Pagbubuntis sa Ika-17 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Mga Dapat Gawin Sa Pagbubuntis sa Ika-17 Linggo

Ang artikulong ito ay punong-puno ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pagbubuntis sa ika 17 linggo. Kumusta kaya ang baby sa linggong ito? Kumusta rin kaya ang kalagayan mo? Pagusapan natin ito!

Pagbubuntis sa ika-17 linggo: Kumusta na ang baby mo?

Nagtataka ka ba kung ano na ang kalagayan o hitsura ng bata sa sinapupunan mo? Gusto mo bang magpa-ultrasound ngunit hindi pasok sa budget? Matutulongan ka ng artikulong ito. Alam mo bang sinlaki na ng tennis ball ang baby sa linggong ito? Maging ang kanyang mga paa at binti ay nabuo na ayon sa kanyang laki at haba. Nagsisimula na ring ma develop ang sweat glands ng baby. Handa na siyang magpapawis!

Sa ika 17 linggo ng pagbubuntis mo ay nabuo na ang mga daliri ng baby, ngunit ayon sa mga eksperto, wala pa siyang kakayahang gamitin ito sa wastong paraan. Huwag kang mag-alala, dahil sa mga susunod na linggo ay magsisimula ng magturo ang baby gamit ang kanyang mga cute na daliri.

Sa linggong ito patuloy sa paglakas ang baby sa loob ng tiyan mo, at sa paglipas ng mga araw, mas madarama mo na ang bawat galaw at sipa nito.

Mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-17 linggo

Ngayong nasa ika 17 linggo ka na ng pagdadalang tao, muli nating pagusapan ang mga sintomas na maaari mong maranasan sa linggong ito. Asahan mo na ang mga sintomas na ito ay patuloy sa paglabas habang tumatagal at lumalaki ang sanggol sa iyong tiyan. Ano-ano ba itong mga sintomas na tinutukoy ko?

  • Pangangati ng tiyan at dibdib o suso – Dahil sa paglaki ng sanggol, nauunat ang balat mo sa tiyan at dibdib. Dahilan ito upang numipis ang balat at maging sensitibo. Normal ito ayon sa mga eksperto, ipinapayo rin nila na magpakonsulta sa doktor kung nais mong mawala ang pangangati nito.
  • Pagkakaroon ng mga kakaibang panaginip – Nakaranas kana ba nito? Totoo ito ayon sa mga eksperto! Ano nga ba ang sanhi nito? Ayon sa pagaaral, ang pagkakaroon ng weird dreams o kakaibang panaginip ay sanhi hormones, nerbiyos, at marami pang iba.
  • Paglabas ng mga likido sa katawan – Dahil sa pagtindi ng daloy ng dugo sa katawan mo, nagiging sanhi nito ang paglabas ng tinatawag na bodily fluids sa katawan. Kabilang sa mga likidong ito ang pawis, likidong galing sa puwerta, mucus, at marami pang uri ng likido na galing sa katawan mo. Ang magandang balita ay normal lang ito ayon sa mga eksperto.
  • Mabilis na pagdagdag o pagbigat ng timbang – Dahil sa pagdagdag ng apetite mo sa pagkain, normal lamang ang pagbigat ng timbang dahil sa mga kinakain mo pati na rin ng sanggol mo. Tinatayang mga isa hanggang dalawang pounds ng timbang ang maaaring dumagdag sa timbang mo bawat linggo. Ito ay ayon sa mga eksperto.
  • Pagkakaroon ng stretch marks – Dahil sa paglaki ng tiyan mo, patuloy na nauunat ang balat sa bawat linggong lumilipas. Ito ang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng stretch marks sa balat partikular na sa tiyan at dibdib mo. Maaari bang maiwasan ito? Ayon sa mga eksperto, makakabuti ang paginom ng maraming tubig upang mapanatiling hydrated ang katawan mo.

Ang mga sintomas ng pagbubuntis sa ika 17 linggo ay magkakaiba ayon sa mga doktor. Ang lala at tagal na pwedeng maranasan mo ay maaaring naiiba sa ibang buntis. Kaya naman napakahalaga ang magkaroon ka ng sariling OB/GYN. Importante ito upang mamonitor ng doktor ang kalagayan mo pati na rin ang sanggol mo.

Ngayong alam mo na ito, pagusapan naman natin ang kalagayan ng sanggol na dinadala mo sa linggong ito. Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa mo!

Checklist sa ika-17 linggo ng pagbubuntis

Sa ika 17 linggo ng pagbubuntis mo ay nasa ikatlong buwan tatlong linggo kana ng pagdadalang tao. Kaya naman napakahalaga na malaman mo ang checklist sa pagbubuntis sa ika 17 linggo. Ano-ano ba ito? Sabay nating alamin!

Mga dapat tandaan sa linggong ito:

  • Decision point: malaman mo na kaya ang magiging katauhan ng baby mo?
  • Kumuha ng nursery inspiration
  • Pagplanohan na ang iyong nalalapit na maternity leave.

KATULAD NA MGA ARTIKULO