Search

Sintomas Ng Buntis 2 Weeks: Mabuti Nang Malaman Mo Nang Mas Maaga!

Sintomas Ng Buntis 2 Weeks: Mabuti Nang Malaman Mo Nang Mas Maaga!
loading...

Iniisip mo ba na baka ikaw ay buntis? Kahit dalawang linggo pa lamang ang nakakaraan, may mga palatandaan ka nang makikita kung ikaw ay talagang nagdadalang tao.

Pag-usapan natin ang ilan sa mga sintomas ng buntis para sa 2 weeks.

Namamagang suso. Ang pamamaga at pagkirot ng suso ay isa sa mga pangunahing sintomas ng pagbubuntis. Sa unang mga linggo ng iyong pagbubuntis, ang iyong suso ay lalaki at magbabago ng hugis para ihanda ito sa paggawa ng gatas. Dahil sa mga pagbabagong ito, ang iyong dibdib ay magiging mas sensitibo sa loob ng ilang buwan. Ayon sa mga dalubhasa, hindi lahat ng mga babaeng nagdadalang tao ang nakakaranas ng sintomas na ito lalo na kung ang babae ay gumamit ng artipisyal na mga pamamaraan para iwasan ang pagbubuntis.

Pangitim ng utong at ng palibot nito. Sa ilang kababaihan, ang kanilang hormones na komukontrol sa pagbubuntis ay siyang nagiging dahilan ng pag-itim ng utong. Ito rin ang dahilan ng paglapad ng areola, ang pabilog na hugis sa palibot ng utong para ihanda ang suso sa pagpapalabas ng gatas sa panahon ng pagpapasuso.

Pagdurugo. May ilang mga babae na nakakaranas ng spotting o pagpatak ng kaunting dugo sa kanilang underwear sa unang dalawa ng linggo ng kanilang pagbubuntis. Ito ay nangyayari kapag ang embryo na nabuo dahil sa pertilisasyon ay dumikit na sa bahay bata. Kaya kung kakaunti lamang ang regla na lumabas saiyo ngayon buwan, baka spotting na iyan. Baka kailangan mo nang kumuha ng pregnancy test. Sundan ang link na ito para malaman mo kung paano isinasagawa ang pregnancy test at kung kailan ito dapat gawin. (Magbasa: Paano Ba Ginagamit Ang Pregnancy Test?)

Madalas na pag-ihi at kahirapan sa pagdumi. Kung ikaw ay buntis, maiipit ng matris ang iyong pantog na magiging dahilan ng madalas na pag-ihi. Ang pressure na dala ng paglaki ng matris ay magiging dahilan rin ng kahirapan sa pagdumi. Ang sintomas na ito ay magiging mas matindi habang lumalaki ang bata sa sinapupunan.

Pagkapagod. Kadalasan sa mga kababaihan na nagdadalang tao ay nakararanas ng matinding pagkahapo sa unang yugto ng kanilang pagbubuntis. Mawawala din ang ganitong pakiramdam pagkaraan ng ika-12 linggo kapag ang inunan ng baby buo na.

Pagkahilo. Ang pagkahilo ay isa sa pangunahing sintomas ng pagbubuntis. Dahil ito sa biglaang pagtaas ng dami ng iyong hormones. Walumpung porsiyento ng mga babaeng buntis sa buong mundo ay nakararanas ng pagkahilo tuwing umaga sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis. Para naman sa iba, ang pagkahilo ay hindi lang nararamdaman sa umaga, may mga babae na nahihilo maghapon, o kahit gabi!

Ang pagbilis ng tibok ng iyong puso para bigyang daan ang bagong nabubuhay na bata saiyong sinapupunana ay nagiging dahilan ng biglaang pagtaas o pagbaba ng iyong blood pressure. Bilang resulta, baka makaramdam ka ng biglaang pagkahilo o pag-gaan ng ulo minsan sa maghapon.

Maselan na pang-amoy. Ang maselang pang-amoy ay isa rin sa mga normal na nararanasan ng mga babaeng nagbubuntis lalo na sa unang buwan. Ang ilang mga siyentista ay naniniwala na ang maselang pang-amoy ng buntis ay makatutulong sa kanila na makaiwas sa mga pagkaing sira o panis na maaaring makasira sa kalusugan kapwa ng nanay at ng bata.

