Search

Pampalakas ng Regla: Mga Tips Para Maging Regular at Malakas Ang Regla

Pampalakas ng Regla: Mga Tips Para Maging Regular at Malakas Ang Regla

Kung ang regla mo ay mahina at irregular, hindi ka nag-iisa! Isa ka sa libo libong Pinay na nahihirapang magkaroon ng regular na buwanang dalaw at lubhang interesadong pagusapan ang paksang ito. Pag-uusapan natin ngayon ang mga paraan upang maisaayos mo ang iyong mahina at irregular na buwanang dalaw.

Kung mahina ang iyong regla, malamang na hindi ka nakikinabang sa magagandang epekto ng pagtaas ng hormone na estrogen. Ang punto na kung saan napakataas ng level ng estrogen ay mga araw bago ka sumapit sa ovulation, ang yugto na kung saan ang iyong itlog ay handa na sa posibleng pertilisasyon at naghihintay ng semilya ng lalaki. Kung ikaw ay may siklong 28 araw, ang ovulation ay maaaring maganap 12 hanggang 16 araw matapos ang unang araw ng regla. Nagiiba-iba ito depende sa stress, mga pagkaing kinakain at mga ehersisyong iyong isinasagawa. Ang mga araw na mataas ang iyong estrogen na magpapalakas ng iyong regla ay nagaganap tuwing ika walo hanggang 11 araw. Siyempre ito’y nagkakaiba-iba rin depende sa babae.

Ang unang hakbang para maitama ang mahina at irregular na dalaw ay ang pag-alam kung ano ang pinaka sanhi nito. Kapag matukoy mo na ang sanhi nito, mas magiging mas madali na para saiyo ang paghanap ng lunas dito.

Pag-usapan muna natin ang ilang dahilan kung bakit mahina at hindi regular ang iyong dalaw

Mga dahilan ng mahina at hindi regular na regla

Bakit pa palagi na lang na huli ang regla ko? Kung dumating man ito, bakit parang mahina at kakaunti ang dugo na lumalabas? Tulad ng nasabi na natin, ang buwanang dalaw ay kontrolado ng mga hormones, na kung hindi balance o nasa tamang dami ay magiging dahilan kung bakit hindi regular ang pagdating o kaya naman ay mahina ang iyong regla. Narito ang kadalasang sanhi ng hormonal imbalance.

  1. Stress o kaigtingan – Ang stress at ang nagmamadaling estilo ng pamumuhay ay ang pangunahing dahilan ng pagpapalabas ng katawan ng stress hormones, na maaaring makasagabal sa iyong buwanang siklo at makapagpaantala o makapagpahina ng iyong regla.
  2. Diyeta – Ang hindi balanseng diyeta at ang iyong mga kinakain ay maaaring makaapekto sa katawan mo at sa iyong buwanang dalaw. Sa katulad na paraan, ang biglaang pagtaas o pagbaba ng timbang ay may epekto rin sa buwang siklo ng babae.
  3. Artipisyal na pagpaplano ng pamilya – Ang mga contraceptive tulad ng pills at injectables ay maaaring siyang dahilan kun bakit hindi normal ang iyong dalaw.
  4. Ang hindi regular na buwanang dalaw ay isang pangkaraniwang problema ng mga teenager. Ngunit kung ikaw ay isang adultong babae, may isang abnormalidad sa hormone na nagiging sanhi ng hindi regular na dalaw. Ito ay tinatawag na Polycystic Ovarian Syndrome isang sakit sa endocrine system. Ang sakit na ito ay sanhi ng labis na pagdami ng androgen (hormone na sagana sa mga lalaki) at pagiging sagabal nito sa palabas ng itlog sa obaryo ng babae, na nagiging dahilan ng hindi regular na regla. Kung ikaw ay isang babae na 17 taong gulang o higit pa at nakakaranas ng hindi regular na regla, makipag-usap ka sa doktor mo para matiyak niya kung ano ang sanhi nito.

Mahalagang paalaala: Ang hindi pagdating nang regla ay isang pangkaraniwang sintomas ng pagbubuntis. Magkonsulta sa doktor o OB-gyne kung dud aka nab aka ikaw ay buntis.

Mga pagkaing pampalakas ng regla

Kung ang pagmintis ng regla mo ay dahil sa hindi malusog na mga pagkain, may mga magagawa ka kahit sa bahay lang na maaaring makatulong saiyo na magkaroon ng regular at malakas na daloy ng regla.

Narito ang ilan sa mga pagkaing kailangan mo para magkaroon ng regular na buwanang dalaw.

Omega-3 Fatty Acids – Salmon, sardinas, mga food supplement na may fish oil

Ang mga ugat na daanan ng dugo sa obaryo ay sadyang maliliit, kaya ito ay madalas na magkaroon ng hindi maayos na sirkulasyon ng dugo at pagkasira nito. Ang paninigarilyo, labis na katabaan at mataas na kolesterol ay lubhang nakakaapekto sa mga daluyan ng dugo sa obaryo, na nagiging dahilan ng hindi wastong pagdaloy ng dugo at hormones. Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fish oil ay nagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo, nakatutulong para mabawasan ang mga free radicals, labanan ang mga epekto ng pagtanda at nagpapataas ng dopamine, isang hormone na kilalang pangpaganda ng mood at pakiramdam.

Ang mga pagkaing mayaman sa Omega-3 tulad ng salmon at sardinas ay makatutulong saiyo na magkaroon ng regular na regla. May mga food supplement na nabibili sa botika na nagtataglay ng sapat na dami ng Omega-3 na nakukuha sa pagkain ng maraming isda. Ang pagkain ng mga isda na mayaman sa Omega-3 araw-araw ay maaaring maging mapanganib dahil sa kontaminasyon ng mercury. Subalit kung bibili ka ng supplement na may fish oil at Omega-3, hindi mo na kailangang kumain ng tuna, swordfish, mackerel o sardinas araw-araw!

Pagkain ng mga pagkain hindi naproseso, umiwas sa mga pagkaing puti

Kung ang pagkain ay kulay puti, baka dahil ito sa pagproseso na ginawa sa pagkain anupat naubos na ang mahahalagang mga sangkap nito na makapagpapaganda ng kalusugan. Para maging regular ang iyong buwanang dalaw, iwasan ang mga pagkaing mapuputi tulad ng putting asukal, harina, puting patatas, putting tinapay, pasta at bigas na sobrang puti. Ang pagkain ng mga pagkaing naproseso ay sagabal sa buwanang siklo dahil pinatataas nito ang iyong blood sugar na nagreresulta sa di kinakailangang pagkaipon ng taba sa katawan. Ang mga tabang ito ay may napakasamang epekto sa ovulation at sa regla at nagiging dahilan ng mahina at hindi regular na dalaw sa babae. Kaya sa mas simpleng pananalita, kung gusto mo ng regular at malakas na regla: umiwas sa mga pagkaing puti!

Protina – keso, karne at nuts para itama ang mga hormones

Ang paghahanap ng balanseng mapagkukunan ng protina ay tunay na isang mabigat na hamon sa mga babaeng busy sa kanilang mga schedule, subalit ito ay napakahalaga upang maitama ang dami ng iyong mga hormones. Kapag maitama moa ng iyong mga hormones, magiging mas regular ang iyong buwanang dalaw. Ang mga protinang nakukuha sa mga halaman ay mainam para mapaunlad ang fertility at pagkabalanse ng mga hormones sa katawan. Ang pagkain ng mani, keso, nilagang itog, soya at de-latang sardinas ay makatutulong sa bagay na ito.

Bitamina D para sa regular na regla

Ang bitamina D ay bihirang makuha sa pagkain, iilan lamang ang meron nito. Kaya uminom ka ng food supplement na meron nito. Kumain ka rin ng tuna, pula ng itlog, salmon, sardinas at cud liver oil. Maganda rin ang pag-inom ng skimmed milk sapagkat sagana ito sa bitamina D.

Kung naghahanap ka nang bitamina D supplement,magtanong ka sa pinakamalapit na botika sainyong lugar. Ang pharmacist ang magsasabi saiyo kung anong brand ang maganda para sa sitwasyon mo. Alam mo ba na ang paginom ng bitamina D ay nakapagpapaganda ng kutis?

Kumain ng itim na tsokolate para para pampalakas ng regla!

Ang tsokolate ay mayaman sa flavonoids, na may tulad estrogen na kakayahan na tumutulong na mapaunlad ang sirkulasyon ng iyong dugo. Hinahadlangan nito ang pagbabara ng mga platelets sa mga ugat kahit na ang mga maliliit na daanan ng dugo tulad ng sa obaryo at endocrine glands. May kakayahan din itong padamihin ang iyong dopamine na magpapaganda ng pakiramdam mo. Kung bibili ka ng tsokolate, piliin mo yung itim, mas masarap na pampalakas ng regla pa!

Ang mga pagkaing aking nabanggit ay ilan lamang sa mga pagkaing madaling matagpuan dito sa Pilipinas na makatutulong saiyo namagkaroon ng regular at malakas na regla. Subalit kung mapansin mong hindi parin umuubra ang pagsusumikap mong ito’y maging regular, huwag kang mag-atubiling bumisita sa doktor para matiyak at malunasan ang mga dahilan kung bakit hindi regular ang iyong buwanang dalaw.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pampalakas ng Regla: Mga Tips Para Maging Regular at Malakas Ang Regla
4.3 (86%) 20 votes