Search

Pampalaki ng Boobs: Tips Upang Lumaki ang Dibdib

Pampalaki ng Boobs: Tips Upang Lumaki ang Dibdib

Hindi maikakaila na ang pagkakaroon ng malaking dibdib ay isa sa mga nakapagbibigay alindog sa isang babae. Kaya naman sa mga babaeng hindi pinalad ng malaking hinaharap, may mga mabisang paraan na maaari mong subukan upang lumaki ang iyong dibdib. Ang mga paraang ito ay hindi nangangailangan ng surgeryupang palakihin ang iyong dibdib na maaaring magdulot ng masamang epekto sa katawan. Nartito ang mga paraan paano lumaki ang dibdib na maaari mong subukan kahitnasa bahay ka lamang.

Mag-ehersisyo

Ang pag-eehersisyo ay hindi lamang sa pagpapalaki ng katawan at masel May ilang pananaliksik na nagsasaad na ang pag-eehersisyo ay epektibong pampalaki ng dibdib. Isa ito sa pinakamabisa ngunit ligtas na paraan upang palakihin ang iyong dibdib. Narito ang ilang ehersisyong maaari mong subukan:

Wall press – Humarap sa isang pader at ilapat ang iyong mga kamay dito na para bang iyong itutulak. Unti-unting ilapit ang iyong mukha at kapag malapit na, saka mo dahan-dahang itulak ang pader gamit ang iyong mga kamay. Maaari mong ulitin ang prosesong ito sa loob ng lima hanggang sampung minuto.

Chest press – Hawakan ang dumbbells sa magkabilang kamay at unti-unti itong itaas nang nakatiklop ang iyong mga siko. Pagkatapos ay unti-unting itaas ang iyong mga kamay at siguruhing nakalinya ito sa iyong mga balikat.

Push Ups – Ang push ups ang isa sa mga pinakamabisang paraan na pampalaki ng boobs. Simple lamang ang iyong gagawin. Mahiga nang nakaharap sa sahig. Pagkatapos ay dahan-dahang buhatin ang iyong katawan gamit ang iyong dalawang kamay. Maaari mong ulitin ang prosesong ito sa loob ng lima hanggang sampung minuto.

I-masahe ang iyong boobs

Isa ding pampalaki ng boobs na ginagawa ng karamihan sa mga babae ay ang pagmamasahe ng dibdib. Simple lamang ito at hindi mo kailangang gumastos ng pera upang gawin ang technique na ito. Siguruhin lamang na nagpakonsulta ka na sa iyong doktor upang malaman kung may mga cysts ba sa iyong dibdib bago ka magsimulang magmasahe.

Ang pagmamasahe ng dibdib ay isang natural na paraan upang lumaki ang dibdib dahil nakakatuloy ito sa pagdaloy ng dugo sa iyong dibdib. Bukod pa rito, nakakadagdag din ito sa bilang ng phytoestrogens sa iyong katawan upang mas mapalaki ang iyong mga dibdib.

Huwag limitahan ang kilos

Paano magpalaki ng dibdib? Simple lang. Kailangan mong kumilos. Tinatayang 3 sa 5 babae na gumagamit ng mga electrical appliances pagdating sa gawaing bahay ay may maliliit na suso. Bakit? Dahil hindi naeehersisyo ang kanilang katawan. Kaya naman, sa halip na gumamit ng mga automated appliances ay mano-mano mo nalang tapusin ang iyong mga gawain. Ang pag-eehersisyo sa kamay isa ding natural na paraan kung paano palakihin ang dibdib.

Kumain ang mga pagkaing mayaman sa estrogen

Ang estrogen ang nakakatulong sa iyong katawan upang palakihin ang iyong dibdib. Kaya naman, hangga’t maaari ay piliin ang mga kinakain at kumain ng mga pagkaing mayaman sa estrogen katulad ng itlog, gulay, sunflower seeds, chicken soup at flax seeds.

