Pagbubuntis sa Ika-13 linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Pagbubuntis sa Ika-13 Linggo: Pag-uumpisa ng Ikalawang Trimester ng Pagdadalang Tao

Malamang na nalampasan mo na ang ika-12 na linggo ng pagiging isang buntis. Ngayon naman, gusto mong malaman kung ano ang mga dapat mong gawin sa ika-13 linggo mo. Ang artikulong ito ay punong-puno ng mga mahalagang kaalaman na dapat mong malaman sa yugtong ito ng iyong pagbubuntis!

Pagbubuntis sa ika-13 linggo: Ano na nga ba ang kalagayan ni baby?

Kung nagtataka ka kung ano na ang hitsura ng sanggol sa linggong ito? Ayon sa imahe mula sa ultrasound, mayrong haba na aabot sa 2.9 pulgada at bigat na 0.81 oz ang sanggol. Maaari mo itong maihambing sa isang normal na laki ng mansanas. Alam mo bang sa linggong ito ay nabuo na ang kanyang vocal cords? Malay mo siya na ang susunod na magiging sikat na mang-aawit dito sa Pinas. Sa ika 13 linggo rin ng pagbubuntis mo ay nabuo na ang mukha ng baby mo. Maging ang mga tainga nito ay napunta na rin sa tamang ayos.

Sa pagkakataong ito, mabilis na lalaki ang katawan ng sanggol at ang kanyang mga legs at binti ay lalakas at hahaba na. Dagdag pa ng mga eksperto, ang mga organs ng sanggol ay nabuo na rin sa linggong ito.

Mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-13 linggo na dapat mong paghandaan

Dahil sa nasa ika 13 linggo kana ng iyong pagbubuntis, mayroon na ring mga kapansin pansin na pagbabago tungkol sa mga sintomas nito. Katulad na lamang ng pagkawala ng pananakit ng ulo mo at maging ang madalas na pagkahilo. Hindi mo na rin mararanasan ang mga morning sickness katulad ng pagsusuka, pamumutla, at panghihina. Magandang balita ito! Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na ligtas kana sa mga sintomas ng pagbubuntis.

  • Panunumbalik ng lakas – Alam mo bang pagsapit ng ikalawang tremistre ng iyong pagbubuntis ay manunumbalik na ang lakas mo. Bukod rito, may karagdagan pa ito. Gawin mong advantage ang lakas ng katawan na ito. Mag hanap sa internet ng mga wastong ehersisyo para sa buntis at isagawa ito araw-araw. Makakatulong ang ehersisyo sa buntis para sa panganganak mo.
  • Nakikitang mga ugat – Pansin mo ba ang paglitaw ng mga ugat sa iyong balat? Normal lamang iyan sa pagbubuntis sa ika 13 linggo. Ayon sa mga eksperto, ang pangunahing dahilan ng paglitaw ng mga ugat sa balat mo ay ang paglakas ng pagdaloy ng dugo dahil sa pagbubuntis.
  • Pagdagdag ng kagustuhang makipagtalik – Ayon sa mga eksperto mayroong mga buntis na sa ika 13 linggo ng pagdadalang tao ay nakakaramdam ng ganitong sintomas. Normal naman ito ayon sa mga doktor. Dagdag pa nila, safe rin ang makipagtalik sa ika 13 linggo ng pagdadalang tao. Ang pagdugo habang nakikipagtalik ay normal rin dahil sa mas sensitibo ang cervix mo sa panahong ito.

Ang mga nabanggit ay ang mga sintomas ng pagbubuntis sa ika 13 linggo. Pero alam mo bang iba kapag kambal ang dinadala mo? Ayon sa pag-aaral at mga testemonya, sa ika 13 linggo ng pagbubuntis ng kambal ay patuloy pa rin nilang dinaranas ang mga sintomas na katulad ng pananakit ng ulo, pagsusuka, panghihina, pagkahilo, morning sickness, at marami pa. Ito ang mga sintomas na dapat ay mawala sa ika 13 linggo kung isang sanggol lang ang dinadala mo.

Lagi rin pakatandaan na iba iba ang mga sintomas sa bawat babaeng buntis. Kung kaya’t mas makakabuti pa rin ang regular na pag pa check up sa iyong OB/GYN. Ngayong alam mo na ang tungkol sa mga sintomas na ito, alamin naman natin ang kondisyon ng sanggol sa linggong ito. Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa mo!

Checklist sa ika-13 linggo ng pagbubuntis

Mga dapat tandaan sa linggong ito:

  • Kung ikaw ay isang epleyado, ipaalam na sa boss mo na ikaw ay buntis.
  • Ihanda na ang mga anak mo para sa magiging bago nilang kapatid.
  • Simulan na ang pagpaplano tungkol sa pangangalaga sa sanggol
  • Baguhin na ang iyong workout/ehersisyo para sa pagbubuntis

Pagbubuntis sa Ika-13 linggo
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO