Pagbubuntis sa Ika-28 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Dapat Alalahanin sa Pagbubuntis sa Ika-28 Linggo

Pumapasok ka na ngayon sa ikatlong trimester ng iyong pagbubuntis! Ang mga moms-to-be na 28 linggo nang buntis at higit pa ay kilala na kulang sa tulog. Kung ikaw ay nagigising ng madaling araw, gumawa ng mga bagay na relaxing.

Tandaan na hindi ito ang tamang oras para maglinis ng bahay kahit nararamdaman mo ang pangangailangan na gawin ito. (Tinatawag itong nesting, maaring narinig mo na ito dati.) Sa halip., magbasa ng libro, uminom ng tsaa, o kaya’y making sa pampa-kalmang music. Pagkatapos ay bumalik muli sa higaan at subukang matulog.

Gaano kalaki ang 28 linggo na Baby?

Pagdating ng ika-dalawampu’t walong linggo, si baby ay kasinglaki na ng talong. Siya ay may sukat na 14.8 inches mula ulo hanggang paa, at tumitimbang ng humigit kumulang 2.2 pounds.

Susukatin ng iyong OB ang iyong 28 weeks pregnant baby sa iyong prenatal appointment. Ngayong linggo, ang fundal height – distansiya mula sa iyong pubic bone hanggang sa taas ng uterus – ay dapat mula 26 hanggang 30 centimeters.

Mahalaga na nasa normal range ang fundal height dahil palatandaan ito na tama ang paglaki ni baby, at tama rin ang kaniyang posisyon. Dahil kung si baby ay nakapatagilid, maapektuhan nito ang sukat ng fundal height. Para sa kababaihan na buntis ng kambal, ang fundal height ay madalas hindi na sinusukat. Ito’y dahil mas mahirap tantyahin ang average measurement para sa twin pregnancies.

Madalas pinapayuhan na ng mga doktor na simulan ang kick counts pagsapit ng Pagbubuntis sa Ika-dalawampu’t walong Linggo. Dapat sinisimulan mo ng bilangin ang paggalaw ni baby, at alamin kung consistent ba ito araw-araw. Narito kung paano mo ito gagawin: Pumili ng alimang oras sa isang araw, at mag-set ng timer.

Bilangin kung ilang oras ang kakailanganin para magkaroon ng 10 fetal movement, dapat ito ay hindi abutin ng mas matagal sa dalawang oras. Sa susunod na araw, gawin ulit ito sa kaparehong oras. Isulat kung ilang fetal movements ang nararamdaman mo at pagkatapos ng ilang araw ay malalaman mo na ang average range para sa iyong baby. Kung pabago-bago ito, sabihin sa iyong doktor.

Ilang buwan ang katumbas ng 28 linggong na pagbubuntis?

Ang Pagbubuntis sa Ika-dalawampu’t walong Linggo ay katumbas ng anim na buwan. Ngayong linggo ay tanda na unti-unti ka ng lumalapit sa ika-pitong buwan at third trimester. Akalain mo na ganito na kalayo ang iyong narating? Tunay na kaybilis lumipas ng panahon!

Iba’t ibang sintomas na mararamdaman ng 28 linggong pagbubuntis

Habang patuloy na lumalaki ang kinakain na lugar ng 28 linggong fetus sa iyong katawan, may mapapansin kang mga bagong sintomas ng Pagbubuntis sa Ika-dalawampu’t walong Linggo. Narito ang mga karaniwang sintomas pagdating ng yugtong ito:

  • Problema sa Pagtulog. Habang palapit ng papalapit ang araw ng iyong due date, mas mahihirapan ka rin matulog. Maaring ito’y dahil sa hormones o nerves, o di kaya’y pareho.
  • Hinahabol na Hininga. Tuloy-tuloy ang paglaki ng iyong baby hanggang siya ay umaabot na malapit sa iyong lungs at diaphragm, dahilan upang mahirapan ka sa paghinga. Huwag mong pagurin ang iyong sarili, at magpahinga kapag hinihingal.  
  • Pananakit at Kirot. Ang third trimester ay maraming dulot na hindi kaaya-ayang pakiramdam sa katawan. (Lalo na kung ikaw ay nanay ng kambal!) Para mabawasan ito, subukan mag-yoga, swimming, stretching, walking, o kaya’y magpa-prenatal massage. Subukan din magsuot ng maternity support belt kung ikaw ay laging nakatayo. Oo, hindi ito mukhang sexy pero, makakatulong ito upang mabawasan ang malaking pressure na iyong dinadala.
  • Braxton Hicks contractions. Maaring itong mga “practice contractions” ay patuloy na lumakas at mas magiging madalas habang papalapit ang araw ng iyong delivery. Siguraduhin na ang practice contractions ay paminsan-minsan lamang. Kung ito ay regular na nangyayari, at hindi tumitigil kahit ikaw ay nagpapalit ng posisyon, maaring ikaw ay nasa preterm labor. Tawagan agad ang iyong OB sa lalong madaling panahon!  
  • Paglabas ng gatas. Ang iyong dibdib ay gumagawa ng unang pagkain ni baby, isang yellowish substance na tinatawag na “colostrum.” At surprise! Minsan lumalabas na ito kahit nasa loob pa ng tiyan si baby.  

Checklist para sa ika-28 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • I-schedule ang iyong ika-30-linggong prenatal  checkup
  • Bilangin ang sipa ni baby
  • Alamin ang mga pagpipilian sa paglaban sa sakit sa oras ng iyong panganganak
Pagbubuntis sa Ika-28 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO