Pagbubuntis sa Ika-19 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Pagbubuntis sa Ika-19 Linggo: Simulan na Ang Mga Paghahandang Kakailanganin sa Panganganak

Ang artikulong ito ay punong-puno ng mahahalagang datus tungkol sa pagbubuntis sa ika 19 linggo. Tatalakayin natin at kakamustahin ang kondisyon ng nanay at ng sanggol sa linggong ito.

Pagbubuntis sa ika-19 linggo: Kalagayan ng sanggol alamin!

Gusto mo bang magpa-ultrasound ngunit kapos ang budget? Ang artikulong ito ang sagot sa problema mo! Bibigyan ka ng artikulong ito ng mahahalagang datus tungkol sa tunay na kondisyon ng sanggol sa ika 19 linggo ng pagbubuntis mo.

Alam mo bang sa linggong ito ay kasing-laki na ng mangga ang sanggol mo? Mayroon na rin siyang habang anim na pulgada at bigat na 8.5 oz. Hindi ba’t napakabilis ng kanyang paglaki? Ano-ano pa ba and development niya?

Ayon sa mga eksperto, sa linggo rin na ito maguumpisang makompleto ang limang senses ng kanyang katawan. Opo! Ang kanyang panlasa, pandinig, paningin, at pang-amoy ay malapit ng mabuo. Mga senses na makakatulong upang ang sanggol ay maging ganap na tao.

Nakakamanghang isipin ang hiwaga ng pagbubuntis ng isang babae, kaya naman kahanga-hanga ang mga katulad mong nanay na nagsusumikap na magibyan ng malusog na katawan ang kanyang sanggol kahit pa nga buhay mo na ang kapalit nito.

Ngayong nalaman mo na ang tungkol sa kalagayan ng sanggol, muli nating pagusapan ang checklist ng pagbubuntis sa ika 19 linggo. Ano-ano ang mga ito? Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo!

Mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-19 linggo

Ngayong nasa ika 19 linggo kana ng pagbubuntis, asahan mo na ang mga panibagong sintomas na sa puntong ito ay maaaring umatake saiyo. Bagaman maliit na lang chance ng komplikasyon at nakalampas ka na sa kritikal na panahon ng pagbubuntis, hindi ito nangangahulugan na ligtas kana.

Kaya naman para magkaroon ng dagdag kaalaman, narito ang mga posibleng sintomas ng pagbubuntis sa ika 19 linggo. Sabay nating tuklasin kung ano-ano ang mga ito!

  • Pananakit ng tiyan –  Dapat bang ikabahala ang sintomas na ito? Ayon sa mga eksperto, normal lamang ang kondisyong ito. Dagdag pa nila, nagiging sanhi ng pananakit ng tiyan dahil sa pagunat ng mga muscles na nasasakupan ng sanggol. Gayunpaman, kapag nakaramdam ng hindi pangkaraniwang sakit, mas makakabuti ang magpa konsulta sa doktor.
  • Leg cramps (Pamumulikat ng mga paa) – Posible ang pagkakaroon ng pulikat lalong lalo na sa buntis. Nangyayari ito dahil sa kakulangan ng intake ng tubig sa katawan. Upang makaiwas sa sintomas na ito, ipinapayo ang paginom ng maraming tubig upang mapanatiling hydrated ang katawan mo.
  • Pananakit ng balakang –  Isa pang sintomas ng pagbubuntis sa ika 19 linggo ay ang hip pain. Normal lamang ito dahil sa patuloy na pagbigat ng dinadala mo. Payo ng mga eksperto, matulog ng patagilid at matulog ng may nakaipit na unan sa pagitan iyong dalawang paa. Makakatulong ito para maiwasan ang pananakit ng balakang mo.
  • Pagkahilo at pangangapos sa paghinga – Normal ang sintomas na ito ayon sa mga eksperto. Paliwanag nila, dahil sa patuloy na paglaki ng bata sa loob ng tiyan, patuloy rin nitong naiipit ang lungs o baga mo. Nagiging sanhi nito ang pagkapos ng paghinga. Dahil na rin kulang sa hangin at oxygen ang katawan mo, posible na makaranas ka ng pagkahilo. Ngunit huwag mag-alala, ang sintomas na ito ay hindi rin tatagal.

Sa linggong ito, mapapansin mo na rin ang madalas na pagalaw at pagsipa ni baby. Nagpapahiwatig lamang ang sanggol na siya ay buhay, masaya, malusog, at masigla. Kaunting panahon na lamang ay matatapos na rin ang mga sintomas na ito.

Checklist sa ika-19 linggo ng pagbubuntis

  • Magsimula ng maghanap ng pediatrician
  • Mag research para sa cold blood banking
  • Mag sign up para sa isang infant CPR class

Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO