Search

Paano Gumawa Ng Baby Boy O Baby Girl?

Paano Gumawa Ng Baby Boy O Baby Girl?

Karamihan sa mga magulang na nagbabalak magbuntis ay gustong ng baby boy o baby girl. Malamang na isa rin kayo sa mga mag asawang naghahanap ng paraan upang makagawa ng lalaki o babae. Sa kaso naming pamilya, tatlo kaming lalaki, walang kaming kapatid na babae kaya ang mga magulang naming ay naiinggit sa mga kapitbahay na may baby girl. Ako naman, gusto kong maging lalaki an gaming panganay na anak, suablit babae ang aming nagawa.

May mga nagsasabing may mga pamamaraan daw upang mapalaki ang posibilidad na makagawa ng baby boy o baby girl. Sa kasamaang palad, wala namang medikal o siyentipikong mga ebidensya na ang mga pamamaraang ito ay talagang epektibo!

Ngunit may mga mag asawa na maaaring magsabi saiyo na epektibo ang ilan sa mga pamamaraang kanilang sinubukan. Kaya kung talagang gusto mong gumawa ng baby boy o baby girl, wala namang mawawala saiyo kung susubukan mo ang mga pamamaraang aming ilinista para sa iyo.

Paano gumawa ng baby boy?

Gusto mo bang gumawa ng baby boy? Tingnan mo ang mga impormasyong ito!
Ikaw ay naglilihi ng baby kung…

  • Nagtalik kayo ng asawa mo sa mismong araw ng ovulation. Sa araw na ito mas mabilis na makalalangoy ang lalaking semilya at mauuna itong makarating sa itlog kumpara sa mga babaeng semilya.
  • Ikaw ay naunang makaranas ng orgasm kaysa sa asawa mo. Maglalabas ka ng likidong alkaline na lalong magpapasigla sa mga lalaking semilya. Ang acidity ng pwerta ng babae ay nakakamamatay sa mga lalaking semilya sa normal na kalagayan.
  • Ang inyong pagtatalik ay deep penetration. Papwestuhin ang asawang lalaki sa likod mo, tulad ng doggie style.
  • Ang asawa mo ay may maraming bilang ng semilya o sperm count. Ang mga lalaking semilya ay mas mahina kumpara sa mga babaeng semilya, kaya habang mas marami ang sperm count, mas malaki ang posibilidad na isa sa mga lalaking semilya ang maunang makarating sa itlog. Maghanap ng mga pamamaraan upang maparami at mapalusog ang mga semilya ni mister. Makatutulong ang paghinto sa paginom at paninigarilyo, sapat na pahinga at ehersisyo at pagkain ng masusustansiya.
  • Mag iwas sa pakikipagtalik isang linggo bago ang ovulation at makipagtalik lamang sa mismong araw ng ovulation, para panatilihing mataas ang sperm count.
  • Hayaang si mister ang mag alok na makitalik.
  • Makipagtalik sa gabi
  • Panatilihing malaming ang ari ni mister sa pamamagitan ng pagsuot ng maluluwang na pangibaba at underwear.
  • Kumain ka ng maaalat na pagkain, maraming karne, isda, productong gawa sa puting harina, pasta, prutas at gulay. Mag iwas sa gatas at mga produktong gawa sa gatas tulad ng keso, yoghurt, chocolate, mga shell at tinapay na pang diyeta.

Paano ba malalaman kung baby boy na nga ang iyong ipinagbubuntis?

Narito ang ilan sa mga nakagugulat ngunit sikat na mga palatandaan kung lalaki ng aba ang iyong ipinagbubuntis.

  • Ang pintig ng puso ni baby ay hindi lalampas sa 140 pagtibok kada minuto
  • Mas malaki ang iyong tiyan kumpara sa iba
  • Mababa ang iyong pagbubuntis
  • Mas gumaganda ka habang ikaw ay buntis
  • Hindi ka nakaranas ng pagduduwal tuwing umaga sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis
  • Mas malaki ang iyong kanang suso kumpara sa kaliwa
  • Tumingin ka sa salamin ng isang minuto at ang iyong balintataw ay lumalaki
  • Natatakam ka sa maaalat na mga pagkain o sa protina tulad ng keso at karne
  • Ang iyong paa ay mas madaling lumamig kumpara noong hindi ka pa buntis
  • Itali moa ng iyong singsing na pang kasal at itapat ito sa tiyan mo. Mapapansin mong kikilos ito ng pabilog o paikot.
  • Ang iyong balat ay mas tuyo
  • Ang iyong buhok ay mas gaganda at kikintab sa panahon na ikaw ay buntis
  • Mas madaling sumakit ang iyong ulo
  • Ang iyong unan ay parating nakaharap sa hilaga kung ikaw ay natutulog
  • Kung sasabihin sayong ipakita moa ng kamay mo, ipapakita mo ito na ang palad ay nakaharap sa baba.
  • Natutulog ka ng nakatagilid sa kaliwang bahagi
  • Ang ihi mo ay matinkad na dilaw
  • Ikaw ay mas agresibo sa pakikipagtalik ng ipaglihi ang baby
  • Kumain ka ng bawang at ang amoy nito ay tagos hanggang sa balat mo

Paano ba gumawa ng baby girl?

Gusto mo bang gumawa ng baby girl? Sundan mo ang sumusunod na mga payo.

  • Nagtalik kayo ng mas maaga sa pagsisimula ng iyong buwanang siklo ng ovulation. Ang mga babaeng semilya ay mas malakas at mas nabubuhay ng mas matagal kumpara sa mga lalaking semilya na mas nauunang mamatay bago makarating sa itlog.
  • Si mister ang unang nakaranas ng orgasm
  • Makipagtalik ng mas madalas para mabawasan ang sperm count ni mister. Ang paggawa nito ay magpapataas ng posibilidad na babaeng semilya ang maunang makarating sa itlog.
  • Gawing mababaw ang pagbaon ng ari ni mister sa pakikipagtalik
  • Huwag makikipagtalik ng hindi protektado apat hanggang limang araw bago ang ovulation para mabawasan ang posibilidad na lalaking semilya ang makarating sa itlog
  • Panatilihing mainit ang ari ni mister sa pamamagitan ng pagsuot ng masisikip na pambaba o underwear
  • Ikaw ang mag alok ng pakikipagtalik
  • Makipagtalik sa bandang hapon
  • Maglagay ng kahoy na kutsara sa ilalim ng kama at pink na ribbon sa ilalim ng unan
  • Uminom ng maraming gatas at kumain ng mga produktong gawa sa gatas tulad ng keso at Yakult. Kumain din ng hindi maalat na pagkain, kanin, pasta, uminom ng mineral water at kumain ng kaunting dami ng karne at patatas. Umiwas sa maaalat na pagkain, wine at beer, prutas, kamatis, chocolate,kape at tsaa.

Paano ba malalaman kung baby girl ang iyong iyong dinadala?

Buntis ka na ba? Basahin ang sumusunod na mga impormasyon para mahulaan kung babae nga ba ang iyong baby.

  • Babae ang iyong ipinagbubuntis kapag…
  • Mas mabilis sa 140 pagtibok ang heart beat ni baby
  • Mas mabilog ang tiyan mo
  • Mataas ang iyong pagbubuntis
  • Mas matanda at problemado kang tingnan habang nagbubuntis
  • Ikaw ay nagsusuka tuwing umaga sa unang 12 linggo ng pagbubuntis
  • Ang iyong kaliwang dibdib ay mas malaki kumpara sa kanan
  • Tumingin ka sa salamin ng isang minuto, ang iyong balintataw ay hindi lumalaki
  • Ikaw ay natatakam sa matatamis na pagkain tulad ng juice, prutas o ice cream
  • Talian moa ng iyong singsing na pang kasal, itapat mo sa tiyan mo at gagalaw ito papuntang kaliwa at kanan
  • Mas malambot ang balat mo
  • Ikaw ay masyadong sensito kumpara sa dati
  • Kumain ka ng bawang ngunit hindi mo ito naaamoy
  • Mas manipis at tuyo ang buhok mo
  • Nakatagilid ka sa kanan kapag natutulog ka

Iyan ang mga pamamaraan kung paano gumawa ng baby boy o baby girl. Nabanggit din natin ang mga pamamaraan upang mahulaan ng tama ang kasarian ng iyong dinadala.

Paalala lamang, ang mga impormasyon nabanggit ay walang medikal na batayan. Kung ang kasarian ng iyong dinadala ay hindi katulad ng iyong inaasahan, isipin na lamang ang mga bata ay regalo mula sa Diyos, maging ito man ay baby boy, o baby girl.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Paano Gumawa Ng Baby Boy O Baby Girl?
3.9 (77.14%) 7 votes