Pagbubuntis sa Ika-12 Linggo

Tagal ng pagbabasa: 3 minuto

Ano Ang Mga Dapat Asahan Sa Pagbubuntis sa Ika-12 na Linggo?

Ang artikulong ito ay punong-puno ng mahahalagang datus na dapat mong malaman sa pagbubuntis sa ika 12 linggo.

Pagbubuntis sa ika-12 na linggo: Kumusta na kaya si baby?

Alam mo bang isang linggo na lang ay opisyal na tatlong buwan ka ng buntis? Kaya naman kapansin pansin na rin sa linggong ito ang paglaki ng tiyan mo. Ang sanggol kaya ang rason sa paglaki ng iyong tiyan? Kumusta na kaya siya sa ika 12 linggo?

Alam mo bang kasing laki na ng prutas na serwelas ang baby mo? Buo na rin ang mga kuko nito sa daliri at malakas na rin ang mga muscles nito at mga buto. Alam mo bang sa ika 12 na linggo rin nagsisimula ang pagsipa ni baby? Pati ang pagbukas at pagsara ng kanyang kamay ay sa linggong ito niya rin natutunan.

Kung nagtataka ka kung ano na kaya ang hitsura niya, alamin natin! Ayon sa imahe ng ultrasound mayroon ng porma ang mukha ng sanggol at nagsisimula na rin ang pagbuo ng kanyang magagandang mata.

Napakagandang isipin na sa ganito kaiksing panahon ay napakaganda na ng progress ng baby. Dagdag excitement ito sa mga katulad mong nanay na naghihintay sa paglabas ng magiging anak mo.

Mga sintomas ng pagbubuntis sa ika-12 na linggo

Nasa huling bahagi ka na ng unang trimistre ng iyong pagbubuntis. Alam mo bang sa linggong ito ay magsisimula ng mawala ang pananakit ng ulo mo? Ganun na rin ang pagkahilo. Ngunit kung inaakala mo na mawawala na ang mga sintomas ng pagdadalang tao ay nagkakamali ka. Totoo na hindi na ito magiging kasing lala katulad ng mga naunang sintomas, ngunit may mga bagong sintomas na dapat mong paghandaan sa pagbubuntis sa ika 12 linggo. Ano-ano ang mga ito? Sabay nating alamin. Ipagpatuloy lamang ang iyong pagbabasa!

  • Madalas na pagsakit ng ulo – Ayon sa mga eksperto, magsisimula ang paglala ng sakit ng ulo sa ika 12 linggo ng pagbubuntis. Ang pananakit nito ay sanhi ng stress, kakulangan sa pagtulog, dehydration at iba pang komplikasyon. Normal ito ngunit huwag isawalang bahala. Kapag nakaramdam ng hindi ordinaryong pananakit na ulo, mas makakabuti ang magpatingin sa OB/GYN mo.
  • Pagkahilo – Katulad ng pagsakit ng ulo, ang pagkahilo ng buntis ay sanhi ng kakulangan sa tulog, stress, at pagbabago ng hormones sa katawan. Ipinapayo ng mga doktor ang pagpapahinga, paginom ng maraming tubig upang makaiwas sa sintomas na ito.
  • Pagdurugo – bumabalik at lumalala ang sintomas ng pagdurugo sa ika 12 linggo ng pagbubuntis. Normal ito ayon sa mga eksperto ngunit mayroon pa ring mga dapat bantayan. Kapag nakaranas ng hindi pangkaraniwang pagdurugo ay sumugod kaagad sa doktor at magpakonsulta.
  • Paglala ng vaginal discharge – Katulad ng nabanggit ko, ang pagbubuntis sa ika 12 linggo ay isang mahirap at maselan na parte na posibleng pagdaanan mo. Kabilang diyan ang paglala ng vaginal discharge o paglabas ng likido na galing sa iyong puwerta. Normal rin ito ngunit posible ring sanhi ng isang impeksyon kung kaya’t huwang itong isnabin.

Ang mga sintomas na ito ay pangunahing sanhi ng pagbabago ng hormones sa katawan mo. Bawat linggo ng pagbubuntis ay may pagbabago. Maaari ang paglala, posible rin na hindi. Lagi mo lamang tatandaan na kapag nakaramdam ng hindi pangkaraniwang sintomas, ipaaalam kaagad ito sa iyong OB/GYN upang mabigyan ka ng kaukulang payo.

Checklist sa ika-12 na linggo ng pagbubuntis

Mga dapat tandaan sa linggong ito:

  • Maglaan ng schedule para sa iyong ika 16 linggo ng prenatal checkup
  • Maging mapamili sa mga pagkain. Kainin lamang ang mga pagkaing dapat sa isang buntis.
  • Ibahagi ang magandang balita tungkol sa pagbubuntis mo sa iyong pamilya at mga kaibigan

Pagbubuntis sa Ika-12 Linggo
Rate this post

KATULAD NA MGA ARTIKULO