Mataas na temperatura ng katawan. Kung inoobserbahan moa ng iyong basal body temperature, makikita mo na tumaas ng isang degrees ang iyong temperatura. Buntis ka kapag ito ay hindi pa nagbabago sa loob ng dalawang linggo.

Hindi pagdating ng regla. Ang hindi pagdating ng iyong regla ang pinakatumpak na sintomas ng pagbubuntis. Hindi na ilalabas ng iyong bahay bata ang dugong naipon nito para ihanda ang silid na titirahan ni baby sa loob ng siyam na buwan. Subalit tandaan, ang hindi pagdating ng regla ay hindi palaging nangangahulgan na ikaw ay buntis, dahil nangyayari din ito sa mga walang asawa. Ang stress, iyong mga kinakain at ang pagiging irregular ng pagdating ng buwanang dalaw ay maaari ding maging dahilan ng pagkaantala ng regla. Kumuha ka muna ng pregnancy test o sumangguni sa doktor bago mo ipamalita nabuntis ka.

Matinding pagkagutom at pagasam sa pagkain. Kailangan ng isang buntis na babae ng 300 karagdagang calories araw-araw bawat araw para masapatan ang pangangailangan ng lumalaking sanggol sa sinapupunan. Ang ilang babaeng buntis ay nagtataka kung bakit hinahanap-nila ang mga pagkaing hindi naman nila dati gusto. Ang iba naman, kakainin nila ang lahat na uri ng pagkain basta maibsan lamang ang kanilang sobrang pagkagutom.

Madalas na pagsakit ng ulo. Kung ikaw ay dati nang pinahihirapan ng migraine, asahan mong lalala ito ngayonng buntis ka. May mga buntis na nagsasabi na mas lumulubha ang kanilang migraine o mayinding sakit ng ulo sa unang yugto ng kanilang pagbubuntis. May ilang nanay na nagreport na nakaramdam sila ng biglaang pagsakit ng ulo sa simula palang ng ikalawang linggo ng kanilang pagbubuntis.

Pagbabago-bago ng mood. Maraming babae ang nagsasabi na ang pagbabago-bago ng kanilang mood ay nag-uumpisa sa ikalawang linggo ng kanilang pagbubuntis. Ito ay isang normal na pamamaraan ng iyong katawan para i-adjust ito sa biglaang pagtaas ng mga hormones na komukontrol sa pagbubuntis.
Parang kalawang na lasa na di maalis-alis. May mga babaeng buntis na nagrereklamo tungkol sa lasang kalawang sa kanilang bibig na hindi maalis-alis. Walang sapat nap ag-aaral ang mga dalubhasa para tukuyin kung ano ang dahilan sa likod ng ganitong sintomas, pero ito ay maaaring magtagal ng siyam na buwan para sa ilang babaeng buntis.

Kakaibang mga panaginip. Ang mga panaginip ng mga babaeng buntis ay nagiging mas kakaiba sa paguumpisa ng kanilang ikalawang linggo. Kaya kung ang iyong mga panaginip ay parang mas nagiging madrama o maaksiyon, baka ito sa mga sintomas na nagsasabi na ikaw ay buntis!

Ang mga sintomas na ating inisa-isa ay ang pangkalahatang mga sintomas na nararanasan ng mga babaeng buntis dito sa atin sa Pilipinas.

Palala lamang, mahalaga ang pag sangguni sa doktor sa unang tatlong buwan ng iyong pagbubuntis! Sa ganitong paraan makikita ng doktor kung anong mga bitamina at mineral ang dapat mong inumin para maitama ang medikal na isyu na maaaringbmakita saiyo. Kung ikaw ay cover ng mga benepisyo ng Philhealth, ang pagsangguni sa doktor ng regular ay isa sa mga batayan para sabihing ikaw ay karapatdapat sa mga benepisyo na bigay ng gobyerno.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Sintomas Ng Buntis 2 Weeks: Mabuti Nang Malaman Mo Nang Mas Maaga!
3.2 (63.08%) 13 votes

loading...