Search

Ano ang Teenage Pregnancy: Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Maagang Pagbubuntis

Ano ang Teenage Pregnancy: Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Maagang Pagbubuntis
loading...

Naghahanap ka ng pangunahing mga impormasyon tungkol sa kung ano ang teenage pregnancy? Ang artikulong ito ay nakatutok sa kung ang teenage pregnancy at kung ano ang mga dahilan sa likod ng isyung ito.

Ano ang teenage pregnancy?

Ang teenage pregnancy ay binigyang kahulugan ng mga diksyunaryo bilang ang hindi ginustong pagbubuntis ng isang babae sa kanyang pagdadalaga. Parami nang parami ang kaso ng teenage pregnancy lalo na sa mga bansang mahihirap tulad ng Pilipinas. Sa kasamaang palad, dahil sa kakulangan ng sapat na kaalaman ukol sa teenage pregnancy, marami parin sa mga kabataan ang naniniwala na hindi sila mabubuntis kahit na makipagtalik sila ng wala pa sa tamang edad at hindi pa kasal.

Mga dahilan ng teenage pregnancy

Ngayong nasagot na natin ang tanong na “ano ang teenage pregnancy”, mas marapat nating tuonan ng pansin ang mga dahilan sa likod ng maagang pagbubuntis ng mga kabataan sa ngayon. Narito ang ilan sa mga pangunahing dahilan ng teenage pregnancy.

Peer pressure. Sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata, ang mga teenager ay kadalasang nakadarama ng peer pressure na makipagkaibigan at maging kapareho ng kanilang mga kaedad. Sa maraming mga pagkakataon, ang mga kabataang ito ay pumapayag na maimpluwensyahan sila na makipagtalik kahit na hindi pa nila lubos na naiintindihan ang kaakibat na mga resulta ng ganitong mga gawain. ANg mga kabataan ay nakikipagtalik dahil ang akala nila ay pinagmumukha sila nitong cool at naaayon sa uso. Ngunit kadalasan, ito ay nauuwi sa hindi inaasahang pagbubuntis.

Kawalang tamang gabay ng mga magulang. Ang isang kabataang babaeng ay mas malamang na mabuntis kung limitado o walang tamang patnubay ng kaniyang mga magulang. Ang mga magulang na sobrang busy ay hindi nakapagbibigay ng tamang gabay sa kanilang mga anak na gumagawa ng imporatanteng mga disiyon sa buhay, halimbawa ay sa maaagang pakikipagtalik at kung ano ang teenage pregnancy. Kapag ang isang bata ay hindi komportable na ipakipagusap ang kaniyang problema dahil sa bawal nap ag usapan ang sex sa bahay, o kaya naman sobrang busy ng kaniyang mga magulang para dito, maghahanap siya ng mga kasagutan sa ganitong mga isyu sa kapwa niya mga kaedad. Pwede itong mauwi sa palitan ng maling mga impormasyon na maaaring mauwi sa maagang pagbubuntis.

Media. Ang industriya ng pelikula at ang media ay nakadaragdag sa mga kaso ng maaagang pagbubuntis dahil sa pinagaganda nito ang itsura ng maaagang pakikpagtalik at pagbubuntis sa mga panoorin sa TV at sine. Ang mga pilikulang nagtatampok sa maagang pagbubuntis bilang isang katanggap-tanggap na sitwasyon ay nakahihikayat sa mga kabataan na subukan ang walang habas na mga kaugalian sa pakikipagtalik.

Kawalan ng tamang kaalaman. Ang mga kabataang hindi naturuan ng tama tungkol sa sex ay mas malamng na maging biktima ng hindi ginustong pagbubuntis. May mga kabataang hindi pa lubos na nauunawaan ang biolohikal at emosyonal na mga aspeto na kaakibat ng pakikipagtalik. Ang mga kabataang ito ay malamang na nakakuha ng maling mga impormasyon galing sa mga kaibigan, mga video, telenovela o mga pelikula. Sa kadalasan, ang mga teenager ay wala ng tamang kaalaman para makagawa ng tamang mga disisyon kung makikipagtalik sila o hindi.

Paglalasing. Ang pagiinom ng alak ng mga kabataan ay pwedeng mauwi sa hindi ginustong pagbubuntis. Maraming mga kabataan ang nageeksperimento sa droga at alak. Ang pag inom ay nagpapahina ng kakayahan ng kabataan na kontolin ang bugso ng kanilang mga damdamin, na siyang dahilan ng higit sa 75% na mga kaso ng teenage pregnancy.

Ano ang teenage pregnancy? Ito ay ang maaga at hindi ginustong pagbubuntis sa gitna ng mga teenager. Ito ay isang malaking suliranin na pwede mong maiwasan kung hindi ka magpapadala sa peer pressure, magpapagabay sa magulang at iiwas sa masamang mga kasama.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Teenage Pregnancy: Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Maagang Pagbubuntis
Rate this post

loading...