Siguruhing makakakain ka nang alinman ng mga nabanggit kahit isang beses sa isang araw. Ang mga pagkaing ito ay pampalaki ng dibdib at mas magiging maganda ang resulta ng iyog pag-eehersisyo kung sasabayan mo ng mga pagkaing ito.

Uminom ng vitamin supplements

Ang pag-inom ng mga vitamin supplements ay nakakatulong upang mabigyan ang iyong katawan ng sapat na bitaminang kinakailangan upang mapalaki ang iyong dibdib. Halimbawa, ang Vitamin A ay nakakatulong para ma-rejuvenate nang maayos ang iyong balat. Ang Vitamin C naman ang nagrerestore ng collagen sa iyong mga suso upang lumaki ito.

Hangga’t maaari ay konsultahin ang iyg doktor para sa mga bitaminang balak mong inumin. Iwasang bumili ng mga supplements, online man o sa tindahan, na nag-aalok ng mas malalaking suso kapag ininom mo ito. Maaaring magdulot ito nang masamang epekto sa iyong katawan kapag napabayaan.

Magsuot ng komportableng damit

Isang paraan kung paano magpalaki ng dibdib ay ang pagsusuot ng mga damit na komportable. Kahit na normal ang laki ng iyong mga suso, kapag ang iyong damit ay masyadong maluwang o masikip, maaari itong magmukhang maliit sa paningin ng ibang tao.

Kung hindi ka naman biniyayaan ng malaking dibdib, pwede kang magsuot ng mga padded bras at fit na mga damit. Nang sa gayon ay magmumukhang malalaki ang iyong mga suso.

Ayusin ang iyong postura

May ibang mga babaeng nagmumukhang maliliit ang kanilang mga suso dahil sa hindi maayos ang kanilang postura. Ang pagkabako ay nagdudulot ng malilit na suso kahit hindi naman. Taas-noo kang maglakad at iwasan ang pagiging bako. Ito ay makakatulong sa pagpapalaki ng iyong dibdib at para na rin maiwasan ang iba pang problema katulad nang pananakit ng likod.

Piliin ang tamang sukat ng iyong bra

Importante ring piliin ang tamang sukat ng bra na susuotin upang mas magmukhang malaki ang iyong dibdib. Hangga’t maaari, magtanong sa attendant kapag ikaw ay namimili ng bra na susuotin. Huwag magsuot ng mga over-padded bras para lamang mas magmukhang malaki ang iyong dibdib. Huwag ring magsusuot ng masisikip na bra dahil maaaring magkaproblema ka sa paghinga. Piliin ang tamang sukat ng bra kung saan ka komportableng gumalaw. Isa ito sa mga pinakamabisang paraan kung paano palakihin ang dibdib.

Paano nga ba lumaki ang dibdib? Maraming mga paraan at techniques na maaari mong subukan. Hindi mo na kailangang gumastos pa nang mahal upang mapalaki ang sukat ng iyong dibdib. Ang kailangan mo lamang ay sundin ang aming mga tips kung paano lumaki ang iyong dibdib.

Bukod pa rito, maraming mga babaeng nag-aasam ng malalaking dibdib ang nagpa-surgery upang dagdagan ang sukat nito. Hangga’t maaari ay iwasan ang surgery o anumang uri ng operasyon dahil maaaring makasama ito sa iyong kalusugan at maging banta ng iyong buhay.

Ang mga natural na paraan kung paano palakihin ang dibdib ay ligtas at epektibo. Naiintindihan naming nais mong palakihin ang sukat ng iyong dibdib upang mapaligaya ang iyong kapareha o ang iyong sarili. Kailangan mo lamang mag-ingat sa mga supplement na iyong iinumin at mga surgery na inaalok sa iyo. Huwayg i-kompromiso ang iyong kalusugan para lamang sa pagpapalaki ng iyong dibdib kung maaari mo itong gawin sa iyong mismong tahanan.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pampalaki ng Boobs: Tips Upang Lumaki ang Dibdib
4.2 (84%) 5 votes