Search

Pamparegla Na Pagkain: Mga Pagkaing Pampalakas Ng Regla

Pamparegla Na Pagkain: Mga Pagkaing Pampalakas Ng Regla
loading...

Ang di regular na regla ay isang laganap na problema ng mga kababaihan sa buong mundo. Ito ay tinatawag na oligomennorhea sa medikal na papanalita. Ito ay tumutukoy sa hindi regular na regla na maaaring umabot sa 35 araw na pagitan.

Ang normal na buwanang siklo ng babae ay nasa pagitan ng 21 hanggang 35 araw. Ang pagdurugo na dala ng regla ay maaaring magtagal ng 2 hanggang pitong araw. Ang isang babae ay maaaring magkaroon ng 11 hanggang 13 regla kada taon, subalit ang mga babaeng may di regular na regla ay may anim o pitong regla lamang bawat taon.

Kung hindi regular ang iyong regla, hindi mo matutukoy kung gaano katagal o ilang araw baa ng pagitan ng iyong regla. Hindi mo masasabi kung kailan ka dadatnan. Hindi mo alam kung hanggang kailan matatapos at hindi mo rin segurado kung marami o kaunting dugo lang ba ang lalabas.

Ano baa ng sanhi ng hindi regular na regla? Marami tayong dahilan na pwedeng maituro. Ang ilan ang mga sumusunod:

  • Hindi tamang dami ng pagkain
  • Biglaang pagdagdag o pagbawas ng timbang
  • Pagkakaroon ng anemia o kakulangan sa red blood cells na nagdadala ng iron at oxygen sa ibat ibang bahagi ng katawan
  • Pagiging menopause
  • Pagkakaroon ng hormonal imbalance
  • Sakit sa atay
  • Ikaw ay may TB
  • Nahihirapan ka sa pagdumi
  • May diabetes ka
  • Kapapanganak mo pa lang o nakunan ka
  • Pagkakaroon po polycystic ovarian syndrome
  • Abnormalidad sa daan ng ihi

May mga kaugalian ka ring maaaring makaapekto sa regla mo tulad ng mga sumusunod:

  • Biglaang pagsagawa ng nakakapagod na mga ehersisyo
  • Hindi pag tigil sa paninigarilyo
  • Paginom ng alak
  • Pag inom ng maraming kape o soft drink
  • Pag-inom ng isang partikular na gamot
  • Pag inom ng contraceptives

May mga dalubhasa din na nagsasabi na ang pagkakaroon ng asthma o hayfever ay maaari ding makaapekto sa pagiging regular ng iyong dalaw.

Ang buwanang regla ay maaaring maging hindi regular sa unang mga taon matapos ang kaunaunahang regla. Ito rin ay magiging hindi regular sa mga huling taon ng pagregla ng babae, kapag malapit na siyang magmenopause.

Karagdagan pa, ang mga babae ay may ibat ibang siklo ng regla, kaya kung may mapansin kang kaunting pagbabago sa regla mo, huwag kang kabahan kasi normal lamang iyan.

Mga pamparegla na pagkain

Luya

Ang luya o ginger ay kapakipakinabang sa pagpapanatili ng regular na regla. Ito rin ay nakatutulong upang maibsan ang sakit na dala ng regla. Ang luya ay kilalang pamparegla kaya maganda itong gamitin kung sa tingin mo ay hindi regular ang iyong dalaw.

Paano gagamitin:

  1. Magpakulo ng kalahating kutsarita ng dinikdik na luya sa isang basong tubig sa loob ng lima hanggang pitong minute
  2. Lagyan ito ng kaunting asukal
  3. Inumin ito tatlong beses isang araw pagkatapos kumain
  4. Gawin ito sa loob ng isang buwan at higit pa

Cinnamon

Ang cinnamon o kanela ay isa ring pagkain na pamparegla. Ito ay kapakipakinabang para gawing regular ang iyong buwanang dalaw pati na ang pagpapabawas ng sakit na dala ng paghilab ng tiyan tuwing may regla. Ayon sa tradisyonal na medisina ng mga intsik, ang cinnamon ay nagdadala ng init sa katawan. Isa pa, ang cinnamon ay nagtataglay ng kemikal na hydroxychalcone napinaniniwalaang nakapagmamantina ng dami ng insulin na may epekto sa pagiging regular ng regla. Samantala, isang pag aaral ang kasalukuyang ginagawa ngayon para patunayan na ang cinnamon ay may mabuiting epekto para labanan ang sakit na polycycstic ovarian syndrome.

Paano ba gagamitin ang cinnamon?

  1. Maghalo ng kalahating kutsarita ng cinnamon powder sa isang baso ng gatas. Inumin ito araw araw sa loob ng ilang linggo.
  2. Kung makakakuha ka ng cinnamon tea, maaari ka ring uminom nito. Pwede ring ibudbod ang cinnamon sa pagkain mo. Pwede rin itong ihalo sa kape.

Sesame seeds

Ang buto ng sesame ay nakakatulong para gawing regular ang iyong regla sa pamamagitan ng pagbabalanse nito sa iyong mga hormones. Ang sesame seeds ay may lignin, isang enzyme na nagpapababa ng sobrang mga hormones sa katawan. Meron din itong taglay na fatty acids na nakakatulong sa pagpapalabas ng kapakipakinabang na mga hormones, sa tamang sukat at dami.

Paano ba gagamitin ang sesame seeds?

  • Patuyuin at ihawin ang isang dakot na sesame seeds
  • Gilingin ito o durugin upang maging powder
  • Kumain ng powder na ito araw araw habang wala pang laman ang sikmura, lalo na sa ikalawang linggo pagkatapos ng regla, sa loob ng ilang buwan.

Pwede mo ring kainin ang inihaw na sesame ng buo, araw araw.

Paalala: huwag kang kakain ng sesame seeds pag nagreregla ka

Aloe vera

Ang aloe vera ay isang sikat na halaman na nakatutulong na maisaayos ang iyong buwanang dalaw sa pamamagitan pagpapanatiling nasa tamang dami ang iyong mga hormones.

Paano ba gagamitin ang aloe vera?

  1. Kunin moa ng gulaman na nakapaloob sa dahon ng aloe vera
  2. Ihalo ito sa isang kutsarita ng honey.
  3. Kainin mo ito araw araw bago ka pa man makapapag almusal
  4. Gawin ang pagkain nito sa loob ng tatlong buwan

Paalala: huwag kang kakain ng sesame seeds pag nagreregla ka.

Hilaw na papaya

Ang berde, hilaw na papaya ay isang subok na pagkaing pamparegla. Ito ay kilala bilang lunas sa hindi regular na dalaw dahil sa kakayahan nito na pahilabin ang matris sa magandang paraan.

Ito ay nakakatulong lalo na sa may kakaunti at hindi regular na regla na dala ng menopause at stress.

Paano ba gagamitin ang hilaw na papaya?

Uminom ng juice na gawa sa hilaw na papaya. Pwede mo itong iblender para maging juice. Inumin mo ito isang beses kada araw sa loob ng ilang buwan. Huwag kang iinom nito kung ikaw ay may regla.

Luyang dilaw

Ang luyang dilaw o turmeric ay kilala bilang halamang gamot na may kakayahang magpainit ng katawan. Nakakatulong din tio upang gawing regular ang iyong regla sa pamamagitan ng pagbalanse ng iyong hormones. May mga sangkap din itong nakapagpapalakas ng regla. Nakapagpapabawas din ito ng mga pananakit na dala ng regla dahil sa kakayahan nitong mag-alis ng pamamaga.

Paano ba gamitin ang luyang dilaw?

  1. Kumuha ng isang kapat na luyang dilaw at ihalo sa gatas o honey. Inumin ito araw araw sa loob ng ilang linggo at obserbahan ang magandang dulot nito sa kalusugan.
  2. Makabibili ka rin ng mga food supplement na may taglay na luyang dilaw. Magtanong sa doktor kung anong supplement ang babagay saiyo.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pamparegla Na Pagkain: Mga Pagkaing Pampalakas Ng Regla
4.4 (88.57%) 7 votes

loading...