Search

Para sa Mga Kalalakihan: Tips Para Matagal Labasan

Para sa Mga Kalalakihan: Tips Para Matagal Labasan
loading...

May mga mag-asawang nagkakaroon ng isyu sa pagtatalik dahil madalas, mabilis na labasan ang lalaki. Kung ikaw ay nakakaranas ng pagkabitin sa tuwing kayo ng iyong asawa o nobya ay nagtatalik dahil napakabilis mong labasan, mayroong mga natural at mabisang paraan para sa iyong problema.

Paano nga ba matagal na labasan? Narito na ang iba’t-ibang paraan na pwede mong subukan upang mas mapatagal pa ang iyong pagpapaligaya kay misis o gf sa kama. Ang iba’t-ibang paraan para matagal na labasan:

Subukang uminom ng Viagra

Ang Viagra ang isa sa pinakapopular na supplement na ginagamit ng mga kalalakihan upang matagal na labasan. Isa itong mabisang pampatagal labasan para sa mga lalaking mahina ang stamina pagdating sa pakikipagtalik.

Siguruhin lamang na sa botika ka bibili ng Viagra dahil maraming nagbebenta ng pekeng supplements na nakakasama sa kalusugan. Ang supplement ay makakatulong sa iyo upang matagal kang labasan at ito rin ay solusyon para sa mga lalaking nahihirapang patigasin ang kanilang ari o erectile dysfunction.

Magpahinga nang mabuti

Ano ang paraan pampatagal labasan? Isa sa mga dahilan kung bakit mabilis na labasan ang mga lalaki ay dahil sa matinding pagod. Kaya naman dapat ay nakakondisyon ang iyong katawan upang ikaw ay matagal na labasan. Isa sa mga paraan para matagal labasan ay ang pagpapahinga nang mabuti. Iwasang makipagtalik kapag ikaw ay pagod dahil mabilis kang lalabasan at makakatulog.

Ang pagpupuyat din ay isa sa mga dahilan kung bakit mabilis na labasan ang isang lalaki. Kaya naman, hangga’t maaari ay magpahinga nang mabuti at huwag hayaang mapagod nang husto ang sarili bago makikipagtalik sa iyong asawa o nobya.

Paligayahin ng husto ang kapareha

Bakit mahalaga ang pampatagal labasan? Mainam na paligayahin mo muna ang iyong asawa o nobya sa foreplay. Paano labasan ang babae? Hanapin ang kanyang kiliti. May mga babaeng nilalabasan kahit nagfo-foreplay pa lamang. May mga pag-aaral din na nagsasabing mas ginaganahan ang mga lalaki kapag ang kanilang kapareha ay naliligayahan sa kanilang ginagawa, dahilan upang mas lalong tumigas ang kanilang ari at matagal na labasan.

Kaya naman, sa susunod na magtatalik kayo ng iyong misis, alamin ang kanyang mga kiliti. Maari mo siyang paligayahin gamit ang iyong ari at daliri. Nang sa gayon, maiiwasan mo na ang mabilis na labasan.

Pampatagal labasan: Iwasan ang stress

Ano ang mga salik ng madaling labasan sa lalaki? Ang stress ay may masamang maidudulot pagdating sa pagtatalik. Kung hindi pa kayo mag-asawa ng iyong nobya, kailangan mong ma-kontrol kung kailan ka lalabasan upang maiwasan ang maagang pagbubuntis.

Bukod pa rito, iwasang ma-stress. Maraming mga paraan na maaari mong subukan upang bumaba ang lebel ng stress na iyong kinakaharap. Maaari kang mag-yoga, mag-meditate, o magliwaliw. Kung ikaw ay stressed at nakikipagtalik, malaki ang posibilidad na kung tumigas man ang iyong ari ay panandalian lamang ito. Ito rin ang dahilan ng premature ejaculation na maaaring makabuntis sa iyong nobya.

Subukan ang iba’t-ibang sex techniques

Lahat ng mga lalaki ay may kanya-kanyang pantasya pagdating sa kama, iyan lang ay sapat nang pampatagal labasan. Paano matagal labasan? Subukan ang ilan sa iyong mga pinagpapantasyahan upang iangat ang libido ng iyong katawan. May mga mag-partner na nagsusuot ng mga costume at nagro-roleplay.

Mayroon din namang iba na madalang lamang kung makipagtalik ngunit tinotodo naman upang hanap-hanapin ng kanilang kapareha. Isa ito sa mga gamot para matagal na labasan dahil naibabalik nito ang sabik sa iyong katawan pagdating sa mga sexual stimulators. Siguradong ang iyong kapareha ay kaiinipan ang inyong muling pagtatalik dahil sa kakaibang sensasyong dulot nito.

Isa pang paraan upang matagal na labasan ay ang pagtatalik nang madalas. Ito ay epektibo sa mga lalaking nakakaranas ng premature ejaculation. Nang sa gayon, iyong masasanay ang iyong ari at ma-immune ito upang mas makontrol mo na ang paglabas ng iyong semilya.

Mag-ehersisyo

Ang pag eehersisyo ay isa sa mga tips para matagal labasan. May mga ehersisyo na nakakatulong upang matagal na labasan ang isang lalaki. Ang pag-eehersisyo ay isa ring itinuturing na gamot upang matagal labasan kapag nakikipagtalik o kahit na nagmamasturbate lamang. Kaya naman ugaliing mag-ehersisyo palagi. Konsultahin ang iyong doktor sa mga ehersisyo na makakatulong sa iyo upang mabuhay ulit ang dugo sa iyong katawan.

Kung gusto mong malaman kung paano labasan ang babae, dahil maraming mag-asawa at mag-nobyo na nagkakaproblema pagdating sa babae. Matagal labasan o hindi kaya’y talagang hindi nilalabasan. Ikonsulta din ito sa doktor upang malaman ang mga solusyon na pwede mong subukan para malaman kung paano labasan ang babae habang nakikipagtalik.

Gumamit ng lubricant

Ang paggamit ng lubricant ay nakakatulong sa iyo upang swabeng maipasok ang iyong ari, nang sa ganoon, maiiwasan ang mga dahilan kung bakit mabilis labasan ang lalaki . May mga mag-asawa na nagkakaproblema sa pagtatalik dahil nasasaktan ang babae, at ito ay nag-uudyok sa lalaki upang mabilis na labasan at nang matapos na ang pakikipagtalik sa kanya.

Upang wala nang sagabal habang ikaw ay nakikipagtalik sa iyong nobya o asawa, maaaring gumamit ng pampadulas o lubricant. Nang sa gayon, mas gaganahan kang makipagtalik at mas matagal kang lalabasan dahil hindi mawawala na ang sakit na nararamdaman ng iyong nobya o asawa.

Huwag mang-gigil

Ang pagkagigil ang isa sa mga dahilan kung bakit mabilis na labasan ang isang lalaki. Kailangan mong mag-relax at swabeng gumalaw upang matagal kang labasan. Maaaring nasasarapan ka nang husto sa pagkagigil ngunit ito ay panandalian lamang. Matapos ang ilang minute ay mapapagod nang husto ang iyong katawan at ikaw ay lalabasan na. Kaya naman, kahit anong sabik mo sa iyong asawa o nobya, iwasan ang labis na pagkagigil kapag ikaw ay nakikipagtalik sa kanya.

Sundin ang mga tips para matagal labasan. Higit ano pa man, maaari mong tanungin ang iyong kapareha kung ano ang gusto niya at ang labis na makakapagpaligaya sa kanya sa kama. Ang mga tips na ito ay para sa mga lalaking gustong matagal na labasan at mga babaeng nabibitin sa tuwing nakikipagtalik sa asawa o nobyo.

Huwag kang mahihiyang magtanong kung ano ang iyong maaaring gawin upang matagal na labasan ang iyong kapareha. Maaaring may mga bagay na labis niyang pinagpapantasyahan sa kama at maaari niyo itong subukan upang matagal kayong dalawa na labasan.

Sa huli, importante din na bigyang pansin ang inyong kalusugan. Kung sa tingin mo ay nagawa mo na ang lahat ngunit hindi ka pa rin nilalabasan, kailangan mo nang konsultahin ang iyong doktor dahil makapagbibigay siya nga mga mabisang gamot at paraan upang matagal na labasan sa tuwing nakikipagtalik sa kapareha.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Para sa Mga Kalalakihan: Tips Para Matagal Labasan
4.7 (93.33%) 3 votes

loading...