids. Ang iyong baby ay nagbibigay din ng pressure sa iyong digestive system. Pinapa-relax ng pregnancy hormones ang iyong intestinal muscles sanhi upang magkaroon ka ng almoranas. Labanan ito sa pamamagitan ng pagkain ng mayaman sa fiber tulad ng leafy vegetables, at sabayan pa ng pag-inom ng maraming tubig.
  • Kahirapan sa pagdumi. Lalo nitong pina-palala ang problema sa almoranas. Makakatulong din ang fiber at tubig upang mabawasan ang constipation.  
  • Problema sa pagtulog. Huwag kang masosobrahan sa pag-inom ng maraming kape. Sa halip, uminom ng maraming tubig, at mag-ehersisyo – prenatal yoga at brisk walking.
  • Madalas na pag-ihi. Habang patuloy na lumalaki ang iyong bahay-bata, mas dadalas din ang pagpunta mo sa palikuran. Ngunit, hindi ito dahilan upang bawasan mo ang pag-inom ng tubig. Ang proper hydration ay mahalaga dahil nakakatulong ito upang mabawasan ang ibang sintomas ng Pagbubuntis sa Ika-dalawampu’t siyam na Linggo. Importante rin ito upang maiwasan ang preterm labor. (Mas mataas ang posibilidad ng preterm labor kapag ikaw ay may komplikasyon o kapag ikaw ay buntis ng kambal)  

 

Checklist para sa ika-29 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo

  • Magbasa tungkol sa third trimester test
  • Bantayan ang galaw ni baby
  • Kung mapansin mong irregular ang galaw nito, agad na ipagbigay alam sa doktor mo.

 

Pagbubuntis sa Ika-29 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO