Pagbubuntis sa Ika-18 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Pagbubuntis sa Ika 18 Linggo: Pananakit ng Likod, Kahirapan sa Pagtulog at Iba Pa!

Ngayong tapos na ang ika-17 linggo ng iyong pagbubuntis, welcome sa ika-18 linggo! Tatalakayin natin sa artikulong kung anon a nga ba ang kalagayan ni baby sa sinapupunan mo, ano ang mga sintomas na kailangan mong paghandaan at kung ano ang bagay na kailangan mong gawin sa ika-18 linggo ng iyong pagdadalang tao.

Mga sintomas ng pagbubuntis sa ika 18 linggo

Ngayong nasa ika 18 linggo kana ng pagbubuntis, papaliit na ng paliit ang oras na hinihintay mong makasama ang baby mo. Ngunit bago pa man ito mangyari, muli kang susubukin ng mga sintomas ng pagbubuntis sa ika 18 linggo. Ano-ano ba ang mga bagong sintomas na ito? Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo!

  • Pamamaga ng mga kamay at paa – Pamamanas kung tawagin ang sintomas na ito. Kadalasan itong lumalabas sa ika 18 linggo ng pagdadalang tao hanggang sa panganganak. Kapag nagbubuntis, ang katawan ay lumilikha ng mas maraming dugo at body fluids para mabigyan ng sapat na nutrisyon ang sanggol sa sinapupunan.
    • Ang pamamanas, o edema, ay sanhi ng mga namuo o naipon na tubig sa body tissues kapag ang babae ay buntis. Karaniwang ang mga paa, sakong, at binti ang tinatamaan nito.
  • Pananakit ng likod – Dahil sa patuloy na paglaki ng sanggol, patuloy rin ang paglaki ng tiyan mo. Magiging sanhi ito ng pagbigat ng tiyan at nagbibigay ito ng maraming puwersa sa likod mo. Ito ang nagiging sanhi ng pananakit ng likod.
  • Pagdurugo ng ilong – Nose bleeding sa pagbubuntis? Ano ba ang sanhi nito? Ayon sa mga eksperto, nangyayari ang pagdugo ng ilong kapag nagbubuntis dahil sa pagdagdag ng volume ng dugo sa katawan mo. Idagdag mo ang sensitibong nasal passages mo.
  • Pamumulikat ng mga paa – Posible ang pagkakaroon ng pulikat lalong lalo na sa buntis. Nangyayari ito dahil sa kakulangan ng intake ng tubig sa katawan. Upang makaiwas sa sintomas na ito, ipinapayo ang paginom ng maraming tubig upang mapanatiling hydrated ang katawan mo.
  • Hirap sa pagtulog – Dahil sa labis na pagiisip at stress, nagiging sintomas ng pagbubuntis sa ika 18 linggo ang paghirap sa pagtulog. Huwag mag-alala, normal lamang ito ayon sa mga doktor. Ipinapayo rin ng mga eksperto ang maghanap ng naaayon na posisyon sa pagtulog ng buntis.
  • Paglabas ng mga ugat  – Dahil pabigat na ng pabigat si baby, nadadagdagan rin ang pressure saiyong circulatory system. Ito ang nagiging sanhi ng paglitaw at pagmaga ng mga ugat.
  • Pagsipa ng baby – Napakasarap isipin ng sintomas na ito. Normal ang sintomas na ito at alam mo bang isang indikasyon ng malusog na baby ang madalas na pagsipa nito? Opo!

Ngayong alam mo na ang mga sintomas ng pagbubuntis sa ika 18 linggo, kumustahin naman natin ang kalagayan ni baby sa linggong ito.

 

Pagbubuntis sa ika 18 linggo: Kumusta na ang baby mo?

Kumusta na kaya ang sanggol sa linggong ito? Ayon sa imahe na nagmula sa ultrasound, alam mo bang kasinglaki na ng prutas na peras ang baby mo? Sa linggong ito rin magsisimulang mag-function ang kanyang pandinig.

Kaya naman sa puntong ito ay naririning niya na ang mga ingay sa labas ng tiyan, at maging ang paguusap ninyo ng partner mo. Magandang panahon ito para kausapin ang sanggol, kantahan, at kuwentuhan ng mga bedtime stories para sa mga bata.

Alam mo bang sa ika 18 linggo rin ng pagbubuntis mo ay opisyal na ang pagsagawa ng ultrasound. Layunin nito ang matukoy ang laki ng sanggol at ang anatomy nito.

Napakasarap isipin na sa bawat linggong lumilipas ay patuloy ang magandang progreso sa paglaki ng sanggol. Nagpapatunay lamang ito ng wastong pag-aalaga ng nanay na kagaya mo. Kaunting panahon na lang at matatapos na rin ang mga sakripisyo mo.

Ngayong malinaw na saiyo ang lahat ng ito, muli nating pagusapan ang mga checklist ng pagbubuntis sa ika 18 linggo. Ano-ano ba ang mga dapat mong gawin? Sabay nating alamin!

 

Checklist sa ika 18 linggo ng pagbubuntis

Upang makadagdag ng excitement sa pagbubuntis mo, pagusapan natin ang checklist para sa linggong ito.

  • Magbasa tungkol sa wastong pangangalaga ng sanggol
  • Magplano ng date para sainyo ng asawa mo
  • Simulan na ang pagtulog ng patagilid

Tandaan at isagawa ang checklist para sa linggong ito para sa paghahanda sa susunod na linggo ng pagbubuntis.

 

Pagbubuntis sa Ika-18 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO