Pagbubuntis sa Ika-27 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Dapat Asahan sa Pagbubuntis sa Ika-27 Linggo

Tapus na ang iyong ikalawang trimester! Magaling! Ngayong nasa 27 linggo ka na ng iyong pagbubuntis, ang iyong baby ay humihinga na (ng amniotic fluid, hindi ng hangin pero, ang galing di’ba?), nagkakaroon na rin siya ng mga aktibidad sa utak. At ikaw rin, alam namin na marami kang iniisip sa mga oras na ito.

Maaring iniisip mo kung ano kaya ang mangyayari sa araw ng iyong panganganak o hindi kaya’y busy ka sa paghahanap ng pinakamagaling na pediatrician para sa iyong anak. Ngayon na nagsisimula na ang iyong third trimester, maghanda para sa medyo mga nakakahiyang mga bagay-bagay tulad ng mas pinadalas pa na pangangailangan umihi.

Ang lahat ng ito ay kabilang sa late-pregnancy course, at huwag mag-alala dahil temporaryo lang ito. Kaya, huwag kabahan at mag-relax relax. Handa ka na ba future nanay?

Gaano na kalaki si Baby pagdating ng ika-27 linggo?

Ang iyong baby ay kasinglaki na ng ulo ng lettuce o litsugas. Ang katamtamang na 27-week na fetus ay may sukat na 14.4 pulgada, at tumitimbang ng 1.9 libra/pounds. Ang iyong anak ay hindi lamang lumalaki, mas tumatalino rin siya.

Ano ang tamang bigat sa mga buntis ng ika-27 linggo?

Ang tamang dagdag timbang para sa pagbubuntis sa Ikadalawampu’t pitong Linggo ay 15 hanggang 30 pounds. Kung mas mataas ang itinaas na iyong timbang kaysa sa recommended weight gain, maaring payuhan ka ng iyong OB na magdahan-dahan. Mahirap ngunit, huwag mag-alala dahil bibigyan ka rin niya ng advice kung paano makontrol ang iyong timbang. Ang pagsunod sa tamang weight gain ay nakakatulong upang mabawasan ang posibilidad ng iba’t ibang komplikasyon at preterm labor.  

Kung ikaw ay 27 linggong buntis ng kambal, maaring ikaw 29 hanggang 44 pounds ang nadagdag sa iyong timbang. Ang iyong kambal ay patuloy na lumalaki gaya ng sa mga iisang bata ngunit, maaring mas maliit ang isa sa mga kambal mo kaysa sa isa.  

Maaring patuloy ka pa rin nakakaramdam ng mga pagsipa sa loob ng iyong 27 linggong tiyan. Doble kung ikaw ay buntis ng kambal. Maaring maramdaman mo rin ang pagsinok ng iyong baby na siyang patterns ng kaunting mga paggalaw. Sa ngayon, i-enjoy mo muna ang maliliit na suntok at sipa ng iyong anak. Sa susunod na linggo, sisimulan mo ng bilangin ang pagsipa ni baby para masiguradong masigla siya araw-araw.

Pagbubuntis sa Ikadalawampu’t pitong Linggo ay katumbas ng limang buwan, at apat na linggo. Ito na ang huling linggo ng ika-limang buwan, at huling linggo na rin ng second trimester.

Ano-ano ang mga sintomas na nararamdaman ng 27 linggo buntis?

Sa ngayon, malabo pa ring mawala ang mga nakakairitang sintomas na nararamdaman mo pero dahil 27 linggo ka nang buntis, siguradong nakahanap ka na ng iba’t ibang diskarte kung paano haharapin ang nga ito. Atsaka, malay mo nasanay ka na lang sa kanila. Narito ang mga karaniwang sintomas ng Pagbubuntis sa Ikadalawampu’t pitong Linggo:

  • Pulikat. I-stretch lang lagi ang iyong mga binti at paa. Uminom din ng maraming tubig para maiwasan ang pulikat.
  • Pananakit ng likod. Dahan-dahan din i-stretch ang iyong likod. Subukan na matulog na may body pillow para mabawasan ng pressure sa iyong balakan. Ang paglalagay rin ng body pillow ay makakatulong para magkaroon ng kumportableng posisyon ang iyong likod.
  • Kahirapan sa pagdumi/Constipation. Laging kumain ng mayaman sa fiber, uminom ng maraming tubig, at maglakad-lakad. Tanungin din ang iyong doktor tungkol sa fiber supplement o kaya stool softener na ligtas inumin.  
  • Almoranas/Hemorrhoids. Ang almoranas ay karaniwang sintomas para sa mga nanay na 27 weeks pregnant. Ito ay dulot ng pressure na ibinibigay ni baby sa ibabang bahagi ng iyong katawan.
  • Mga pagbabago sa balat, buhok, at kuko. Isa ito sa mga hindi inaakalang sintomas ng panganganak. Mapapansin mo na mas makapal ang tubo ng iyong balat, buhok, at mga kuko (yehey!) ngunit, ingatan ng maigi dahil mas marupok (brittle) ito.
  • Pag-ihi kapag ikaw ay bumabahing. Ang iyong baby ay nagbibigay ng matinding pressure sa iyong bladder dahilan upang hindi nito mapigilan ang iyong ihi. Ang madalas na pagpunta sa palikuran at pagsusuot ng pantyliner ay makakatulong para maiwasang maihi ng hindi inaasahan

Ang kababaihan na 27 weeks pregnant sa kambal ay mas delikado sa preterm labor kaya, kapag napansin mo ang hindi pangkaraniwang pregnancy symptoms tulad ng bleeding, water discharge, abdominal pains, o kaya’y consistent contractions, sabihin agad ito sa iyong OB.

Checklist para sa ika-27 linggong buntis

Mga Paalala para sa Linggo:

  • Pumili ng pediatrician
  • Decision point: Sino ang magiging kasama mo sa delivery room?
  • Gumawa ng birth plan
  • Mag-practice ng labor exercises

Pagbubuntis sa Ika-27 Linggo
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO