Search

Pagpapasuso: Mga Dahilan at Kasagutan Upang Maisulong ito

Pagpapasuso: Mga Dahilan at Kasagutan Upang Maisulong ito
loading...

Sa tagal ng panahong ipinaglalaban ang kahalagahan ng breastfeeding marami paring mga bagong ina ang ayaw mag pasuso, ano-ano nga ba ang kanilang dahilan?

  • Natatakot na hindi sapat ang gatas na binibigay nila
  • Natatakot dahil baka malabnaw ang gatas nila
  • May trabaho kaya walang panahong magbreastfeed
  • Pagod sa trabaho kaya mas gustong gumamit na lamang ng formula milk

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga dahilan kung bakit maraming ina ang hindi parin nagpapabreastfeed, ang mga ito ay isa-isa nating sasagutin.

Natatakot na hindi sapat ang gatas na binibigay nila

Ang dami ng gatas na nagagawa ng ina ay sapat lamang para sa edad ng kanilang sanggol. Kapag kapapanganak pa lamang, kukunti lang talaga ang gatas na nagagawa ito dahil maliit pa ang tiya ng bagong anak na sangol. Sa pagdaan ng araw, unti-unti rin itong dadami dahil sa madalas ng pagsuso ng sanggol ito ay dahil sa hormone na prolactin na siyang nag-uutos sa utak na gumawa ng mas maring gatas.  Ang prolactin ay tumataas sa madalas na pag-suso at bumaba kapag handa na ang batang kumain.

Natatakot dahil baka malabnaw ang gatas nila

Natural na malabnaw ang kulay ng gatas ng ina sa simula ng pagpapasuso habang lumalapot naman ito sa katagalan, ito ang tinatawag na foremilk at hindmilk. Ang foremilk ay ang gatas ng unang lumalabas sa pagpapasuso, ito ay natural na malabnaw dahil mababa ito sa fats at mataas sa carbohydrate, habang ang hindmilk naman na lumalabas lamang kapag naubos na ang foremilk ay mataas sa fats at mababa sa carbohydrate, ito ay nabubuo kapag matagal napasuso ang bata. Sa madaling salita ang hindmilk ay concentrated kaya ito maputi kumpara sa foremilk.

May trabaho kaya walang panahong magbreastfeed

Sa panahon ngayon, kinakailangang makapagtrabaho pareho ang ama at ina kahit kapapanganak pa lamang nito para mabuhay, ito ay isa sa mga pangunahing dahilan kung kaya maraming working moms ang hindi nakakabreastfeed. Upang ito ay masolusyonan, pwede epump ng ina ang kanyang gatas at ilagay sa feeding bottle at itago sa loob ng refrigeratos na siyang ipapainum sa sanggol kapag ito ay nagutom. Sa ganitong paraan mapapainum paring ng breastmilk ang saggol kahit may trabaho ang kanyang ina.

Pagod sa trabaho kaya mas gustong gumamit na lamang ng formula milk

Ang ina ay maaring magpasuso kahit pagod na sila, hindi makukuha ng sangol ang pagod ng ina, sa katunayan, mas nakakadagdag ng pagod ang pag hahanda ng mga gagamitin tulad ng pag sterilized ng feeding bottle, pagpapakulo ng tubig, pagtimpla, at pag bantay habang nagpapadede kumpara sa pagpapabreastfeed na pwedeng makatulog ang ina habang nagpapadede. Isa pa, ang bottle feeding ang isa sa mga dahilan kung kaya nasisira ang ngipin sa harapan ng mga bata, ito ay dahil sa gatas na lumalabas sa feeding bottle kapag nakatulog ang pinapadedeng bata.

Ngayon na nasagot na ang mga kadalasang dahilan kung bakit hindi nakakapag breastfeeding ang mga ina, inaasang lahat ng mga bagong ina ay makakapag breastfeeding na. Sa susunod na articulo, ilalahad lahat ng dahilan kung bakit mas HEALTHY ang breastmilk kumpara sa formula milk.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pagpapasuso: Mga Dahilan at Kasagutan Upang Maisulong ito
Rate this post

loading...